PART 4 OF 12

80 9 5
                                    

SUICIDE CLUB. Hindi ko alam kung matutuwa o matatawa ako sa pangalan ng grupo. Nakakatuwang isipin na nagbago ang buhay ko nang pumasok ako sa loob ng tent a.k.a. "clubhouse". Punit-punit at gawa sa pinagtagpi-tagping tela ang mga pader, may maliit na sala, kusina, at mga kwartong ipinaghihiwalay ng mga kurtinang pula.

Noon ko lang napansin ang hitsura ng mga kasama ko. Hindi ko maiwasang tanungin, "Bakit kayo nagpakamatay?"

Natawa si Jose, isang matabang lalaki na kasalukuyang nagbabasa ng libro. May malalim siyang mga sugat sa kanyang mga pulso at kalungkutan sa mapupungay niyang mga mata, "Nagtatrabaho ako noon sa isang kompanyang gumagawa ng mga upuan. Nang makita ako ng mga lalaking naka-maskara, hinuli nila ako't pinilit magpakamatay. Masyado raw akong mataba, at walang kwenta ang mga empleyadong baboy at babagal-bagal. They told me I'm just a useless pig who doesn't fit into the social standards."

Pagak na natawa naman si Ferdinand na nakasalampak sa sahig, "Mas okay pa nga 'yang rason mo eh. Alam niyo bang nagpakamatay ako dahil bobo ako? Masyado raw kasi akong tatanga-tanga at mahina ang ulo kaya na-kick out ako sa unibersidad. Nahuli nila ako, and the rest is history! I killed myself because of stupidity." At ipinakita niya pa ang marka ng lubid sa kanyang katawan. Ngayon ko lang napansin na tinunaw ng asido ang ilang parte ng kanyang mukha.

Tumabi sa'kin si Josefina, "Sakitin ako. Magmula nang ipinanganak ako, palagi na akong suki ng mga ospital. Nagsawa sa'kin ang parents ko kaya pinilit nila akong magpakamatay. Wala raw akong silbing anak at pabigat lang daw ako sa kanila." Pinilit niyang ngumiti kahit na basag ang kanyang boses. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya.

Binalingan ko ang isang dalagang nakatulala sa labas. She had this hard expression on her face.

"Ikaw?" Mahina kong tanong.

Tumalim ang tingin sa'kin ni Gloria, "Bakit ba napaka-tsismoso mo? Kahit naman malaman natin kung bakit tayo nagpakamatay, hindi na nito mababago ang katotohanang tinapon tayo dito! Wala nang tatanggap sa'tin. Wala! We can't fucking go back to our normal lives and pretend that we're one of them! Pretend that we're---"

"---perfect? Hindi naman talaga." Mariin kong sagot.

Nagpabalik-balik ang tingin nila sa amin ni Gloria. Sa huli, mahinang napamura ang dalaga at nagsalita, "I robbed a bank. I'm a thief. Society doesn't like petty thieves, kaya pinatungga nila sa'kin ang isang malaking bote ng lason. Happy now? Now, if you'll just excuse me, I'd like to die in peace." At nagdadabog siyang lumabas ng clubhouse. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming natira. Narinig kong bumuntong-hininga si Josefina, "Palagi siyang ganyan. Hayaan mo na."

Tumawa si Jose, "Madalas talaga 'yan mag-tantrums. Mamaya-maya lang, ayos na siya." Tumango bilang pagsang-ayon si Ferdinand at ngumisi sa akin, "Ikaw? Bakit ka naman nagpakamatay? Or rather, bakit ka nila pinatay?"

They turned their attentions to me. Nakatutok sila na para bang mga batang nag-aabang ng mga kwento ni Lola Basyang. I guess they expected me to narrate an epic of a brave hero who died for a noble cause.

Unfortunately, I'm not a hero in any story.

I sighed, "Namali ako ng spelling ng silhouette."

Nagpakurap-kurap ang tatlo sa akin. Para bang inaasahan nilang may idaragdag pa ako sa aking kagila-gilalas na kwento. "Then?" Ferdinand urged. Kumunot ang noo ko, "Um... 'Yon na 'yon."

"S-Sigurado ka?"

"Oo nga."

Kamuntikan nang malaglag ang mga panga nina Jose at Josefina sa sinabi ko. "NAMALI KA LANG NG SPELLING KAYA KA PINAG-SUICIDE?!" Sigaw nila. Nagkibit na lang ako ng balikat at sumandal sa bulok na sopa. Bakit ba kapag nanggaling na sa ibang tao, parang ang babaw ng rason ng pagpapakamatay ko?

And now that I think about it, maybe it is. I was born into a worthless family, lived a worthless life, and died a worthless death. Poor me.

Ngayon, malinaw na sa'king repleksyon ang kanilang mga mata ng awang nararamdaman ko para sa sarili ko. Josefina smiled at me and held my hand, "Naghahanap na lang talaga sila ng rason para pumatay. If they keep killing people who make even the smallest of mistakes, they'll end up killing every single human on earth."

Tumango ako. "Then why are we still alive? Mga zombies ba tayo? Half-dead?"

Mapait na ngumiti si Ferdinand at ibinato ang isang kutsilyo sa kisame. The sharp blade pierced through the tent and made a hole. Mula rito, nakikita ko ang madilim na kalangitan na hudyat ng papalapit na delubyo. "Hindi rin namin alam. We're not zombies nor half-dead humans... We're just not alive." Huminga nang malalim si Ferdinand at malungkot na ngumiti, "Maraming dahilan sa kung bakit tayo namatay, pero iisa lang ang nakikita naming dahilan kung bakit hindi pa tayo naglalaho sa mundo."

Inihilig ni Josefina ang kanyang ulo sa aking balikat, her breaths came in a shallow rythm, "Kailangan nating maghiganti. We need to take them down and kill them. Kill them, kill them, KILL THEM! HAHAHAHA!"

"I-Ibig niyo sabihing...?" Masama ang kutob ko rito. Paano ba ako nadawit sa ganitong gulo?

"We're going to take them down and end this nonsense. Isang rebelyon ang plano ng Suicide Club laban sa gobyerno para wala nang mabiktima pang iba," Sagot ni Jose at malumanay na inilipat ang pahina ng hawak niyang libro. His eyes remained on the page, a look of grief crossed his features, "2 Corinto 4:8... 'Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa."

---

✔ Suicide ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon