Nilamon ako ng walang-hanggang pait at kadiliman. Para bang ginagapos ako ng mga alaala at pagsisisi sa buhay. Ngayon ko lang napagtantong wala nga pala akong ginawang tama noong nabubuhay pa ako. Hindi ako perpektong anak. Hindi ako perpektong mag-aaral. Hindi ako perpektong nilalang... Kaya ako nagpakamatay.
Patay na ako.Pero bakit may tumatapik sa mukha ko?
"Gising na, baka balikan ka pa nila."
'Huh?'
Unti-unti, nagmulat ako ng mga mata. Halos manibago ako sa dilim ng kapaligiran, tanging ilaw na nanggagaling sa isang maliit na flashlight lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. "N-Nasaan ako?" Mahina kong tanong sabay upo. Sumasakit pa rin ang ulo ko at para bang mahapdi pa rin ang buong katawan ko. That's when I noticed the person staring at me with such unwavering melancholy. She forced a smile, "Nandito ka sa basurahan ng mga bangkay. Tapunan ng perpekto at plastik nating lipunan."
Tumayo siya't nagsimulang maglakad papalayo. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Tapunan?" I started scanning my surroundings, and there I saw the source of that foul smell coating the air. Nakapalibot sa'kin ang daan-daang mga bangkay, pawang naaagnas na ang kanilang mga parte at may lubid sa leeg.
Hindi ako natakot.
Mas takot ako sa kaplastikan ng lipunan kaysa sa kamatayan.
'Pero paano ako nabuhay? 'Di ba patay na ako?' Mabilis kong binalingan ang babaeng nanggising sa'kin kanina at tumakbo papunta sa direksyon niya. "Sandali! Saan ka pupunta?"
I easily caught up with her. When the girl spun around, that's when I noticed her face. Napaatras ako nang wala sa oras nang makita kong puno ng sugat ang kanyang mukha at may malaking parte ng nalapnos na balat mula sa kanyang kanang mata pababa sa kanyang pisngi. It almost made her look like she was crying blood out of one eye. Malungkot siyang ngumiti sa akin, "Saan ako pupunta? Saan pa, eh 'di magtatago. Malapit na namang mag-umaga. Kailangan nating umalis bago bumalik dito ang mga lalaking naka-maskara."
Then, she started walking away again.
Mabilis ko siyang sinundan, "Ano bang nangyayari rito?! Sino ka ba? Nasaan ba talaga tayo? Bakit hindi pa ako patay?" Sunud-sunod kong tanong habang binibilisan ang paglakad. Napapansin kong nag-iiba na ang kulay ng kalangitan. The night slowly crept into twilight. Morning is yet to come.
The girl laughed dryly, never slowing down, "Ang ignorante mo talaga 'no? Tinapon tayo ng lipunan dito. The society discarded us like worthless trash. Nasa human dumpsite tayo ngayon, sa isang liblib na parte ng siyudad. My name is Josefina, but you can call me Sef. And to answer your last question, smartass, patay ka na..." Sinipat niya ang katawan ko at pagak na natawa, "Mga naglalakad na lang tayong bangkay. We don't have a soul, a heart, or a piece of humanity left in us. Society killed us. Killed us. Killed us. Killed us! Fun, isn't it? HAHAHAHA!" Umalingawngaw sa katahimikan ang kanyang pagtawa at tumakbo na siya papalayo.
Rumihistro sa'kin ang sinabi niya. Nakapagtatakang wala akong naramdamang takot o lungkot. 'P-Patay na ako?' Napatingin ako sa katawan ko at halos manlumo ako nang mapansing puro lapnos ang aking katawan. I smelled like ashes and burnt flesh. I felt my neck and discovered the specialized rope they used for my suicide.
Yup. I'm dead.
"H-Hey! Wait up, Sef!" Wala na akong alam na pupuntahan, kaya't mabuti nang sumunod ako sa kanya. I saw Josefina laughing and jumping over several corpses. Para siyang bata! Nang huminto siya sa tapat ng isang tent, lumingon siya sa'kin at mapait na ngumiti.
"We are victims of suicide. Suicide, suicide, suicide! Welcome to the club!" At iminuwestra niya ang tent na nakatayo sa aming harapan. Nang mapadako ang mga mata ko roon, napanganga ako sa nakita ko.
Several other people stood in front of me, wearing tattered clothes and cuts all over their bodies. They looked emotionless, bored, and sad. How could they feel so many emotions all at once?
Binati ako 'nong tatlo. Nakakapangilabot lang na iisa lang ang sinabi nila sa'kin, "Welcome to the Suicide Club, Antonio Servantes."
---
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
Short StoryBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...