"AAAAAAAH!"
Umalingawngaw sa kadiliman ang sigawan nila. Isang nakakapanindig-balahibong tunog na naging dahilan upang lumipad papalayo ang mga uwak. Hinihingal kong tinanggal ang patalim na nakabaon sa dibdib 'nong isang lalaki at pinagmasdang magmantsa ang dugo sa kanyang damit. "Shit," The blood felt warm on my hands, but it was almost comforting. Nakakaramdam pa pala ako.
"Tonyo, kailangan na nating bumalik sa clubhouse! These bastards called backup!" Sigaw ni Jose bago ibinalibag ang katawan ng isang kaaway. The man's body twisted in an odd angle. 'Paniguradong nabalian siya ng mga buto,' walang-emosyon kong isip at dinampot ang patalim sa sahig.
"TANGINA!" Narinig kong mura ni Gloria bago itinapat ang assault rifle sa mukha ng lalaking nagtangkang sumakal sa kanya. In a split second, his mask broke and blood splattered the wall behind him in a crimson abstract.
It was beautiful in a twisted way.
Nang marinig namin ang yabag ng mga paa sa aming likuran, wala kaming inaksayang oras at mabilis na tumakbo papalabas ng pasilyo. My feet felt numb and I had to jump over several bodies to keep up with my clubmates. "Paano nila nalamang aatake tayo ngayon?!" Sigaw ko habang tinatahak namin ang madilim na daan. Their newly polished floors stained in red.
"H-Hindi ko rin alam!" Hinihingal na sagot ni Jose kahit pa nahihirapan siyang kumilos sa kanyang timbang. He looks like an inflated human balloon, no wonder the society rejected him.
"Takbo!" Sigaw ni Ferdinand habang inaayos ang nasirang baril.
Sinundan ko lang silang apat habang nagpapasikot-sikot kami sa mga pasilyo.
BANG!
Binalot ng tensyon ang paligid nang paulanan kami ng bala ng mga kaaway. Those pesky masked men chased us down with obsidian guns. Hinihingal kaming kumaliwa sa isa pang pasilyo, ngunit agad akong natigilan nang makarinig ako ng isang pamilyar na ingay. Sumilip ako sa salaming bintana ng isang pinto at nanlamig ang buong katawan ko sa nakita.
They're doing it again.
"---Go ahead. Kill yourself. Save us the humility..."
Horror struck me as I watched the scene. Nakabitin ang katawan ng isang bata mula sa kisame at walang-awa nilang binuhusan ng gasolina ang kanyang payat na katawan. "N-No..." Naikuyom ko ang mga kamao ko. The masked men started setting her body aflame. Kamuntikan na akong sumugod sa loob nang bigla kong naramdaman ang kamay na mariing humawak sa braso ko.
"Huli na! Wala na tayong magagawa!"
"P-Pero---!"
"False perfection is going to slaughter everyone. Kung magpapadalus-dalos tayo ngayon, baka lalo natin silang hindi mailigtas! Gusto mo bang dumami pa ang mga mag-suicide?!" Asik ni Josefina. Seryoso ang kanyang mga mata. Sandali akong bumaling sa silid at pinagmasdan ang paglamon ng apoy sa bangkay na nakasalambitin pa rin sa kisame. The masked men watched in satisfaction as the flames ate her. Huminga ako nang malalim at napalunok, "Ngayong umatake na tayo, alam na nila ang tungkol sa grupo natin..."
"Anong ibig mong sabihin?"
"They are watching us."
Napatingin ako sa maliit na CCTV camera na nakapwesto sa sulok. Nang mapansin ito ni Sef, mahina siyang napamura. Kumislap sa direksyon namin ang kulay pula nitong ilaw, indikasyon na nanonood sila sa amin. Binabantayan nila ang bawat galaw namin sa loob ng gusaling ito. Devilish eyes that can monitor their hell. Wala na kaming kawala sa mga susunod pang mangyayari.
"NANDITO SILA!"
Mabilis kaming tumakbo patungo sa kabilang direksyon ng pasilyo. Ramdam ko ang presensiya ng mga armadong lalaki, ilang metro ang layo mula sa amin. Nang paakyat na sana kami ng hagdan, pumunit sa kaguluhan ang pagtama ng mga bala sa metal na pader.
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
Short StoryBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...