Ilang metro mula sa aming destinasyon, lalong lumakas ang alunig ng mga kuliglig sa paligid. The air felt cold against our skins as we ran in the shadows of the night. Napahinto si Josefina nang makita ang pamilyar na tanawin, "Ang Eastwood Heights dumpsite? What a romantic place for our first date!" Sarkastiko niyang sabi at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. I smirked devilishly and traced her scared face. "We're already dead, might as well make the best of it."
At mabilis naming tinahak ang daan papunta sa malawak na tambakan ng basura. Ngayon ko lang napansin na kumpara sa human dumpsite, mas maliit ang espasyo nito at hindi masyadong masangsang ang amoy.
The Eastwood dumpsite was a maze of broken and useless things. It was my happy place and escape from that bullshit called reality.
"Teka, ano ang mga 'yon?" Natutuwang tanong ni Josefina at nilapitan ang sandamakmak na mannequins na nakakalat sa paligid. I grabbed a bloody baseball bat and handed it to her, "Mannequins. Itinatambak nila rito ang mga 'yan mula sa kalapit na mall."
"Tonyo, bakit mo ako dinala dito?"
"I can't think of anywhere else to take you. Dito ako naglalabas ng galit sa mundo noon. I destroy everything and every mannequin as a way of anger management. It's my form of freedom from the pain and anguish."
A crazed look passed her eyes, "So, we can destroy everything here?"
Ngumisi ako't tumango. Dinampot ko ang malaking chainsaw na naitago ko sa loob ng inaamag na refrigerator. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng chainsaw dito sa basurahan, pero nawalan na lang ako ng ganang alamin.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Ilang sandali pa, umalingawngaw sa tahimik na dumpsite ang pagtawa namin ni Josefina habang winawasak ang mga kagamitan sa paligid. The full moon gave us a spotlight as we danced to the non-existent music of chaos and destruction.
SMASH!
Ibinalibag ko ang isang mannequin sa windshield ng isang lumang sasakyan. Nabasag ang salamin nito at nagkalat ang bubog sa paligid. Wala na akong pakialam kahit pa bumaon ang ilan sa mga ito sa balat ko. I didn't give a shit if blood poured out of those parts of my body. Physical pain is nothing compared to emotional pain.
Naaalala ko na naman ang mga taong nakita ko kanina. Mga taong minamanipula ang kanilang sarili at sumusunod sa pamantayang maging perpekto. Walang mali. Maayos. Organisado. Walang emosyon. Walang puso.
"It disgusts me."
At walang habas kong itinapat ang chainsaw sa kaawa-awang mannequin. My eyes hardened when another memory emerged from the recesses of my mind. Sumiklab ang galit sa puso ko nang maalala ko ang batang nagpakamatay kanina. Ang nasusunog niyang bangkay na nakasalambitin pa rin sa kisame habang paulit-ulit nilang sinasabing hindi siya karapat-dapat mabuhay sa lipunan.
I remember the same flames devouring me as my own body dangled from that very ceiling. The chants of those masked men is ringing inside my ear.
"HINDI AKO PERPEKTO!"
Paulit-ulit kong sigaw sa kabila ng ingay ng chainsaw. Nakabibingi ang tunog na nililikha nito, pero malinaw ko pa ring naririnig ang sakit sa mga salita ko. Hindi ko na namalayang nawawalan na pala ako ng kontrol at unti-unting bumabalik ang pait ng nakaraan.
Fuck those expectations. If they want humans to be perfect, then they don't want humans at all.
"Tonyo?!"
Nilingon ko si Josefina at aksidente kong nadaplisan ng chainsaw ang balat niya. "Shit!" My eyes widened in realization at what I did as I immediately pulled back. Pinatay ko ang makina at nilapitan ang dalaga. Natataranta kong pinagmasdan ang dugo sa kanyang mga braso. "A-Ayos ka lang?"
Malungkot siyang ngumiti sa'kin, "Mukha ka nang nasisiraan ng bait kanina."
"I-I'm sorry."
"Don't be. Kung magso-sorry ka sa bawat pagkakamaling ginawa mo, malalagutan ka ng hininga nang hindi pa natatapos ang paghingi mo ng tawad."
Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili, "Bukas natin isasagawa ang plano. Hindi ka ba natatakot sa maaari nitong kahinatnan? Paano kung hindi tayo magtagumpay?" Mahina kong tanong sa kanya. Tumingin si Josefina sa kalangitan at ipinikit ang mga mata, "Hindi ka ba nagtataka kung paano tayo nakaligtas sa kamatayan? Tonyo, nandito pa tayo para turuan sila ng leksyon. Para maging ehemplo sa iba..."
"Para iligtas ang mga hindi kayang maging perpekto?"
"Oo," lumawak ang kanyang ngiti, "para iligtas ang lahat ng tao. We all deserve to live a life without restraints. Without eyes monitoring our every movements. We all deserve to be ourselves."
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko kay Josefina. She eyed me curiously but didn't pull back. I reached for her arms and kissed the wounds. I licked the blood clean and pulled her closer to me. Hindi ko na alam kung normal pa bang magkaroon ng pintig ang puso ko, pero ayoko nang isipin ang mga bagay na mahirap paniwalaan.
Masuyo kong hinalikan si Josefina. Ilang sandali pa'y nakapulupot na ang kanyang mga braso sa aking leeg. Matamlay niyang minasahe ang aking anit habang idinidiin ang kanyang mga labi sa akin. Ikinawit ko ang aking mga bisig sa kanyang baywang at mabilis siyang ipinatong sa ibabaw ng lumang sasakyan. Naging mapusok ang aming paghahalikan at tuluyan nang naglaho ang mundo.
"A-Antonio---shit! A-Ahh!"
We kissed as if this place isn't a dumpsite and I undressed her as if she were a princess. I've tasted a thousand lips before, but hers was the sweetest sin.
"Shh."
My fingernails grazed her naked skin, as I let our bodies merged into one. Isang musika ang kanyang mga halinghing na lalong nakapagbigay-gana sa akin. Mapusok naming kinalimutan ang reyalidad at ang lahat ng mga problemang hatid nito.
I licked and worshipped every part of her.
Every part of her our society rejected.
---
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
Short StoryBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...