Kung mamamatay ako ngayon, sisiguraduhin kong mamamatay akong nakangiti.
"Nakaayos na ba ang lahat?" Bulong ko kina Josefina habang nagkukubli kami sa kadiliman ng mga pasilyo.
"Oo. Sigurado ka bang dito nila dinala si Ferdinand?"
I nodded. Pinag-aralan kong maigi ang nakuha naming mapa ng lugar. Dito lang nila maaaring dalhin ang kasama namin.
It was almost daybreak, but the eerie hallways of the building still terrified me. The city hall is more of a punishment chamber than a center for governance. Pinilit kong isawalang-bahala ang mga sigawang naririnig ko sa kabilang bahagi ng lugar. May nagpapakamatay na naman. Napalunok ako sa naiisip.
Pero nang nakita ko ang determinadong ekspresyon nina Jose, Gloria, at Josefina, panandaliang nawala ang pag-aalinlangan ko.
"Ililigtas natin si Ferdinand." Mariin kong sabi at mabilis na naming tinakbo ang distansya. Wala pang bantay ng ganitong oras, at may limang minuto kami bago sila bumalik. Kinakabahan kong binuksan ang pinto ng opsina ng mayor. The door creaked open as I swiftly sneaked inside. Mabilis na sumunod ang tatlo nang masigurado nilang walang tao sa paligid.
My footfalls bounced off the newly polished floors. I could almost see my reflection on it.
Hindi ko na makilala ang sarili ko. Wala na ang perpektong Antonio na sinasakal ng ekspektasyon ng ibang tao.
Napangiti ako.
Masyadong tahimik ang paligid. The mahogany desk laid still in the center of the spacious room. "Ferdinand?" Pagtawag ko sa kaibigan namin. Pinasadahan namin ng tingin ang lugar at napansing may isa pang pinto sa sulok. It was made out of steel. Mabilis kaming natungo roon at sinubukang buksan ang pinto.
"Shit! Ayaw bumukas."
"Paano 'yan? Wala na tayong oras!"
"This is bad."
"Akin na," bahagya akong gumilid nang itinulak ako ni Gloria. She smirked and started picking the lock with her tools. Ilang sandali pa, isang mahinang "click" ang narinig namin kasama ng pag-awang ng pinto. Napanganga kaming tatlo kay Gloria. Umirap siya't ibinalik ang mga kasangkapan sa kanyang bulsa, "I stole for a living. I'm a professional thief. What did you expect? Psh."
Wala na kaming inaksayang oras at pumasok na kami sa loob. Tila naubusan ako ng hininga nang mapagtanto kong isang malaking kulungan ang lugar. May bahid ng dugo sa mga pader at mga kadenang nagkalat. Then, we spotted someone chained on a chair. Nang makita niya kami, agad siyang nagpupumiglas sa pagkakagapos sa kanya. Nakabusal ang kanyang bibig, pero kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata.
"Ferdinand!"
Josefina and Jose started removing his chains. Nang malakas na namin ito, nanghihina siyang tumayo at naglakad patungo sa gilid ng silid. He held onto the wall for support and sighed in relief, "S-Salamat... Akala ko talaga katapusan ko na kanina!"
"Tara na! We have a couple of minutes left before the guards return to their posts." Pag-aaya ko.
Akmang aalis na sana kami nang mapansin naming hindi kumikilos si Ferdinand. Kumunot ang noo ko't nilapitan ko siya, "Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo? Kailangan na nating umalis!"
Yumuko si Ferdinand at pagak na natawa.
Kinilabutan ako sa kanyang boses. He raised his head and met my eyes. I saw something evil in them, and an apologetic smile graced his lips.
"Pasensya na."
"What the----?!"
"HULIHIN SILA!"
Mabilis akong napaatras nang biglang sumulpot ang ilang unipormadong lalaki sa silid. Mabilis nila kaming ginapos at sinikmuraan. They started putting on metal collars around our necks. Nang subukan kong kalasin ito, napasigaw ako sa sakit nang maramdaman kong dumaloy ang boltahe ng kuryente sa aking katawan.
"Tangina, Ferdinand! Anong ginagawa mo?!" Nanghihina kong tanong habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nila sa'kin. I saw my three other clubmates struggling. Bakas ang pagtataka at galit sa mga mata nila habang pinagmamasdan si Ferdinand.
Ferdinand stood proudly and smirked down at us. Parang hindi ko na kilala ang lalaking ito.
"Sa tingin niyo ba hahayaan ko kayong sirain ang pundasyon ng lipunan ko? It's irritating enough to have you step into my office."
I froze in realization. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig.
"I-Ikaw ang mayor... Ikaw ang namamahala ng lahat! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT!"
Noon ko lang napansin ang maayos niyang hitsura.
Ferdinand hummed as we were harshly pushed on the floor. Mula rito, nakikita ko ang paglalakad ng kanyang malinis at makintab na sapatos. Tumigil siya sa harapan ko't mahinang natawa, "Hindi ko kasalanan na ganito ang lipunan ko. I only infected the minds of a few, it was humanity's fault to spread the virus. Pero hindi ba't mas maayos nang ganito? Walang krimen, walang pagkakamali, at walang kakalaban sa awtoridad ko. A perfect society where everyone is perfect!"
Nagtagis ang bagang ko sa galit at halos mawalan na ako ng hininga mula sa pagkakasubsob ng mukha ko sa sahig. Sa aking gilid, narinig ko ang mahinang pagmumura ni Josefina, "Kung perpekto nga ang Eastwood, bakit dumarami pa rin ang mga nagpapakamatay? Kahit anong gawin mo, mayroon at mayroon pa ring magkakamali. Walang perpektong mamamayan sa bayang it---AAAAH!"
"Josefina!"
Natataranta kong pinanood ang pagtapak ni Ferdinand sa ulo ng dalaga. His shiny shoes stepped on her head and crushed her face onto the floor. Sinubukan kong makakawala at sugurin siya pero nakuryente na naman ako. Maging sina Gloria at Jose, pinipilit manlaban.
"Tama lang na pinagsu-suicide namin ang mga taong mahihina at patapon. Nililinis namin ang Eastwood. Walang lugar para sa pagkakamali... Then, a few months back, I've heard disturbing rumors. Mayroon daw mga biktimang nakaligtas sa kamatayan. Humans who impossibly escaped death. Hindi ko alam kung anong nangyari, kaya't pinili kong maging espiya at makihalubilo sa inyo."
I growled in frustration, "You're a fucking demon in the flesh."
"I'm the salvation of humanity. I am perfect. Hindi ko kayo hahayaang sirain ang emperyo ko. I'll teach you a lesson you will never forget. Magsisisi kayong buhay pa kayo, Suicide Club..."
Ipinitik niya ang kanyang mga daliri at inalis ang paa sa ulo ni Josefina. Kasabay nito, may itinurok sa aming gamot ang kanyang mga tauhan at kinaladkad kami papunta sa isa pang silid. My skin scraped some sharp objects along the way, leaving a bit of a blood trail. Tila ba nauulit ang sinapit ko noon.
At nawalan na ako ng malay.
---
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
Cerita PendekBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...