PART 8 OF 12

45 6 1
                                    

Kapalit ng sandaling kaligayahan ay kalungkutan. Noong una, ayokong maniwala sa kasabihang 'yan, pero mukhang magbabago na ang takbo ng aking kwento. Tahimik kaming bumalik sa clubhouse. Lumalalim na ang gabi pero hindi 'yon ang dahilan ng kabang nararamdaman ko. I scanned the human dumpsite and saw new bodies there. Walang senyales ng buhay.

Nang makapasok kami ni Josefina sa loob, agad naming naabutang problemado sina Jose at Gloria. The obese man's hands shook as he clutched his beloved Bible to his chest.

Nagkatinginan kami ni Sef. "Anong nangyari?" Pagbasag ko sa katahimikan. Lalo lang binalot ng tensyon ang paligid nang sumagot si Gloria, "Kinuha nila si Ferdinand."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis kong sinipat ulit ang paligid, at ngayon ko lang napansing wala ang clubmate namin. 'Shit!' Isip-isip ko't natatarantang tumakbo papunta sa kwarto niya. Baka naman natutulog lang?

Pero wala siya.

Wala si Ferdinand.

Pagak na natawa si Gloria, "Hindi mo ba ako narinig kanina o sadyang tanga ka talaga? Kinuha nila si Ferdinand! Wala na siya! Isusunod na nila tayo!" At naiinis siyang umupo sa sopa. Mahinang napamura si Gloria at ikinuyom ang mga kamao sa galit.

Nanghihina kong binalingan si Jose. He smiled sadly at me, "K-Kinukuha namin ang natitirang supply ng mga pampasabog kanina nang biglang sumulpot ang mga tauhan ng city hall. The black-suited men. T-They dragged him away in that armored van and I-I hid behind a crate---"

"Duwag ka. Hindi mo na lang diretsuhin. Tsk!" Asik ni Gloria.

"H-Hindi ko alam ang gagawin ko---"

"DAHIL TANGA KA! Tanga ka na nga, duwag ka pa! Kaya ka siguro itinapon dito!"

Yumuko si Jose. Sumama ang tingin ko kay Gloria, "Shut the fuck up! Sa tingin mo ba maililigtas natin si Ferdinand kung bubungangaan mo si Jose magdamag?! Magalit ka sa mga taong dumukot sa kanya at hindi sa sarili nating clubmate."

She smirked, "Bagong salta ka lang dito pero nagtatapang-tapangan ka na? Iba ka rin eh, 'no?"

"Tumigil ka na, Gloria." Josefina stood by my side and snarled at the girl. Gloria the sweet and caring sister will always be a bitch to us, no matter what the situation. Ano pa bang inaasahan ko? Tsk.

"A-Ano nang gagawin natin ngayon?"

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang bakanteng upuan ni Ferdinand. Hindi ko alam kung ano ang posible nilang gawin sa kanya. Malamang nakilala nila kami dahil sa CCTV footage. Tama na si Gloria...iisa-isahin nila kami. Hindi sila titigil hangga't hindi nila kami napapatay ulit. My eyes hardened as I grabbed a nearby knife. Binalingan ko silang tatlo at ngumisi, "Ililigtas natin siya. Suicide Club looks after each other, right? Let's go kill those bastards and save our clubmate."

---

✔ Suicide ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon