Memory 5: A Morning Art of Life

197 14 11
                                    

"Ah..o-okay" tanging nasabi ko

tapos kinuha nya kamay ko para patayuin ako mula sa pagkakaupo sa kama.

naiilang ako sa paghawak niya sa kamay ko...ang init ng palad niya..

bumilis na naman tibok ng puso ko..>_<

binitawan nya din agad kasi sinarhan niya pa ang pinto ng room ko.

tahimik lang ako habang tinatahak namin ang daan patungong rooftop.

habang siya naman pa sipol-sipol na nakapamulsa ang dalwang kamay sa mga bulsa ng kanyang pajama..

ngingiti sya tapos titignan ako tapos sisipol ulit.

ewan..pero cute sya sa ginagawa nya. ^_^

"Finally here we are...Hooo! ang hirap din magpacute sayo ah...hehehe" sabi niya habang nakangiti at pumunta na sa harap ng bench

"Pa cute pala yon? kala ko kasi may autistic akong kasama eh ehehehe" pagbibiro ko sa kanya

ngumisi din sya sa tinuran ko.

ang gwapo niya pag nangiti >_<

isa lang poste ng ilaw dito sa rooftop at medyo dimlight pa

kaya medyo madilim .kahit medyo madilim...mahahalata pa din yung ganda ng pagkalalaki niya...

I mean..yung tindig niya ngayon..malakas pa din yung dating...

"Hehehe..kaw talaga..halika dito.." sabi nya

tinitigan ko muna sya bago ako nag salita.

"ano ba kasi yong ipapakita mo? madilim pa kaya" sabi ko

inalis nya mula sa pagkakabulsa ang isa nyang kamay at inilahad ito sa akin na parang inaanyayahan nya akong lumapit.

"basta..Come here Rainbow...and you will see later ^___^ " pagpupumilit nya sabay ngiti

ang sarap sa pakiramdam na tinatawag niya yung pangalan ko..

"Tsk" tanging sagot ko at nag crossed arms papunta sa tabi nya.

ng nasa tabi na nya ko tinignan ko sya.

naghihintay ako sa susunod na mangyayari

pero wala....

tumingala lang sya na parang may hinahanap sa itaas eh madilim naman tch.

uupo na sana ako sa bench ng hawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Ooops.. That's not we are going to do" sabi nya.

kumunot ang noo ko.

ang lapit na naman nya sa akin.

nakatingala lang ako sa kanya kasi mas matangkad sya.

ano ba talaga?

parang ewan lang eh pa suspense2x pa.

"hah?" tanong ko kasi naguguluhan ako sa kanya

binitawan nya ako at tumingala na naman sya

tapos tinitigan ako

"Hindi mo kasi makikita pag nakaupo ka lang dyan" sabi nya

tapos hinawakan nya kamay ko

ba't palagi nya nalang hinahawakan kamay ko?

nginitian nya ako tapos hinila papunta sa may edge ng rooftop kung saan yun yong edge na pinatungan ko para mag suicidal jump kahapon.

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon