Memory 27: walang title

75 8 0
                                    

[Lark's POV]

natulala ako ng bigla kaming nakita ni Muj sa ganong posisyon ni Faith

"Besh mali ang iniisip mo"sabi ni Faith at tumayo mula sa pagkadagan sa akin.

ako naman ito kinakabahan na naguguluhan kung ano na ang gagawin.tumayo na din ako para kausapin siya kaso bigla siyang umiyak at tumakbo

"Aish! ano ba kasi dapat kong gawin? kami ba? para mag explain ako? nakakainis naman oh!"

tinignan ako ng masama ni Faith at hinampas sa ulo

"G*go ka! bakit ka ganyan!? sundan mo yun! alam ko mahal mo kaibigan ko kaya magpaliwanag ka sa kanya!"bulyaw nito sa akin

"ha? ipapaliwanag ko yung pinag-usapan natin? tanga ka ba? eh di mas lalong gugulo! kaya nga di ako nanliligaw sa kanya dahil alam kong di pa siya ready eh! mag-isip ka nga!"inis na bulyaw ko sa kanya

TSSS! nakakainit ng ulo!saan ba ako lulugar!? ang hirap naman kasing mag-alaga ng brokenhearted na may amnesia eh!

"Pch! tara na nga! puntahan natin sa field!doon yun nag da-drama pag mga ganitong naiiyak siya"

"oh? ano ang ipapaliwanag mo? natin? ha?"

"ako na ang bahala! tara na!"hinila niya na ako

tumakbo kaming pumunta sa field. di nga nagkakamali si Faith andun si Rainbow nasa may dulo ng mga punuan walang tao doon kaya di mapapansin na umiiyak siya. nakaupo lang siya sa bench at may nakaharang na notebook sa mukha habang gumagalaw yung mga balikat niya,umiiyak nga siya

"Besh~"sigaw ni Faith at umupo tabi nito

agad namang tumagilid ito kahit nakatakip pa yung notebook niya sa galaw pa lang ng braso at palad niya halata nang nagpupunas siya ng luha.nagkatinginan kami ni Faith at nagpapasahan kung sino ang unang magsasalita sa amin.

"Oh? bakit niyo ko sinundan? akala ko ba you're having a moment?"sabay ngiti nito ng mapakla sa amin ni Faith

nakikita ko na naman yung mga lungkot at sakit sa mga mata niya.itong-ito din yung nakita ko noong sinagip ko siya sa rooftop.

"Muj...."nakatingin ako sa mga mata niya habang naglalakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.ayaw ko siyang makitang ganito.ayaw ko siyang umiiyak at malungkot.

"kayo na noh?"lumaki ang mga mata namin ni Faith

"Pch! ganyan ka ba ka baliw? para isiping papatulan ko yang bestfriend mo?!"galit na tanong ko sa kanya

sinapok ako ni Faith

"ang sakit naman ng rason mo! umayos ka diyan sisipain na kita"si Faith

tahimik lang si Muj.naghihintay ng paliwanag.di ko alam ang sasabihin,ano ba kasi ang sasabihin ko?tinignan ko si Faith.ginalaw ko yung bibig ko at nginuso kay Muj na pinagdidilatan ng mata si Faith.

"ako na nga lang! okay go.....ano kasi Muj...ay este Besh ahehehe....eh? di ako sinipot ng textmate ko sa Gym kaya tinawagan ko na lang si Lark na mag-usap kami tungkol sayo"si Faith sabay tingin sa akin.pinaglakihan ko siya ng mga mata.tinignan naman kami ni Muj ng may pagtataka

wag naman sana niyang sabihin yun....

"kanina ng matapos na kaming mag-usap paalis na ako kaso natalisod kaya ayun sinambot niya ako at natumba kami kasi nabigatan ata siya kaya mo kami naabutang ganun"si Faith sabay silip sa mukha ni Muj na naka tungo

"T-talaga?"si Muj natinatanong si Faith

"Yup! at liligawan ka daw ni Lark kaya kami nag-usap"si Faith

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon