Memory 18: Messy things

84 9 1
                                    

[MASANAY NA KAYONG MAGULUHAN KASI MAGULO TALAGANG STORY ITO XD...nga pala LARKIN VIEN RODRIGUEZ..kaya yung POV masanay na kayong paiba-iba...merong LARKIN at VIEN...XD]

===Pinky's POV===

hindi ako pinapatulog ng konsensya ko..

ang hirap dalhin ng mga problema ko..

para na akong mababaliw..

ako lang talaga ang may alam ng lahat..

kailangan kong maka usap si kuya at rainbow para di sila maguluhan

kung bakit kasi sa iisang hospital pa sila na confine last summer!

eh di sana madali kong maayos ang lahat!

:::::::::Flashback:::::::::::

habang naglalakad ako patungong room ni kuya pagkatapos kong bumili ng tubig sa canteen 

ika tatlong araw na niya noon sa hospital..

may nakita naman akong nag-hi-hysterical na dalawang babae habang nasa labas ng emergency room..

si Faith..yung bestfriend ni Rainbow..

tapos isang may edad na babae na naka uniform na pang yaya..

"naku! yung batang yun di naman sagot sa problema yung ginawa niya eh" humahagulugul na kausap ng matandang babae kay Faith

"manang kinakabahan ako..masama ang lagay ni Besh..baka..waaaaaaaaaah!" di na pinatapos ni faith yung sasabihin niya kasi ngumawa na siya ng iyak..

"wag kang ganyan Faith...magdasal na lang tayo na okay siya" yakap ng babae kay Faith

nagtago muna ako sa may gilid ng isang room at nakinig pa sa kanila

sa mga iyak at salita nila...alam kong si Rainbow ang pinag-uusapan nila

"di ako makapaniwalang kaya niyang gawin ang mag laslas...di ko alam ang gagawin ko pagnawala yung kaibigan ko manang"iyak pa din ng iyak si Faith habang magkayap pa din silang dalawa ng babae

nag laslas si Rainbow...

dahil sa mga problema nito..

biglang mas bumigat ang nararamdaman ko sa mga oras na yon...

mas lalong pinamukha ng mga sitwasyon sa hospital na ang sama-sama ko

na aabot sa puntong..may mag papakamatay..

kasalanan ko ang lahat!

tumakbo akong pumuntang kwarto ni kuya Vien..

dumuble yung sakit at bigat na nasa puso ko ng makita kong ang putla-putla na ni kuya..

pinipilit niyang maging masigla at mag mukhang malusog sa harap namin pero yung totoo nahihirapan na siya..

"kuya..I'm sorry" umiiyak na naman ako at niyakap siya

mula noong malaman namin na may Cancer sa puso si kuya ay wala na akong tigil sa pag iyak..

pati siya sinali ko sa pagiging selfish ko... sa pagiging gahaman ko sa kasikatan..

at ngayon nahihirapan ang kuya ko dahil sa isip nito may kasalan din itong nagawa sa babaeng iniibig niya mula pa noon..

di niya man lang naka-usap ng mabuti yung mahal niya...

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon