Memory 24: We're friends ^______^

78 13 1
                                    

habang hinahatid niya ako papuntang bahay ay kwentuhan kami ng kwentuhan tungkol sa napanood namin kanina...humingi din ako ng CDs sa kanya ng mga series ng palabas na yun kasi nagustuhan ko talaga..

hindi na ako naiilang na makipagsabayan sa mga pang-iinis niya...kesong di na lang daw niya ako bibigyan ng CD para mahirapan akong maghanap at bibilhan na lang daw niya ako ng perfume na amoy durian para di na daw ako kumain ng durian kasi sa perfume pa lang maadik na daw akong amoy-amoyin yun...baka daw nga mainom ko pa...

pero meron nga bang durian na perfume?...

well? meron ngang durian monster movie eh yun pa kaya? XD

tinuturo ko sa kanya yung daan papunta sa bahay ko...pinilit niya din akong bigyan ko siya ng phone number ko...iniinis ko siyang i-memorize niya kasi idi-dikta ko...umangal siya kasi mawawala daw yung konsentrasyon niya sa pag da-drive kaya sinuggest niya na isave ko na lang sa phone niya yung number ko..kinuha ko naman sa taas ng dashboard niya at sinave....

inutusan niya akong Mujigae daw yung isave kong pangalan sa phone niya pero iba yung nilagay ko...

"diyan lang sa may gate na may poste ng ilaw"turo ko sa may unahan

tinigil naman niya yung kotse pagkarating sa may tapat ng gate ng bahay ko

baba na ako pero pinigilan niya ako

sanay na kaya akong di pinag-bubuksan ng pinto..pero sige pagbigyan.

pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat at inalalayang bumaba

"thanks"sabi ko ng naka ngiti at lumapit na ako sa may Gate para susian ito..kasi baka tulog na si yaya

pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko

napalingon ako sa kanya

"hmm? may sasabihin ka?"nakangiti ko pa ding tanong

ngumiti lang siya at hinalikan ako sa may pisngi ko

natatawa naman akong hinampas yung dibdib niya

"ikaw! nakakarami ka na ah!"sabi ko ng nakangiti

tumawa lang siya

di pa din niya binibitawan yung kamay ko

tumingin siya sa mga mata ko at bumuntong hininga

"okay na tayo right?" naiilang na tanong niya

hindi pa ba halata?

nagiging komportable na nga akong kausap siya eh

nag nod ako at ngumiti

"oh sige..alis na ako..pahinga ka na"binitawan na niya yung kamay ko at tatalikod na

ako naman yung pumigil sa kamay niya na binitawan niya

mabilis ko siyang binigyan ng isang mahigpit na yakap mula sa likod

"yes.....we are friends na....next time kwentuhan mo pa ako tungkol sa mga memories natin noon...gusto ko maalala lahat..ayaw kong masayang yun...bukas ipagtatapat ko na sa kanila Chi at Ched na may Amnesia ako para di sila naguguluhan sa ugali ko pag kaharap sila...naging kaibigan ko din sila noon diba?" sabi ko at kinalas niya yung mga bisig ko sa pagkayakap sa kanya at humarap sa akin

"oo naman magkaibigan tayo noon..yun nga lang nag umpisa sa inisan..pero totoo naging kaibigan mo din sila Chi at Ched..ayaan mo pag marami tayong time na pag-usapan lahat iku-kwento ko sayo lahat"nakangiti niyang sabi habang naka hawak sa magkabilang balikat ko

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon