Memory 26: Jealous >////<

71 11 3
                                    

[Larkin's POV]

*Lunch*

pinauna ko na muna sila sa canteen.tinawagan ko kasi si Muj na hintayin ko siya sa labas ng college division nila dahil inaya ko siyang sumabay na sa amin mag lunch.

malapit na ako sa may building nila ng matanaw ko sila na nagtatawanan ni Faith kasama si Leone.

at ang g*gong yun? may mukha pa para makipagtawanan kay Mujigae?ang kapal ng balat!naiirita ako sa mukha ng pinsan ko! galit ako kay Leone! bwesit siya!

[Rainbow's POV]

pababa na kami ni Faith sa building ng makasalubong namin si Leone.iiwas pa sana siya pero kailangan ko din siyang makausap.

"ah Leone! wait"pinigilan ko siya sa braso tapos hinarang niya ang dalawang kamay niya sa mukha niya

-_____-

"di na kita gugulpihin..I just want to say sorry"at nginitian ko siya

nagtaka siya

"a-alam mo na?"tanong niya at tinanggal sa pagkakaharang ang dalawang kamay sa mukha

nag nod lang ako

"Phew! salamat naman! sorry din ha...kung ano...yung naging tayo? sorry Rain"seryuso niyang sabi

nginitian ko siya ulit

"tara sabay ka na sa amin mag lunch pakilala kita sa mga kaibigan ko"nakangiting aya ko sa kanya

"Oh sige ba! game!"

nagtatawanan kaming lumabas ng building dahil binabalik namin yun nakaraan namin noong kami pa. buti na lang daw hindi niya ako pinagtangkaang halikan dahil kundi pagsisihan ko ang paghalik niya sa akin.dahil alam niya raw na siya ang first BF ko kaya wala pa akong first kiss..ang di niya alam.si Lark yung first Kiss ko. >_<

malayo pa lang nakikita ko na si Lark sa may maliit na flower box doon sa may unahan ng building namin.nakaupo siya habang naka simangot na nakatingin sa amin.

"Yow! Lark! what's up? destiny nga naman oo kahit ano pang pag babaliktat talagang kayo pa din ano?"bati ni Leone kay Lark sabay hampas ng mahina sa braso nito.

tinignan lang siya ni Lark

"Let's go"hinila niya na ako palayo sa kinatatayuan namin kanina

"uy sandali! Faith ,Leone! tara!"lingon ko sa dalawang naiwan na nagkatinginan sa isa't-isa

"uy Lark! naiwan sila doon!"hila-hila pa din niya ako

"Eh di balikan mo pch!" tapos binitawan niya ako at nauna ng naglakad.I mean iniwan niya ako.

ano ba problema nun?binalikan ko na sila Faith at Leone na seryusong nag-uusap habang naglalakad palapit sa akin.

"Uy tara na nga! yan kasi ang bagal niyo nainis na si Lark!"inis na kamot ko ng pisngi na tawag sa kanila

"ah Rain? may gagawin pa pala ako...mamaya na ako mag la-lunch sige thanks sa pag aya"tinanguan niya si Faith at nag babye na sa amin

wala na akong nagawa kasi tumalikod at naglakad na ito palayo.tinignan ko naman si Faith.bakit namumutla siya?

"uy! may sakit ka? ba't maputla ka?"sabay sukbit ko sa braso niya

umiling lang siya

"ah gutom na ako eh tara na baka naghihintay na sila dun"sabi niya at naglakad na kami

*Canteen*

nag order na kami't umupo di pa din kumikibo si Lark.nagkwento na ako tungkol sa Amnesia ko.medyo nagulat silang lahat lalo na si Chi at Kevin.si Ched naman walang reaction kumakain lang at nakikinig sa usapan.nagkukulitan na din kami dahil pinagti-tripan namin si Pinky at si Kevin.halata kasing type ni Kevin si Pinky kaya tinutukso namin.

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon