Memory 22: Just us

71 14 2
                                    

===Rainbow's POV===

ang sarap sa pakiramdam na nakatulog ako ng maayos!

lately kasi masyado akong na stress..

pero okay na ako..

sayang di natuloy yung Bonding namin..

si Vien naman kasi eh!

mapakain ko nga ng Durian bukas wehehehe

pero inaantok pa din ako...

mag a-alas nuwebe pa lang ng gabi

makatulog na lang ulit.

===Pinky's POV===

parang mas bumigat..

galit ata si Kuya Lark sa akin..o Galit talaga?

baka kung ano gawin niya kay Leon bukas!

maiinitin pa naman ulo ni Kuya!

aish!

kasalanan naman talaga to lahat ni Oppa eh! kung di niya lang sana sinundan si Rainbow sa bahay nito..di sana nadisgrasya yung kaibigan ko!

pero?

may kasalanan din naman ako

kasi...

:::::::::::::::::::Flashback::::::::::::::::::::::

"Oppa! gusto ko magkabati na kayo ni Kuya Lark...lagi nalang kayong nag-aaway eh!"sabi ko habang naka yakap sa braso ni kuya Laris na nakaupo kami sa may Garden ng School..

tatlo kaming magkakapatid ay nag-aaral sa isang paaralan..ngunit si Kuya Laris ay grade five pa din kasi lagi siyang nagkakasakit at palaging absent kaya ilang beses na din siyang pabalik-balik ng grade five pero kahit ganon online student si kuya at parehas namin siyang 1st year high school pag nasa online class siya kasi matalino naman siya at mabilis niyang natutunan ang lahat...parehas kaming year level sa school ni Kuya Larkin kasi di na ako dumaan ng kindergarten...direstsong grade one na ako...

"ano naman ang gagawin ko? di ko nga alam yung mga gusto niya eh"mahinahon niyang tanong

naalala kong May Gusto si kuya Larkin kay Rainbow

"ah! magpanggap kang ikaw si kuya Lark!..tapos ligawan mo si Rainbow! yun!"nakangiting suhistyon ko

"ha?  baka hampasin ako nun ng libro! masama pa naman yun pag nagalit! napagkamalan niya ako minsang ako si Larkin kaya sinipa niya ako at hinapas ng bag niya!" natatakot na angal niya

"kaya nga eh! kaya siya ganon kasi iniinis siya ni kuya! kaya kung ikaw yung kakausap kay Rainbow...baka magustuhan niya din si kuya Lark kasi mabait ka...kaya magpapasalamat si kuya sayo kasi magugustuhan na siya ng babaeng crush niya! diba? galing ko no? sige na kasi kuya! sige ka! aalis ng tuluyan si kuya papuntang korea...boring na ang bahay...wala ng kulitan at di na tayo tatlong itlog"nakanguso kong paliwanag habang nagsasalita

sa huli pumayag din siya..

nahirapan din si kuyang suyuin at paamuhin ito kasi pagdating kay kuya Larkin ay inis na inis ito...hanggang sa bumuti na din ang pakikitungo nito sa kanya..

kahit si Kuya Larkin ay nagtaka kasi bumait na si Rainbow sa kanya at sa tuwing binibiro niya ito ay tumatawa na lang ang dalaga imbis na magalit

okay na sana lahat..

kung di lang nagkagusto si Kuya Laris kay Rainbow

kaya noong araw na umuwi ng pinas si Daddy dahil Birthday ni kuya Laris

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon