Memory 25: Some memories

78 13 0
                                    

[Rainbow's POV]

ang ingay naman..

ang aga-aga pa eh...

*Knock* *Knock*

"anak?gising na andyan na yung sundo mo"

O_O

si Lark!

nagmamadaling binuksan ko ang pinto at sumilip..

"manang pakisabi maliligo pa ako"nahihiyang bulong ko kay manang

ngumiti lang siya at tumango tapos umalis na

binilisan ko na ang pagligo at bihis..at bumaba na din

naku ba't ang aga niya? mag si-six thirthy pa lang ah?

mabilis na kinuha ko yung phone ko sa side table ng kama at bumaba na ng kwarto...

nakita ko siyang nakaupo sa sala..

"sorry kung naghintay ka"nahihiyang sabi ko

tumayo naman siya at lumapit sa akin

"hindi ka pa nag be-breakfast...kain ka na muna"sabi niya

nakakahiya talaga siya pa yung nag-aalok sa akin >_<

"ah ikaw? nag breakfast kana ba? sabay ka na sa akin"naiilang na aya ko

napakamot naman siya sa batok niya

nahihiya siguro siya..

"no need na hintayin na lang kita dito"sabi niya

napaka walang manners ko naman kung tutunganga lang siya dito tapos ako doon kumakain

"halika na...wag ka na mahiya"hinila ko na siya sa braso niya at tinungo namin yung kusina

 "manang paki bigyan din po si Lark"sabi ko kay manang na nagaayos ng aking pang-umagahan

"oh sige"sabi ni Manang

"ah..eh..busog na ako eh...siguro coffee na lang"sabi niya

"sure ka?"tanong ko na nakatingala sa kanya

ngumiti siya at nag nod

"okay sige...manang kape na lang daw"sabi ko kay manang

nginitian ko siya at pinaupo sa kabilang side...

so magkaharap kami sa mesa

umupo na din ako

"kanina ka pa ba nag-iintay?"tanong ko at sumubo na ng kanin

"ah hindi naman kani-kanina lang"

napatingin ako sa buhok niya..

 bakit kaya sky blue yung kulay ng buhok niya?

"oh ito iho mainit-init pa yan ha ingat sa pag-inom"sabi ni manang at nginitian niya si Lark

"salamat po"sabi niya kay manang

nagpaalam na din si manang dahil magdidilig pa siya ng halaman sa hardin...

"ah napaaga yata yung sundo mo?"yun yung lumabas sa bibig ko eh

napatigil siya sa pag inum nung kape niya..

tumingin siya sa akin..

"kasi...ah...eh..."napakamot siya sa pisngi niya"Tsss!okay..kasi na excite akong sunduin ka" tapos tumingin siya sa ibang direksyon

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon