Memory 14: Classmates? Before?

116 15 2
                                    

nakakainis talaga yung lalaking yun!

ang kapal ng mukha!

manhid ba talaga siya?

o nagpapanggap lang siya at kinalimutan na yung mga panlolokong ginawa niya sa akin?

napansin ko din ang laki ng pinagbago niya mula sa pananamit kasi di siya naka uniform kanina tapos pati ugali niya gumaspang!

ugh!

so pumunta pala siya ng Korea this past Month?

at biglang sumikat?

ano yun magic?

in just a month sumikat na?

eh ako nga buong buhay ko nag pi-pinta at nag e-scketch ako di pa din ma discover ng iba ang talent ko tapos siya buwan lang? tapos sikat na?

well baka may panloloko siyang ginawa kaya ganun.

pero?

kahit noong sa hospital pa ramdam ko yung pagka gentleman niya kahit nga grabe na ang galit ko sa kanya di ako natanggap ng ano mang kagaspangan ng ugali niya tapos ngayon para na siyang kung sinong mayabang na feeling gwapo eh manloloko naman!

"hoy! nabubutas na po ang Notebook mo" nagulat naman ako sa kalabit ni Faith -_-

"Tsss" pinunit ko na lang yung mga nasirang pahina ng notebook ko na naging dahilan para mapatingin sa akin yung mga tahimik at busy na nagsusulat na mga classmate ko.

maingay kasi ang papel pag pinunit diba?

"sorry" sabi ko sa kanila at nilagay sa bag ang papel na napunit ko at kumopya na din ng math formula sa white board.

"iniisip mo siya noh?" sabi ni Faith na nakalapit sa akin.magkatabi kasi kami ng upuan

tinignan ko siya ng masama.

"tusukin ko mata mo ng ballpen o lagyan ko ng tinta ng ballpen ko ang bunganga mo?" inis na sagot ko sa kanya

nag pout naman siya at bumalik na sa pagkasandig ng likod sa upuan niya at nagpatuloy na kumopya

after 1hour of class *time check 11:30 am*

1:30 pm pa ulit ang klase namin..so may 2hours break pa kami

"tara canteen tayo wla pa akong Breakfast" sabi ko na nakatayo na sa harap ng silya ni Faith

kinuha niya yung sling bag niya at libro tapos tumayo na.kinuha ko na din ang shoulder bag ko at lumabas na kami ng room.

lilipat na naman kami ng room mamaya-maya

bababa pa kami ng building kasi nasa 3rd floor kami.buti na lang may elevator dahil kung hindi matagal na kaming natubuan ng malamang muscles sa binti.

pumunta na kaming harap ng elevator at pinindot ko yung switch arrow pababa.

"Besh..dami kong tanong"sabi niya

"ano na naman?" tanong ko.masyado naman kasing madaldal to eh

bumukas na yung elevator at pumasok na kami.

"Hmmm?wag magalit ha? yung totoo ha? noong sa hospital kahit kunting panahon lang nagustuhan mo din ba si Vien?" straight to the point niyang sabi sa akin

tinignan ko na naman siya ng masama

"di ko alam" totoo naman eh.

siguro..

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon