Memory 8: Forgive you NOT

168 13 3
                                    

[3rd PERSON’S POV]

Naka tulog sa kakaiyak si Rainbow.

Dumating yung nurse para ihatid ang breakfast nya.

“maam”gising ng nurse kay Rainbow

Ngunit mahimbing pa din sa pagtulog si Rainbow

“Maam gising na po” sabi ulit ng nurse at kinalabit si Rainbow

Napa mulat naman si Rainbow dahil may naramdaman syang humawak sa kanya.

Nakita nya yung nurse hawak-hawak yung tray na may pagkain

Umupo sya nginitian ang nurse ng pilit na ngiti

“ah umiyak po kayo maam?” pag-uusisa ng nurse sa mata ni rainbow

Hinawakan naman ni rainbow yung pisngi nya at pinunasan ang mukha gamit ang kamay dahil natuyo na yung luha sa pisngi nya.

“ah hindi may napanaginipan lang akong masama kaya siguro ako naiyak” pagrarason niya

“ah ganun po ba? Sige po kain na kayo maam..sabi po pala ni Doc pwede na kayong maka uwi tinawagan ko na po yung kaibigan nyo para masundo kayo dito”nakangiting sabi ng nurse at lumabas na

Wala siyang gana kumain.

Tinignan nya lang ang pagkain na nasa mesa.

Natulala siya.

Hihiga na sana sya ulit ng may masagi ang siko nya malapit sa unan nya.

Nakita nya yung sketch book

Napatigil sya sa paghiga.

Kinuha niya ito at binuksan ng binuksan hanggang sa mapahinto sya sa sketch ng isang lalaki.

Lalaking nagpatawa sa kanya , na akala nya ay isang anghel na sumagip sa buhay niya ng dalawang beses at nagkumbinsi sa kanya na walang kwenta ang pagpapakamatay dahil lang sa nasaktan ka.

Lalaking handa na niyang bigyan ng pagkakataon para subukan ulit ang umibig

Ngunit lahat ng yun ay isang malaking mali at  puro kasinungalingan lang.

Isa pala itong Lalaking sisipot at ni walang ititirang pagmamahal sa kanyang puso.

Lalaking nag pa-asa sa kanya na pwede pang umibig ulit kahit kagagaling pa lang sa sakit na dulot din ng pagmamahal.

Niloko lang siya nito mula umpisa.

Nanginginig ang kamay na nakahawak sa sketch book si Rainbow.

Muli ay tumulo na naman ang mga luhang nagpapahirap sa kanyang kalooban. Luhang di matigil-tigil sa pag-agos dahil hindi din siya tinitigilang saktan ng mga lalaking nakapalibot sa kanya.

At dahil sa sakit na lagi niyang nararamdaman ay galit na itinatak niya sa puso’t isipan niyang….

Hinding hindi na ako iiyak.hinding-hindi na ako magpapaloko.

Mula ngayon ako naman. Ako naman ang maglalaro. maghihigante ako!

Pagkatapos umiyak ay pumunta siya ng banyo at naghilamos. Nag-ayos at niligpit na ang mga gamit dahil gusto na niyang umalis sa hospital.

Pero bago siya aalis sa hospital may gusto muna siyang kausapin.

Pumunta siya sa may reception area ng hospital at tinanong kung may kilala o pasyente silang Vien Rodriguez ang pangalan

Medyo nagulat siya sa sinabi ng Nurse. Di niya inaasahan na magkatabi lang pala sila ng kwarto ni Vien at isa din itong Pasyente.

Nagdadalawang isip siya kung itutuloy nya ba o hindi.

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon