Memory 23: Getting close

108 15 3
                                    

===Rainbow's POV===

ano bang nasa isip ng lalaking to bakit niya ako hinila?

may nalalaman pa siyang kidnap2x

"saan ba kasi tayo pupunta? di naman to daan papuntang palengke ah?"sabi niya dadalhin niya ko kung saan may Durian..pero bakit iba yung daan? naka simangot ako habang tinitignan siyang nag da-drive ng kotse niya

hindi muna siya sumagot...kinabig niya muna paliko ang manobela bago nagsalita

"sabi ng Doctor kahapon,bawal daw muna ang durian sayo kasi...masama"sabi niya na seryuso pa ding nag da-drive

"Kailan pa naging masama ang kumain ng Durian?mula bata pa ako yun na ang palagi kong kinakain..wala namang-

nagulat ako hindi dahil sa pagputol niya ng sinasabi ko pero kasi..

"kahapon!"yung boses parang nakakatakot..parang ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka seryuso at parang galit talaga.tinigil niya muna ang kotse sa may tabi..at seryuso akong tinitigan..

alam kong nanggigil siya sa galit...nakikita kong lumalabas ang muscles sa jaw niya..yung mga tingin niya nakakailang..nagkakabanggaan yung dalawa niyang kilay sa subrang seryuso ng mukha niya...

"kaya ka nahimatay agad kahit mahina lang yung untugan natin kasi nasubrahan ka ng kain ng letseng durian na yan! hindi mo ba alam na nilalagay mo sa di magandang kalagayan yang sarili mo? ha?! napaka insensitive mo sa kalusugan mo! nag-alala ako sayo! kala ko kung ano na ang sakit mo!"napadikit yung likod ko sa upuan kasi inaalog-alog niya yung braso ko

gulat at naglalakihang mga mata ang tanging reaksyon ko

galit siya kasi nag-alala siya?

anong klaseng pag-alala yun?

maka sigaw naman kala mo pinahiran ko ng mabahong bagay sa mukha!

bigla siyang bumalik sa pwesto niya

"so-sorry" at pina andar na niya yung kotse niya

nakatulala pa din ako

di ko alam kong magpapasalamat ba ako kasi concern siya o maiinis kasi sinigawan niya ako

sa huli natahimik na lang ako.

napa sulyap ako minsan sa kanya

seryuso talaga yong mukha niya

ano ba kasi yung tumatakbo sa isipan niya?

lagi na lang magaspang yung ugali niya sa akin

pero sa mga munting ala-ala ko mabait naman siya ah?

minsan naman may mga bumabalik na ala-alang nag aaway kami..pero mas marami yung masaya kaming nag kukwentuhan at magkaibigan kami

pero bakit ganon? ngayong nagkita kami ulit nambu-bwesit na naman siya?

hindi ko namalayang kanina pa pala huminto ang kotse

O_O

nakatitig din siya sa akin

this time nagtataka siya

"m-may naalala ka na naman ba?"nag-aalalang tanong niya

ha?

ibig sabihin?

alam na din niyang may amnesia ako?

"si-sinabi ba sayo ni Pinky na...na.."di ko tinuloy yung tanong ko sa kanya kasi nakasagot na siya sa pamamagitan ng mahinang pag tango

Rooftop Lovers in Memories [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon