Lex's POV
"Hoy Lex wag kang KJ dyan. Tara na" tawag saakin ni Fionna. Nagswiswimming kasi sila eh ako nagpaiwan.
"No. Sasamahan ko nalang si Mel dito. " Palusot ko sakanila. Wala parin kasi ako sa mood dahil don sa nangyari.
"Hay bahala ka dyan. Ang saya kaya magswimming lalo na kung sunset" sabi ni Ate. If I know. Iniinggit lang niya ako
"Papanoorin ko nalang sunset" sabi ko rin. Haha. Akala nila ah.
"Whatever Lex. Namimiss mo lang siya eh. Tawagan mo kaya" sabi ni Darren. Ngumiti nAlang ako sakanila.
"Nako Lex. Miss mo lang pala yang Boyfriend mo eh" pang aasar ni Jacob. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Alis na nga lang kayo. Kakain nalang kami ni Mel dito. Di ba Mel?"
"Oo nga. Kakain nalang kami dito no" sabi naman ni Mel. Buti nalang at umalis na din yong mga to.
Nong nakaalis na sila. Umupo nalang ako. Binigyan naman ako ni Mel ng plate na may pagkain (bibigyan ba niya ako ng plate na walang pagkain?) . Nagthank you lang ako sakanya
Umupo naman siya sa harap ko at kumain na rin siya. Gutom ata eh. Eh dalawa ba naman silang kumakain eh.
"Hoy. Hindi laruan yang pagkain ha" sabi niya saakin kaya napatingin ako sakanya.
"Ano bang problema mo? " Tanong niya.
"Wala" sabi ko at ngumiti ng pilit sakanya. Sana naman di niya mapansin.
"Asa Lex. Di mo ako maloloko sa fake smile mo. " Sabi niya.
"Wala nga " pumilit na sagot ko. Ayaw ko nga sabihin sakanila. Problema ko to .
"Lokohin mo na lahat wag lang kami"
Huh? Napatingin ako sa likod ko . At nakita kong nandon silang lahat nakatayo.
"What?!" iritang tanong ko sakanila.
"Ano bang problema mo? Kanina pa namin napapansin na parang ang tahitahimik mo at parang ang lalim ng mga iniisip mo" sabi ni Lara.
Pero imbes na magkwento sakanila. Tumayo nalang ako at umalis don. Narinig ko pa nga ang pagtawag nila saakin pero mas binilisan ko lang ako paglakad para makalayo na sakanila.
Nong nakarating ako sa room agad kong nilock yong pinto. Alam ko kasing susunod yong mga yon eh.
Humiga ako sa kama.
Bakit ba ako nagkakaganito? Nagkakaganito ako dahil lang sa isang lalaki? Lalaking manloloko?
Ang sakit lang kasi eh. Minahal ko siya tapos nakipagbreak siya dahil lang sumama siya sa ibang babae ? Sakit lang.
"ALEXANDRA YOON BUKSAN MO TO!" Sigaw ni ate sa labas.
"Leave me alone please" sabi ko sakanila. Gusto ko kasi talagang mapag-isa ngayon.
Natahimik naman sila sa labas kaya nakahinga ako ng maluwag. Ayaw kong malaman nila kung bakit ako nagkakaganito.
Akala ko umalis na sila pero bigla nalang silang nakapasok.
Nakalimutan kong nakay ate pala yong susi ng room na toh. Ay ano ba yan Lex. Bakit ba ang tanga tanga mo?
"I said leave me alone. Gusto kong mapag isa please lang. " Pakiusap ko sakanila.
Narinig ko namang may lumabas.. Hindi ko kasi nakita kasi nakadapa ako sa kama.
"Lex" alalang sabi ni Fionna. Umupo naman ako sa kama .
BINABASA MO ANG
Because of you (cut)
Teen FictionFind the other one the new world with you. Same picture.. And same story.