Chapter 13 - pag-amin

33 1 0
                                    

Third person's POV

Ang boys ay nagplaplano kung paano mapagseselos si Kevin.

"Darren. Tawagan mo kaya si Fionna. Tanong mo kung asan ngayon si Lex" sabi ni Harry kay Darren.

Tumango lang naman si Darren at tinawagan si Fionna.

"Hello Bridey" agad na bati ni Darren kay Fionna.

"Groomy. Bakit? " Tanong ni Fionna sakanya.

"I-loudspeaker mo kaya" sabi naman ni Mark kay Darren.

Sinunod naman ni Darren si Mark. Napapansin na nga niyang siya lagi inuutusan ng tatlo.

"Fionna kasama niyo ba si Lex?" tanong agad ni Jacob kay Fionna.

"Hindi. May kameeting daw siya ngayon eh " sagot sakanya ni Fionna.

Biglang nakaisip si Harry ng napakagandang plano para mapagselos si Kevin.

"Girlfriend babae ba yong kameeting niya?" Tanong nito kay Fionna.

"Hindi ko alam eh" sagot ni Fionna.

"Pwedeng itanong mo kay Riel. Baka alam niya. Kung alam niyo na text niyo nalang ako ok?" Sabi ni Harry at inend call na.

Naguguluhan naman si Fionna kung bakit tinanong ni Harry yon sakanya. Pero kahit gulong gulo siya tinanong parin niya kay Riel ang pinapatanong ni Harry.

"Riel. Kilala mo ba yong kameeting ni Lex?" Tanong ni Fionna.

Nagtaka naman yong tatlong babae kung bakit natanong ni Fio yon kay Riel..

"Hmm. IDK. Bakit?"

"Pinapatanong ni Harry eh" sagot nalang ni Fionna.

"Alam ko plano ni Yam" sabi ni Gail at nakangiti pa. Napatingin naman sila dito.

"What plan?" tanong ni Lara.

"Pagboy ang kameeting ni Lex. Sasabihin nila kay Kevin un para magselos" sabi ni Gail.

Napangiti naman silang lahat.

"Tatawagan ko si daddy kung sino kameeting niya at kung saang place" sabi ni Riel at tumayo na para tawagan ang daddy niya.

Saglit lang at nakabalik na si Riel na nakangiti.

"Call the boys guys. Mr. Reyes ang kameeting ni Lex. At sakto. Anak siya nong business partner ni daddy. Ibig sabihin. Kaage lang daw natin. " Sabi niya.

"I'll call Mark" sabi ni Lara.

Si Gail at Fionna naman ay umakyat na para magbihis.

---

KEVIN'S POV

"Hoy Kevin tama na yan" awat saakin ni Harry sabay kuha nong baso na may lamang alak.

"Hoy Harry. Ibalik mo nga yan!" Sabi ko sakanya.

"Tumigil ka na. Bakit ka ba kasi naglalasing ng ganyan?" Tanong niya saakin.

Bakit nga ba? Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako naglalasing ng dahil sakanya?

"Wala ka na don" sabi ko

"Kevin naman. Tayong dalawa lang ang nandito oh. I mean tayong dalawa lang magkasama ngayon" Sabi niya. Napatingin naman ako sakanya.

"Harry anong mararamdaman mo kung may kasama si Gail na ibang lalaki?" Tanong ko sakanya

"Syempre tatanongin ko siya kung sino yon"

"Eh paano naman kung si Fionna?"

"Teka nga. Bakit ba kasi? Ano bang problema?"

"Ang sama ng tadhana saakin tol" sabi ko sakanya at uminom ulit.

"Bakit? Pano mo naman sabi yan?" Tanong niya at uminom din ng alak.

Nga pala. Kung di ko pa nasasabi. Nandito kami sa bar. Oo bar! bakit? Kasi nga. Hindi ko rin alam

"Natry mo na bang nainlove sa bestfriend mo tapos may mahal pala siyang iba?"

"Don't tell me tol mahal mo parin si Fionna? Nako mapapatay ka ni Darren"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Pero bakit? Nga ba lagi nalang? Bakit pag nagmamahal ako may iba naman silang mahal"

"Teka nga. Si Lex ba? Kevin si Lex? Mahal mo ba si Lex?" Tanong niya saakin.

"Tol hindi. Hindi ko siya mahal. Kaya nga naglalasing dito diba?"

"Eh tol. Tanungin mo kaya muna siya kung sino yong lalaki"

"Bakit pa?"

"Takte ka tol. Di mo naman talaga alam kung sino yong lalaking yon" sabi niya.

Di ko nalang siya pinansin. Uminom nalang ako. Pakialam ko. Sabi kasi sakanyang ako lang pwede niyang idate tapos nakikidate siya sa iba?

----

LEX'S POV

"Ma'am Lex may naghahanap po sainyo sa labas" sabi saakin ng katulong namin.

Sino naman ? 1 am na. Sino namang baliw ang naghahanap saakin?

Bumaba nalang ako para tignan kung sino yong baliw na naghahanap saakin. Paglabukas ko ng gate namin...

"Kevin?!" Gulat na sabi ko sakanya. "bakit nandito ka?" dagdag ko pa. Nangiti naman siya.

"Oh Lex! musta ang date mo?"

"Huh? Anong date? Teka?! ano bang problema mo?!"

"Nako naman Lex. Wag ka nang mag maang-aangan dyan. Nakita kaya kita na may kadate kanina sa restaurant. Masaya ka pa nga eh"

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong kadate ka--"

"Lex naman. Diba sabi ko, ako lang pwede mo kadate? Bakit nakikipagdate ka sa iba? Di mo ba alam masakit makitang may kadate kang iba?"

"Business ang pinag-usapan namin kanina ok.? At bakit ka ba nagkakaganyan?"

"bakit? simple lang naman Lex eh. Dahil sayo. Dahil sayo kaya ako nagkakaganito" sabi niya. Nagulat naman ako don sa sinabi niya.

"Dahil saakin? Kevin lasing ka na. Umuwi ka na. Bukas nalang tayo mag-usap pag matino ka na" sabi ko sakanya.

"Hindi ako lasing Lex. Alam ko kung ano mga pinagsasabi ko"

"Pwede ba Kevin. Lasing ka.! Kaya nga Lex tawag mo saakin diba?"

"Oo Lex tawag ko sayo. Kasi ayaw na kitang tawaging Alex dahil alam ko naalala mo parin yang takteng ex mo."

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Lex alam ko na. Alex. Alex ang tawag sayo ng ex mo. At siya lang ang nag-iisang tumatawag sayo ng ganon. Kaya ba di mo siya nakakalimutan? Siguro pag kasama mo ako siya laging iniisip mo?"

Sinampal ko siya dahil sa sinabi niyang yon.

"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong ko sakanya

"Manhid ka ba?! Sa tingin mo Lex. Bakit ako magkakaganito ng dahil sayo?!"

"Umalis ka na." sabi ko at sinara na yong gate.

Kainis ka Kevin. Lalo mo lang ginugulo lahat.

---

A/N : kawawang Kevin. Aamin kasi ganon pa. Ano napala mo? Pag umamin kasi dapat gayahin si Darren. Haha (sa mga di nakakaalam try niyo basahin yong don't Go ^_^)

Because of you (cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon