Kevin's POV
Anong ginawa ko? Bakit parang galit na galit yong mga babaeng to saakin . Wala naman akong ginagawa sakanila ah. Matapos umalis ni Alex. Umalis na din sila
Ano bang nangyayari sakanila ? O ang tamang tanong dyan. Anong problema saakin?
Sa susunod ko sasabihin yong reason ko kung bakit di ako nakakasagot sa mga tawag ni Alex
~~~~Flashback~~~
"Anong nangyare don?" Tanong ko sakanila matapos umalis ni Alex.
"Tinatanong mo pa talaga yan?" Inis na tanong saakin ni Fionna. Teka. Si Fionna naiinis? Himala.
"Tara na nga girl. I-take out niyo nalang yan. Sundan natin si Lex." Sabi ni Lara
"Teka! hoy anong nangyayare? Mel?" Gulong gulo na ako sa mga kinikilos nila eh.
"Try mo habulin si Lex baka malaman mo pa yong sagot" sabi naman ni Gail sabay irap saakin.
Ano bang problema nila?
"Habulin mo na" sabi naman ni Nicole.
Isa rin tong babaeng to eh. Nakakainis. Kung ano ano pinagsasabi eh.
Hay! hinabul ko nalang si Alex. Nong nakita ko siyang huminto sa may gilid.
ALEX!" Tawag ko sakanya. Napatingin naman saakin.
"Kevin? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya saakin.
"Ok ka lang ba?" Tanong ko sakanya. Mukha kasing may problema
"Ha? oo. Mukhang ok naman na. Magpapahinga nalang ako sa bahay. Balik ka na don baka hinihintay ka pa ni Nicole. " sabi niya saakin at naglakad siya palayo saakin
"Iniiwasan mo ba ako? " Tanong ko sakanya. Mukha kasing iniiwasan niya ako. Kanina nong nagkatitigan kami umiwas siya tapos ngayon naman nagpapanggap siyang masama pakiramdam niya .
Oo alam kong masama pakiramdam niya. Pano ko nalaman? Di ko rin alam basta alam ko lang nagpapanggap siya.
"Bakit naman kita iiwasan? May dahilan ba ako para gawin yon? O nagkakamali ka lang . Kasi sa pagkakaalam ko. Ikaw yong hindi sumasagot sa mga tawag at text ko.. Ikaw yong hindi nagpaparamdam. Tapos ako yong umiiwas? Baka ikaw? ....Sige Kevin alis na ako" sabi niya at tumakbo na palabas ng mall.
Ako? Napatigil sa mga sinabi niya.
G*go naman talaga ako. Ako yong nagtatanong kung bakit siya umiiwas tapos ako naman yong nauna. .
~~~~~end of flashback~~~~~~
Hay ewan ko. Mababaliw na ako kakaisip eh.
Tama nga naman kasi siya. Ako yong di sumasagot sa mga tawag niya. Pero may dahilan naman ako ah.
Tapos si Nicole ? Di ko naman nililigawan yon eh. May boyfriend na yon at bestfriend ko pa. Ewan ko kung bakit niya sinabi yong mga yon
Mapuntahan na nga lang si Mel. At matanong sakanya kung anong problema niya.
Bumamaba ako at nakita ko siyang nanonood. Nilapitan ko naman siya at tumabi sakanya.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya agad. Aba. Grabe tong kapatid ko na to ah
"Pagtumabi may kailangan agad? Grabe ha" sabi ko naman. Sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Tsk. Alam mo kuya kung tungkol to kahapon. Nako wag ako kausapin mo dyan. Baka mag-away pa tayo" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Because of you (cut)
Teen FictionFind the other one the new world with you. Same picture.. And same story.