Lex's POV
Hay! nakakainis naman. Akala ko pa naman may kasama akong magshoshopping ngayon. Ok lang naman kasi nagshoshopping namN na ako mag-isa minsan. Pero di parin talaga ako sanay. Eh syempre lagi ko silang kasama..
Iniiwasan ba ako ng mga un? Napapansin ko kasi... Pag nagtetext ako sakanila di sila nagrereply. Kung tumatawag ako di nila sinasagot. Si ate naman lagi nalang umaalis ng bahay kaya di ko nakakausap
Nagpapakasweet ako sakanila pero wala! Nganga! Mag-isa! Lagi nalang ako mag-isa. Haha.
Dahil sa wala akong kasamang magshopping. At tinatamad na rin ako. Nanood nalang ako ng sine..
Nong natapos na. Kumain nalang ako gutom na ako eh. Nakakalungkot mag-isa. Parang tatamarin ka sa mga gusto mong gawin.
Makakain na nga lang. Habang hinihintay ko yong pagkain ko magkwekwento muna ako ha.
Naalala niyo nong umamin si Kevin? Well hindi naman amin yon para saakin eh. Bakit? kasi nga po wala naman siyang sinabing kung ano ano. Like,he likes me.. (A/N: manhid ka ba o slow? -_- )
Ok fine. Slow ako. Mas maganda ng maging slow kaysa naman maging assuming ako. Mas masakit kaya yon. Mamaya akala ko gusto niya ako yon pala nagagalit lang siya kasi di ako nagsabi sakanya na may kameeting ako. Pero bakit naman siya magagalit diba?
Balak ko nga siyang kausapin sana kaso nga lang umiiwas siya saakin. Di ko nga alam kung bakit. Nababaliw na ata yon eh. Ipunta ko kaya sa mental?
Lahat nalang ata sila umiiwas saakin eh. May nagawa ba ako sakanila? Wala naman diba?
Ahh.. mamaya na ako magkwento kakain muna ako..
---
KEVIN'S POV
"Hoy Kevin. Anong nangyari sainyo ni Lex?" tanong ni Darren
"Wala"
"Anong wala? Hoy 1 week ka ng umiiwas sakanya ah" sabi naman ni Harry.
"Pakialam niyo ba? Kayo ba iniiwasan ko at affected kayo?" Tanong naman sakanila
"Hindi pero parang kaibigan namin si Lex kaya pag malungkot siya malungkot din kami noh lalo na ngayon at --"
"Bakit anong nangyari?" Tanong ko agad kay Mark.
"MARK ANG DALDAL MO!" sabay sabay na sigaw ni Darren,Harry at Jacob.
"Ano? Wala naman masama kung sasabihin sakanya diba?" Sabi ni Mark. Sinamaan lang naman siya ng tingin nong tatlo.
"Hoy anong nangyari kay Lex?"
"Kasi iniiwasan siya nila Lara" sabi ni Mark. Napabuntong hininga nalang yong tatlo.
"Ha? bakit sila umiiwas kay Lex?" Naguguluhang tanong ko sakanila
Bago pa magsalita si Mark tinakpan na nila yong bibig niya at si Harry na yong nagsalita.
"Kasi may tampo daw sila kay Lex kaya yon. Alam mo na mga babae. Yaan mo na yong mga yon. " Sabi niya.
TInawagan ko nalang si Lex para malaman kung asan siya.
"Asan ka?" Tanong ko agad sakanya.
"S-Sm" sagot niya
"Saang SM? Hoy Alexandra Yoon maraming mall sa Pilipinas. Malay ko ba kung saang mall ka?"
"SM sa korea! Don sa SM ENT. Para makita ko na ang SNSD, f(x), EXO .. Para masaya. Hay. Ewan ko sayo. Syempre SM Dito lang sa malapit sa bahay.. " sagot niya.
In-end ko na yong call. Lumabas na ako agad sa bahay nila Harry para puntahan si Lex.
Anong SM ENT SM ENT ang pinagsasabi niya? Hay. Ewan. Mamaya ko na nga lang problemahin yang sm ent na yan. Ang mahala makita ko na siya
----
LEX'S POV
Hay! nakakainis talaga! sana di nalang siya tumawag diba? Saang SM? Malamang sa malapit lang.. Anong gusto niya pumunta pa akong ibang lugar diba?
Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Tsk. Makaalis na nga lang.
Habang palabas ako ng SM. Nakita ko sila ate. Teka. Magkakasama silang apat ah.
Lumapit ako sakanila at nagulat naman sila nong nakita ako.
"Alis na tayo" sabi ni Lara.
Huh? aalis na sila? bakit di nila ako pinansin? Di ba nila ako nakita? Eh pano mangyayari yon eh tumabi pa nga ako kay Lara eh
"Hey!" tawag ko sakanila nong lumalayo na sila saakin.
Sabay sabay naman silang napatingin saakin pero naglakad ulit sila.
Hinabol ko naman sila para makausap kung anong problema nila saakin.. Napapansin ko kasing iniiwasan nila ako eh.
"May problema ba?" Tanong ko sakanila nong nakalapit na ako sakanila.
"Ah girls una na ako. May lakad pa kami ni Mark. Next time nalang yong bonding ha" sabi ni Lara kila Fio. Di nga siya tumingin saakin eh
Bonding? Bonding na di ako kasama? Nakakatampo naman sila.
"Ako rin pala pupuntahan ko pa si Jacob" sabi ni ate. Pati ba naman siya?
"Ah Fio may lakad din kami ni Harry. Kita nalang tayo sa bahay" sabi ni Gail at tumingin saakin at umiwas din agad ng tingin.
"Fio ano bang nangyayare?" Tanong ko sakanya. Di naman siya nakatingin saakin.
"Ah Lex alis na ako. May lakad pa kasi ako. BYe" paalam niya. Anong meron? Pipigilan ko sana siya pero tumabo na siya eh.
Naiiyak na ako sa pinaggagawa nila.
Naglakad ako palabas ng mall na nakayuko. Naiiyak kasi ako. Hindi ako sanay na umiiwas sila saakin. For 6 years. Sinong di masasanay na lagi mo silang kasama?
Pag may problema ako sila lagi nandyan para saakin pero bakit ngayon parang naiiba? Bakit parang mag-isa lang ako.
May nagawa ba akong mali para umiwas sila saakin? Ang pagkakaalam ko naman wala akong nagawang mali.
Sa di ko namalayan at di ko narin nakita. May bangga ako.
"Sorry" paghingi ko ng tawad don sa nabangga ko.
Pero nagulat nalang ako ng yakapin niya ako.
"Im here" sabi niya
Kung kanina pinipigilan kong umiyak, ngayon umiiyak na ako.
Buti nalang.. Buti nalang nandyan siya. Lagi nalang siyang nandyan para saakin.
---
A/N : sorry for this chapter. Haha. Pangit noh? Sorry talaga. Di ko alam pinaggagawa ko eh.
BINABASA MO ANG
Because of you (cut)
Novela JuvenilFind the other one the new world with you. Same picture.. And same story.