Chapter 8 - why?

26 2 0
                                    

Kevin's POV

"Kuya" tawag saakin ni Melissa. Napatingin naman ako sakanya na kumakain habang nanonood

"What?" tanong ko sakanya. Lumapit naman ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Wala ba kayong lakad ni Lex ngayon?" Tanong niya. Pero nakatingin parin don sa pinapanood niya.

"May lakad ata siya eh with the jerk" sabi ko. Natawa lang naman siya don. Ano bang nakakatawa?

"Sinong jerk? Teka si Nick ba?" Tanong niya. Pano niya nakilala yong lalaking yon?

"Yes the Nick guy. Pano mo yon nakilala? At sino ba yon? "

"Si Nick. Isa sa pinakaimportanteng lalaki kay Lex. 2 years ata yon nawala eh. Nakilala ko siya 3 years ago. Birthday ni Lex non. Sa dalawang yon. Makikita mong mahal na mahal nila ang isa't isa. " Paliwanag niya.

Kumunot naman noo ko. Eh sino bang hindi diba? Sino ba yong lalaking yon?

"Siguro miss na miss nila ang isa't isa kaya lagi na magkasama yong dalawang yon. Sana niyaya mo yon kahapon dito para naman makita namin siya" sabi niya.

"Buti nga di yon pumunta panira lang eh. Baka masapak ko pa kung nagkataon" bulong ko.

"Ano yon kuya?" tanong ni Mel.

"Wala sabi ko magpahinga ka na." Palusot ko nalang.

"Selos ka ba kuya?" Tanong niya saakin.

"Ako? Hindi ah. Bakit naman ako magseselos? Mas gwapo naman ako don" sabi ko

"Mas gwapo ka nga. Mas mahal naman yon ni Lex. Mas lamang parin si Nick noh" pang aasar niya saakin.

"Alam mo kung hindi ka lang buntis? Kanina pa kita binatukan" inis na sabi ko sakanya

"Kung hindi ka selos bakit naiinis ka? Bakit galit ka kay Nick? Bakit?" tanong niya na tatawa pa.

"Hay ewan ko sayo" sabi ko at tumayo na palabas ng bahay namin.

"San ka pupunta? Susundan mo sila? O ilalayo mo si Lex sakanya?" tanong niya saakin.

"Magpapakamatay na ako. " Birong sabi ko.

"Wag kuya. Grabe ka naman. Mawawalan lang ng time sayo si Lex magpapakamatay ka na? Ano ka si Darren? (A/N : singit ang Don't Go.) " natatawang sabi niya

"Ewan ko sayo" sabi ko at tuluyan ng lumabas ng bahay namin

SaN ba magandang puntahan? Punta nalang kaya akong mall. Eh ano naman gagawin ko don? Hmmm.. Kila Fionna nalng kaya? Oo nga don nalang.

Nagdrive na ako papuntang bahay nila. Habang nagdradrive ako, tinawagan ko si Alex. Ewan ko. Ano bang sasabihin ko don

"Hello?" Teka. Boses lalaki to ah. Bakit siya sumagot ng tawag? Asan si Alex?

"Sino to? Where's Alex? " Tanong ko don sa lalaki.

"Alex? Ah si Lex. Naiwan niya yong phone niya eh. Nagcr lang siya. Sino ba to?"

"It's Kevin. ok? thanks nalang. Paki sabi sakanya na tumawag ako at please tell her na tawagan ako mamaya"

I end the call.

Nong nakarating ako don sa bahay nila Fionna at pinapasok agad ako ng guard nila. Kilala na nila ako eh.

"Manang asan po si Fionna?" Tanong ko don sa katulong nila.

"Hi Kevin"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Britney lang pala eh.

"Hello. Musta na?" Tanong ko sakanya.kinuha ko naman sakanya si Yen na buhat buhat niya. "Hi lil princess"

Because of you (cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon