Chapter 7 - what's the problem

25 2 0
                                    

Lex's POV

"ALEXANDRA YOON BUKSAN MO TONG PINTO" sigaw ng magaling kong ate.

Ano bang problema niya?! Para na siyang alarm clock ko. Kung makasigaw. rinig pa ata ng mga kapit bahay namin eh

Bumangon nalang ako at binuksan yong pinto.

"ANO?!" Sigaw ko rin sakanya. Eh nakakainis kasi eh. Ang aga aga nang iistorbo ng tulog

"Hoy Alexandra! Anong oras ka nakauwi kagabi?" Tanong niya. Nakamaywang pa talaga siya.

"12. Bakit ba? Kung makasigaw ka naman. Ang aga aga palang eh"

"Hoy anong maaga? 10 na po kaya ng umaga at kanina pa may naghihintay sayo sa baba. Nakakahiya. "

"10 ng UMAGA. Kaya maaga pa yon at sino naman naghihintay saakin ha? Wala naman kaming lakad ni Kevin" sabi ko sakanya at naglaka papasok sa room ko.

"Aba kung may naghihintay si Kevin agad? Nako. Sinasabi ko na nga ba eh. Nanliligaw siya sayo diba?" Sabi niya at umupo sa bed ko.

"Anong ligaw na naman yang sinasabi mo? Friends lang kami. Closefriend ko lang siya. " Sabi ko at pumasok na sa cr. May bisita nga raw ako diba? Kaya mag aayos na ako at nakakahiya naman kasi sakanya.

"Oo na. Di na siya nanliligaw kahit di ako naniniwala sayo. Bilisan mong maligo. Mahiya ka naman sa bisita mo" sabi niya at narinig kong may lumabas at alam kong siya un.

Hay! Antok pa ako eh. Napasarap kasi ata kwentuhan namin ni Kev kaya di namin namalayan yong oras dagdag pa yong magandang view

Pagkatapos kong maligo at nagayos bumaba na ako. Aba nakakahiya naman kung tinagalan kong mag ayos. Sure naman akong kanina pa naghihintay yon diba?

"OMG LEX! Namiss kita!"

Teka anong ginagawa niya dito? Bakit nandito toh?

"Bakit nandito ka?" Gulat na tanong ko sakanya.

"Nakakainis ka! Grabe ha. Di mo ako namiss? Di mo namiss ang pinakagwapo mong pinsan? "

"Ikaw ang nakakainis! Kailan ka pa umuwi? Bakit di mo sinabi saakin? Sana nasundo kita" inis na sabi ko sakanya.

"Kahapon pa ako uwi noh? At si Ate Mariel yong tinawagan ko sabi niya may date ka daw eh kaya di na kita ginulo"

"Anong date? Di yon date no. Kasama ko rin sila ken unnie kahapon. Teka. Bakit ka nga ba nandito?" tanong ko sakanya.

"Wala lang. Namiss lang talaga kita" sabi niya. "Payakap nga ate" sabi niya. Lumapit naman siya saakin at niyakap ako.

"Namiss talaga kita Nick. Ang tagal mong nawala eh." Sabi ko sakanya.

"Alex?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Pati nga si nick napatingin din eh.

"Kevin? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

"Kevin nandito ka na pala. Sorry ha. Di pa nakapagbihis si Lex. May bigla kasing bisita at kagigising lang niya" singit ni ate habang pababa ng hagdan.

"May lakad ba tayo? Bakit di ko alam? " Takang tanong ko sakanilang dalawa.

"Ah... Kasi si Mel pinapasundo tayo. Maglunch daw tayo sa bahay nila kasama yong barkada. Pero kung may pupuntahan kayo ni Nick , ok lang ako nalang magsasabi kay Mel. O kaya isama mo nalang siya. Ok lang naman yon diba Kevin? "

"Yes" cold na sabi ni Kevin

"Hintayin niyo ako. Sasama ako. Di ako nakasama sainyo non. Pwede ka naman palang sumama eh. Tara na. Namiss kita eh" Sabi ko

"Nako wag na noh. Susunduin nalang kita dito bukas. Basta ha magbihis ka ng maganda. " sabi niya saakin.

"Kahit di ako magbihis ng maganda, maganda parin ako " yabang kong sabi sakanya.

"Sige na alis na ako. Bye" sabi niya at kiniss pa ako sa pisngi lang. "Bye ate Riel. Bye tol" paalam niya.

"Di niyo ako isasama sa lakad niyo?" tanong ni Ate sakanya.

"Manira ka lang. Kami nalang ni Nick noh. Wag kang sasama" pang aasar ko kay ate.

"Che. Magbihis ka na nga lang"

Paakyat na ako at si Nick umalis na rin.

Pagpasok ko sa room ko. Nagbihis na ako. Just a simple pink dress with pink doll shoes. Ok na yan.

Pagbaba ko si ate nalang yong nandon.

"Oh asan si Kevin.?" Tanong ko sakanya. Wag niyong sabihing iniwan kami non

"Nasa labas. Magpapahangin daw eh. " Sabi niya. Nang nod lang naman ako.

Habang palabas kami may binulong saakin si ate dahilan para magulat ako.

"Tingin ko nagseselos si Kevin. Sakyan mo kaya para malaman natin kung may gusto sayo yon" sabi niya.

"Ay ewan ko sayo Mariel Yoon. Ibang klase talaga yang pag iisip mo" sabi ko.

Naglakad na ako papalapit don kay Kevin. sumunod naman si ate.

Nginitian ko si Kevin nong nakalapit na ako sakanya pero di man lang niya ako pinansin. Pumasok nalang siya sa kotse niya.

"Riel sakay na kayo." Sabi niya kay ate.

Bakit kay ate pa niya sinabi? Eh ako yong malapit sakanya.

"Hoy Lex sakay na. " Sabi ni ate. Nakasakay na pala siya. Don siya sa likod.

"Palit tayo. Dito ka" sabi ko sakanya. Lumabas naman siya at umupo sa harap.

Bakit ba ganito si Kevin? Di naman ganyan turing niya saakin ah. Bakit nag iba? Ano bang problema niya.

Nilagay ko nalang yong earphone ko. Ano ba magandang pakinggan? Hmm. Ah ito nalang break free. Haha.

20 minutes nakarating na kami sa bahay nila. Tinanggal ko na rin yong earphone ko.

Naunang bumaba akong bumaba sakanila. Sumunod naman saakin si ate. Si Kevin ipapark pa yong car niya

"Una ka na" sabi ko kay ate . Nagnod lang naman siya at pumasok na sa loob.

Hinihintay ko kasi si Kevin. Gusto ko siyang kausapin kung bakit ganon yong makikitungo niya saakin ngayon.

"bat di ka pa pumasok?" Cold na tanong niya saakin nong nakita niya ako sa may pinto nila.

"May problema ba tayo?" Tanong ko agad sakanya. Nakakapagaka kasi eh.

"Wala. Wala lang ako sa mood" sabi niya at naglakad na papasok

Hindi pa siya nakakalayo saakin ng hilain ko siya. Grabe no? Ako pa talaga nanghila sakanila.

"Can we talk?" Sabi ko sakanya.

Naglakad naman na siya palabas kaya sinundan ko nalang siya. Pumasok siya sa kotse niya kaya pumasok din ako.

Di ko alam kong saan kami pupunta.

Bigla nalang niyang hininto yong kotse niya sa isang park. Bumaba siya kaya bumaba na rin ako at sinundan siya.

"Ano bang problema?" Tanong ko sakanya nong huminto siya.

"Wala. Walang problema Alexandra"

"Walang problema? Eh bakit ganyan kinikilos mo? Bakit parang iniiwasan mo ako? Bakit ang cold mo saakin? Galit ka ba saakin? May nagawa pa ako sayo? May problema ka ba saakin?" sunod sunod na tanong ko.

Hinila lang naman niya ako at niyakap. A Friendly hug. Baka iba isipin ng iba eh

"No. Hindi ako galit sayo . Wala akong problema sayo. Saakin. Saakin uong problema Alex. Sorry kung nadadamay ka. Sorry"

"Eh ano ba kasing problema?" tanong ko sakanya.

"Hini ko alam Alex. Hindi ko pa alam. Pagnalaman ko at sigurado na ako. Ikaw unang makakaalam. Kaya sana intindihan mo nalang ako minsan"

---

Vote and comment ^^

Because of you (cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon