Chapter 17 - the kiss

28 2 0
                                    

LEx's POV

'I want you back'

'I want you back'

'I want you back'

'I want you back'

AAAAAAHHHHH NAKAKAINIS NA. kagabi pa paulit ulit yan sa utak ko eh. Hindi na nga ako masyadong nakatulog.

"Tulala ka ata" sabi ni Kevin.

Oh my gosh. Bakit ba ako nagkakaganito.

Lex gising!! Kasama mo si Kevin ngayon. Kalimutan mo muna kaya yang pesteng 'i want you back' ng ex mo.

"May iniisip lang ako" sabi ko naman and Ngumiti para di niya mag-alala

"May problema ba?" Tanong niya.

Bigla namang dumating yong waiter kaya di na rin ako nakasagot don sa tanong niya saakin.

Di ko nga pala nasabi. Nandito kami sa isang restaurant. Remember. May date kami.

Sana nakakapagsaya ako pero hindi dahil sa takteng... AHHH!

Habang kumakain kami. Ang tahitahimik ko. Ewan ko. Di kasi talaga maalis sa isip ko yong sinabi niya.

"Hoy!!" tawag saakin ni Kevin.

Napatingin naman ako sakanya. Yong mga ngiti niya kanina biglang nawala. Biglang napalitan ng lungkot

"Iniisip mo ba yong mine mo?" Malungkot niyang tanong.

Nanlaki naman yong tanong niya.

Hindi ako agad na kasagot sakanya.

"So siya nga iniisip mo" malungkot niyang sabi.

Yumuko naman ako. ang sama ko na ba? Kasi si Kevin ang kasama ko pero si Mico naman ang iniisip ko. Let me clear yong sinabi ni Mico ang iniisip ko.

Tumayo si Kevin at umalis don sa table namin. Nakaclose yong fist niya kaya alam kong galit siya.

Sinundan ko naman siya hanggang sa garden. May garden kasi dito sa restaurant.

"Ke-kevin.. " Tawag ko sakanya.

Tumingin siya sa mga mata ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga mangyayare

"Do you still love him?" Tanong niya saakin. Bawat bangit niya ng salita ramdam mo yong sakit na nararamdaman niya.

Yumuko ako. Naiiyak na kasi ako... Bakit ba kasi ganito?

"Mahal mo pa nga" natatawang sabi niya. Pero galit siya. Galit siya at nasasaktan din siya.

Pano ko nagawang saktan ang isang kagaya niya? Bakit ko nasasaktan yong mahal ko? Bakit ko nasasaktan yong ngpapasaya saakin dahil don sa tanong nanakit saakin

Naglakad na siya palayo saakin pero natigilan siya dahil sa sigaw ko.

"IKAW ANG MAHAL KO!"

Napatingin naman siya saakin. Ngumiti siya pero yong ngiting may kasamang lungkot

"Ako mahal mo pero bakit di mo masagot yong tanong ko sayo?!" inis niyang sabi.

"Kasi nga... Kasi nga natatakot akong masaktan ka" iyak na sagot ko

"Sa tingin mo ba di ako nasasaktan sa ginagawa mo? Bakit Alexandra...?"

"Kasi di mo na kailangang malaman pa"

"Malaman ang alin? Na naisip mong mas mahal mo siya?"

"Hindi.. Hindi naman kasi siya yong iniisip ko. Kundi yong mga sinabi niya" iyak parin ako ng iyak.

"Anong sinabi niya?"

Hindi ko siya sinagot.

Para san pa? Para saktan lang ulit siya? Para iwan niya ako pagnalaman niya?

"Bakit di mo sabihin saakin yung mga sinabi niya?" Tanong niya.

"Kasi baka.. Kasi baka iwan mo ako.. Baka magalit ka saakin."

"Lex! sabihin mo na kasi. Mas pinapahirapan mo lang ako eh. Mas sinasaktan mo lang ako eh"

"Nong sinabi ko sayong may kailangan pa akong gawin kagabi. Yon ay ang tawagan siya" nakayuyo parin ako.

Lagi nalang pa akong yuyuko?

"You what? LEX BAKIT MO SIYA TINAWAGAN?" Sigaw niya saakin.

"Kasi nga gusto kong malaman kung bakit niya sinabi yong comment niya don sa picture natin"

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya saakin.

"Tapos sinabi niya saakin. Na he want me back" sabi ko.

"Sh*t" mura niya.

Nakatayo lang kaming dalawa don. Siya nakatitig lang saakin at ako naman iyak lang ng iyak.

Lumapit siya saakin at pinunasan yong mga luha ko.

"He want you back?" Tanong niya saakin.

Hindi naman ako sumagot sakanya.

Niyakap niya ako. Yong lagi niyang ginagawa pag umiiyak ako.

"Gusto mo bang bumalik sakanya?" Tanong niya sakin.

Tinignan ko naman siya at umiling.

"Late na ba siya?"

"Ye-yes. Too late." Sagot ko

Mas hinigpitan pa niya yakap saakin.

"Pagbumalik ba siya at kinuha ka niya saakin sasama ka sakanya?" Tanong niya.

Sasama ba ako? Syempre hindi. Iiwan ko ba tong lalaking to?

"Hindi ..kasi sayo ako sasama. Hindi sakanya "

"Weh?"

Ayan na naman siya sa mga weh niya eh.

"Weh di ako naniniwala. Ako lang ba talaga?"

Tignan niyo tong lalaking to. Kanina lang galit na galit tapos ngayon nangtritrip na naman.

Para matahimik siya. Hinalikan ko siya.
.
.
.
.
.
.
.
Sa lips. ...

Hindi to yong first kiss ko pero feeling ko ito yon. Ganito ba ipekto ng lalaking to saakin?

Now I know. Siya nga ang mahal ko.

---

A/N : short UD ^_____^

Because of you (cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon