KABANATA 2

84 6 0
                                    

Caridad’s POV

Huminto ang sinasakyan naming trailer truck kaya pumalo na naman ang kaba sa dibdib ko nayakap ko na lamang ang sarili ko ng muling bumukas ang pinto at niluwa nun si Remus habang may nakaipot pang sigarilyo sa bibig nito. Tinitigan niya ako ng mabuti.

“Tumayo ka na diyan andito na tayo sa Villa ko payo ko lang sayo na ayokong makikipag-ngitian ka sa mga kasamahan ko kasi medyo possessive ako lalo na kapag gustong-gusto ang laruan ko.”  Saad niya sabay hithit ng sigarilyo at malayang binuga sa ere ang usok nito saka ako senenyasan na lumapit sa kanya.

Nanginginig pa ang mga paa ko nang sinubukan kong tumayo kaso bigla akong napaupo sa kama ng kumirot ang pagitan ng mga hita ko isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Remus kaya sa takot ko ni hindi ko magawang tumingin sa kanya. Rinig ko ang papalapit niyang mga yabag kaya lalong nanginig ang katawan ko mukhang may phobia na ako sa kanya ah. Hindi ko siya sinalubong ng tingin bagkus ay napako sa sapatos niya ang mga mata ko bahagya pa akong nagulat ng nalaglag ang hinihithit niyang sigarilyo sa paanan niya sabay tapak niya.

“So hindi ka makatayo? Ayos ah isang round lang naman ‘yon ah paano pa kaya kung damihan ko ha siguro lantang gulay ka na non.”

Hindi ako sumagot nanatili lamang akong nakatitig sa sapatos niya habang inaapakan nito ang nalaglag na sigarilyo. Napatili ako ng bigla akong umangat sa ere saka niya ako sinampay sa kanan niyang balikat.

“Hindi ka naman pala mabigat kaya kahit saan ako magpunta pwede kitang bitbitin.”  Wika niya na sinabayan pa ng malutong na halakhak.

“Aray!”  Daing ko ng bahagya niya paluin ang pwet ko tumwa lamang siya saka nagpatuloy sa paglakad hiyang-hiya ako lalo at ramdam kong maraming mata ang nakatingin sa aming dalawa kaya minabuti ko na lamang na itago sa likod nito ang mukha ko awang-awa ako sa sarili ko hindi ko akalaing magiging ganito ako ang layu-layo niya sa Remus na kilala ko.

“Wow, sino ‘yang kasama mo Boss?”  Ranong ng kung sino sa mga lalaking nadaanan namin ngunit hindi sila pinansin ni Remus magpatuloy lang siya sa paglakad hanggang makapasok na kami sa loob ng tinatawag niyang Villa maliwanag ang paligid at bukod sa mga sapatos na panglalaki ay may napansin din akong mga sapatos ng babae kaya nag-angat ako ng tingin mga naka uniporme sila na gaya sa mga napapanood ko sa mga anime nakasuot ang mga ito ng bestidang kulay itim na lagpas lamang ng pwet ang haba habang merong ternong puting apron ang suot nila.

“Maputi ang isang ‘yan ah!”. Sigaw ng isang lalaki na kapareho ng iba ang suot na kulay itim na damit.

Agad itong lumapit sa akin at hahawakan na sana ang buhok ko ng makarinig ako ng tunog ng gatilyo ng b@ril.

“Pasensya ka na Pare pero kay Rem ang isang yan at hindi siya pwedeng hawakan ng kahit sino sa inyo.”  Turan ni Chacha habang nak@tut0k sa s3ntido ng lalaki ang makintab niyang niyang b@ril.

Sinulyapan ako ni Chacha.  “Okay ka lang ba, Caridad?”

Tanong nito kaya muling tumulo ang mga luha ko sabay iling ko pero hindi nagpatinag si Remus sige lang ang hakbang niya hanggang marating naming ang hagdan kaya napakapit ako sa likuran niya natatakot kasi akong mahulog. Napagmasdan ko ang malaking bulwagan ng Villa no Remus maraming mga kalalakihan at kababaihan ang iba nakasuot na parang katulong habang ang iba nakasuot na parang nagbibigay ng @liw sa mga kalalakihan.

Sige lang ang lakad ni Remus sa mahabang pasilyo na puro pinto muli na naman kaming umakyat ng hagdan huminto siya ng marating namin ang dulo saka niya binuksan ang pinto.

Maingat akong binaba ni Remus nang makapasok na kami kumpara kanina halos walang tao sa bahaging ito ng Villa pero ang laki ng lugar at merong naglalakihang mga sofa mukhang mamahalin pa ata ang lahat ng narito sa loob.

RemusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon