KABANATA 3

80 6 2
                                    

Caridad’s POV

Niligpit ko ang mga pinagkainan ko ganon din ang mga nagamit ni Remus habang nagluluto ng matapos ko nang hugasan lahat ay saka ako nagtungo sa couch kung saan nakalapag ang mga pinamili niya para sa akin sinilip ko ang laman ng bawat paper bag.

“Siguradong bagay sayo lahat yan. Pwede mong labhan iyan merong washing machine sa laundry room pero ready to wear naman yan.”

Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla siyang magsalita.

“Nagulat ba kita?”

“M-medyo.”

Tumango siya.  “Masanay ka ng bigla na lamang akong sumusulpot kaya nga tinawag akong Payaso. Ah oo nga pala diba pinsan mo si Larry Rason?”

Hindi ako nakasagot nanatiling nakatitig lamang ako sa kanyang ano naman kanyang balak niya sa pagkakataong ito.

Tumawa si Remus saka niya hinubad ang suot ng coat jacket at black long sleeves napaatras ako ng humakbang siya palalapit sa akin saka niya nilapag sa couch ang pinaghibaran niyang damit.  “Pakisama na rin kung sakaling maglalaba ka ngayon medyo busy pa ako sa pagkuskos ng carpet alamo na masyadong makapit ang dugo ng lokong ‘yon.”

“H-hindi ko siya pinapasok b-bigla na lang niyang nabuksan ang p-pinto.”  Saad ko.

Matagal kaming nagkatitigan ni Remus pakiramdam ko binabasa niya ang isipan ko saka siya ngumisi.  “Alam ko, nasa akin ang susi kaya hindi yan mabubuksan hanggat hindi ko sinususian mga kriminal kami lahat dito sa lugar na ito kaya alam namin kung paano magbukas ng simpleng mga kandado para makuha ang pakay namin kaso minalas lang siya dahil pagmamay-ari kita at ang kay Remus ay kay Remus lang walang pwedeng humawak kundi ako lang.”

Napalunok laway ako sa tinuran nito.  “A-ano namang kinalaman ni Kuya Larry sa pinag-uusapan natin k-kasi bigala mo siyang nabanggit kanina.”

Naningkit ang mga mata nito sabay tawa.  “Wala naman para hinahanap ka lang niya kaso andito ka sa lugar na walang ibang nakakaalam kundi kami-kami lang.”

Nakakatakot si Remus para siyang nababaliw kung matawa na sasabayan pa niya ng mababang boses na animo'y mandaragit sa dilim. Tumalikod habang sige pa rin ang tawa napako ang tingin ko sa nag-iisang tatoo niya sa katawan na nasa kanang bahagi ng balikat niya isa yong krus na sinlaki lang halos ng kamay ko na bigla ako ng muli siyang pumihit paharap sa akin naroon pa rin ang nakakatakot niyang ngiti.

“Wag kang magkakamaling tumakas dahil alam ko kung saan nakatira ang Tiyahin mo at mga Pinsan mo hmmm baka magimbal ang buong bansa kapag nabalita na may isang pamilya ang tinadtad pero syempre ititira ko ang mga ulo nila para recognizable pa rin sila diba. Kaya kong gawin yon kaya mag-isip ka muna bago ka tumakas okay kasi kahit saan lupalop ka pa ng Mundo magtago sinisigurado ko sayo na kaya kitang hanapin.”

Nanginig ang mga tuhod ko sa sinabi nito kaya paupo akong bumagsak sa malambot na couch.  “T-tinatakot mo ba ako?”

“Wala sa bukabolaryo ko ang manakot ng tao dahil pumapatay lang naman ako. Gusto mo ba akong subukan? O di tumakas ka para malaman mo kung sino si Remus Silva.”

Hindi na ako sumagot lalong hindi ako umiyak sa harapan niya sisiguraduhin kong makakatakas ako dito at isusumbong ko siya kay Kuya Larry!aging na Agent ang Pinsan ko kaya siguradong mako-corner niya ang hambog na si Remus.

Kakanta-kanta pa ito ng maglakad pabalik sa kwarto para tapusin ang paglilinis mukhang maraming dugo ang nawala sa lalaking yon talagang nahirapan muna siya bago siya tuluyang bawian ng buhay. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit ko paring mahawakan ang mga damit na lalabhan ko ganon din ang kay Remus saka ako nagmadaling nagtungo sa laundry room para labhan ang mga ito.

Malaki ang laundry room para itong terrace ang kaibahan lang ay silyado ang mga grills na nakaharang sa pakigid nito para siguro hindi ako makatakas o baka meron na siyang ibang dinala dito na gaya ko kaya merong ganitong harang dito. Inuna kong labhan ang damit ni Remus kulay itim iyon kaya hindi halata ang mga dumi pinuno ko ng tubig ang malaking planggana saka ko nilublob ang coat jacket at long sleeves ganin na lang ang kaba ko ng nagkulay pula ang tubig ng asul na planggana kaya pala malansa tingin ko ito yung dugo ng lalaki kanina o baka meron siyang pinatay bukod sa lalaking yon kaya ganito ang kulay nito. Lalong nanginig ang mga kamay ko habang binabanlawan ang damit ng lalaking yon tinapon ko ang tubig at agad akong naglagay ng powder na sabon hinayaan kong tumulo ang tubig sa malaking lababo na kasya ang gamit kong planggana kahit gusto kong umupo ay hindi ko magawa baka kasi hindi ko matapos ang paglalaba ko sige ang tulo ng mga luha ko habang kinukusot ang mga damit ni Remus. Talagang natatakot na ako sa kanya.

Tinapos ko ang paglalaba saka ko drinayer lahat para magamit ko kaagad gusto ko na rin kasing maglinis ng katawan ko. Kinuha ko isa-isa sa loob ng dryer ang mga damit saka ko itinupi ng maayos ganon na din ang damit ni Remus, nilagay ko isa-isa sa loob ng paper bag niligpit ko lahat ng nagamit ko saka ako naglakad pabalik ng sala naroon na si Remus pero hindi siya nag-iisa dahil merong Babaeng nakakandong sa kanya at sa ayos nito mukha siyang sumasayaw sa club.

Hanito ang halikan nila ng mapansin ako ng Babae agad na tumaas ang kilay nito.

“May katulong ka na pala sa Villa mo Remus?”

Tumawa muna ito bago ako nilingon saka nagpunas ng bibig sabay tayonkaya nalaglag ang Babaeng nakakandong sa kanya pasalamat siya at merong carpet ang binagsakan niya.

“Remus naman!”  Tili nito pero nagpatuloy lang sa paghakbang si Remus hanggang makalapit sa akin.

“Nilabhan mo na pala lahat.” Nakangiti niyang turan.

Isang tango lamang ang kaya kong isagot talagang natatakot ako sa kanya napaiwas pa ako ng tumaas ang kamay niya saka hinagod ang buhok ko.

“Malinis na sa kwarto natin maligo ka na at magpahinga may gagawin lang ako.”

“Remus! Bakit mo ako nilaglag at sino ang Babaeng yan!” Talak nito.

“Ummm pampalipas oras ko lang ang isang ‘yan wag kang magselos ayokong pwersahin ka uli halata namang natatakot ka na sa akin e. Wag mo na akong antayin matulog ka na lang.”. Sabay halik niya sa noo ko saka sota tumalikod at naglakad sa pintuan habang iika-ika namang humabol sa kanya ang Babae.

Biglang tumulo ang mga luha ko pero wala naman akong magawa tanging si Kuya Larry na lang ang pag-asa ko at sana malaman niyang andito lang ako tinago ni Remus, dito sa lugar na ngayon ko pa lamang narating.

RemusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon