Caridad’s POV
Umalis din si Remus paghatid sa akin pabalik sa Villa kagabi nagbilin siya sa mga tauhan niya na bantayan akong maigi dahil kapag nakatakas daw ako talagang maghihiwalay ang ulo nila sa katawan. Napakarahas talaga niya magsalita bagay sa pangalan niya. Hay naku makapag hilamos na nga para makapag luto na ako ng almusal ko.
Inayos ko ang mga unan at kumot na nagamit ko saka ako nagtungo sa banyo para maghilamos.
Palabas na ako ng banyo ng may kumatok sa pinto. Matagal ko iyong tinitigan dahil imposibleng si Remus iyon meron naman kasi siyang susi at kabilin-bilinan niya sa akin na mag lock ng pinto dahil puro Lalaki ang kasama ko dito bukod sa iilan na Babaeng kasambahay nila.
Muling kumatok ang kung sino.
Pagbubuksan ko ba o hindi?
“Caridad, si Jeth ito pinasusundo ka ni Supremo,” saad ng nito.
“Pinasusundo ako ni Supremo?”
“Oo.”
“B-bakit? Saka diba sabi ni Remus bawal akong lumabas ng bakuran niya dahil maghihiwalay nga ang mga ulo nyo sa katawan nyo diba,” kabadong paalala ko saka nakapagtataka na pinasusundo ako ni Supremo e hindi naman kami closed maliban na lang kung alam niyang pinsan ako ni Agent Larry Rason, hala baka nga nalaman niya pero tiyak ko naman na hindi ako ilalaglag ni Remus kaso siya ang Boss nila Remus meaning mas makapangyarihan ang salita niya kesa sa Payaso.
“Si Supremo ang nag-utos kaya walang pwedeng tumanggi maliban kay Boss kaso wala siya dito kaya wala kaming bosesasyadong mataas si Supremo para balewalain lang sana naman naiintindihan mo ako.”
Napalunok-laway ako dahil ayokong sundin ang gusto ni Supremo isa pa hindi naman ako sakop ng superiority niya. Si Remus ang nagdala sa akin dito kaya sa kanya lang ako susunod.
“Paano kung ayaw ko sundin si Supremo?”
Bumuntong hininga si Jeth saka tumawa. “Maaga kaming paglalam@yan yun lang naman ang kahihinatnan namin lalo at wala si Boss dito—.”
“E nasaan ba kasi ang Remus na iyon ha?! Ayoko pumunta sa Supremo na iyon hindi ko naman siya kilala at hindi kami closed baka kung ano pang gawin niya sa akin sa oras na pumayag ako sa gusto niya,” protesta ko.
“Nasa misyon si Boss talagang sinakto ni Supremo na wala si Boss o talagang planado na niya. Wag kang mag-alala dahil hindi kita iiwanan na mag-isa sa teritoryo niya, binilin ka sa amin ni Boss at bilang pang-apat na mataas sa grupo tungkulin kong ipagtanggol ka kahit hindi ako lasing galing ni Boss at ni Chacha at Boggs kaya naman kitang protektahan. Hindi kami naging tauhan ni Boss para lang sa wala.”
Ramdam kong sincere siya sa mga sinabi niya kaya binuksan ko ang pinto.
Nakangiting mukha ni Jeth ang bumungad sa akin gwapo rin siya gaya ni Remus walang itulak kabigin sa kanila para silang mga modelo sa tangkad kaso moreno silang lahat bilang lang ang maputi sa kanila.
“Akala ko hindi mo ako pagbubuksan.”
“Mag-a-almusal lang ako saka kailangan kong magpaalam kay Remus bago umalis.”
“Nag-chat na ako kay Boss at nag-iwan na rin ng voice message kaso mukhang busy pa sila sa misyon.” nakangiti man ay ramdam ko ang tensyon ng aura niya lalo at involve si Supremo.
“Ano ba ang misyon nila?”
Nawala ang ngiti ni Jeth sinulyapan niya ang relong pambisig niya saka niya sinagot ang tanong ko. “May pinaliligpit na Gobernador si Supremo na isa sa kasali ng Konseho dahil dinodobol crossed niya si Supremo gaya ni Mister Dela Faz at ang matindi pa sa kaso niya meron pala siyang tagapagmana at isa iyon sa naging misyon ni Boss ang hanapin ang batang Dela Faz.”
“Ibig bang sabihin nautakan si Remus? Akala ko va sabi niya mataba ang utak niya e naisahan naman pala.” sarkastikong turan ko.
“Hindi si Boss ang trumabaho kay Mister Dela Faz,” blangko ang ekspresyon nito habang nagsasalita. “Kundi ang grupo ng Blank Cards, kasama silang pinasabog ni Boss sa lumang Barko ganun din ang Batang Dela Faz.”
Para lamang akong nakikinig ng drama sa radyo para kasing napaka imposibleng mangyari sa totoong buhay ng mga kinukwento nya pero kung sakaling totoo man iyon nakakaawa naman ang batang Dela Faz na tinutukoy niya kahit wala soyang kaalam-alam sa kasalanan ng Ama niya nadamay pa rin siya sa pagsabog.
“Blank Cards?”
“Oo. Mga Taga ligpit din sila gaya ni Boss magagaling ang grupong iyon kaso malas lang nila dahil si Boss ang nakaharap nila sinira nila ang tiwala ni Supremo kaya kam@tay@n ang katumbas non.”
“T-talaga bang ganon kalupit si Supremo?”
Tumango si Jeth. “Oo. Nililigpit niya lahat ng tumuligsa sa pamumuno niya kahit kasapi pa ng Konseho ar si Boss ang nagsasagawa ng misyon.”
Naku lalo yatang nadagdagan ang kaba ko sa mga narinig ko kaso kung hindi ako pupunta baka magalit si Supremo at ayon kay Jeth si Remus lamang ang may lakas ng loob na tumanggi sa utos nito, kaso wala naman siya dito so ano ang gagawin ko.
“Kung ako sayo Caridad mag-almusal ka na hihintayin kita sa kotse.”
“W-wag mo akong iiwanan doon ha.”
Tumaas ang gilid ng labi niya. “Wag kang mag-alala nasa tabi mo lang ako.”
Saglit kong tinitigan si Jeth bago ako sapilitang tumango no choice naman ako kundi ang sumunod sa Supremo nila baka matsugi pa ako bigla sayang naman ang plano kong pagtakas.
Asan na ba kasi ang g@gong iyon!
***
Remus' POV
“Mukhang hindi maganda ang bungad ng chat. Sino ba yan? Chicks?” Tanong ni Chacha ng makapasok na kami sa Van.
“Si Jeth,” nagkikiskisan sa inis ang mga ngipin ko. “Sa Tagaytay tayo.”
“Huh? Hindi sa Villa?” takang tanong ni Boggs habang inii-start angakina ng Van.
“Nasa Ponti Residence si Caridad.”
Nagkasalubong ang tingin namin ni Boggs sa rearview mirror kaya alam kong ramdam niya ang galit ko. “Kursunada ni Supremo si Caridad dahil sa malaking pagkakahawig nila ng nasira niyang Asawa na si Doña Maria Ponti kahit si Marcus napansin ang bagay na iyon kahit isang beses pa lang silang nagkikita.”
Umayos ng upo si Chacha sa passengers seat saka niya inalis ang kulay puting tela na nagsisilbing maskara niya tuwing meron kaming misyon.
“Bakit may pakiramdam ako na sinadya ni Supremo ang misyon natin. Mababaw lang naman ang pagkakamali ng tinod@s nating Gobernador diba o naisip ko lang iyon. Kayo ba ano sa palagay nyo?”
“Hindi ako mapalagay, Chacha at kung magdadaldal ka pa tiyak kong may kalalagyan ka sa akin.”
Tumawa lang ito ganun din si Boggs na nakatuon sa kalsada ang pansin para iwas disgrasya.
“Masosorpresa nito si Supremo kapag bigla tayong sumulpot,” natatawang turan ni Boggs.
Muling tumunog ang cellphone ko. Si Jeth saka nag pop-up ang picture na pinadala niya.
Magkasamang nakaupo sa balkonahe si Supremo at si Caridad habang nagdo-drawing naman si Marcus.
Lalo lamang kumulo ang dugo ko sa paraan ng pagkakatitig ni Supremo kay Caridad. Alam ko king gaano kamahal ni Supremo ang nasira niyang Asawa kaya nga hindi na siya naghanap ng ibang Babae na papalit sa pwesto niya pero marami naman siyang par@usan at isa na doon si Stacey na kalaunan ay naging Girlfriend ni Chacha medyo awkward lang ang sitwasyon dahil ilang bese ko ring naik@ma si Stacey bago pa inamin ni Chacha na may nararamdaman siya para sa Babaeng iyon.
Ang pag-ibig nga naman kapag talagang tinamaan ka ng pana ni Kupido talagang pap@tay ka para lang mapanatiling sayo ang taong minababaliw@n mo at iyon ang gagawin ko. Pap@tay ako para may Caridad kahit si Supremo pa o ang Konseho.
Wag lang niyang hahawakan ang bagay na pagmamay-ari ko.
BINABASA MO ANG
Remus
RomantiekHindi ko napigilan ang sarili ng mahawakan ko ang pinsan ng pinakamahigpit kong kalaban. "Bitiwan mo ako!" Singhal nito. "Sorry pero akin ka ngayong gabi!" Marahas kong pinunit ang suot nitong uniform at naganap ang dapat mangyari. Isang mahinang...
