KABANATA 6

111 11 1
                                    

Remus POV

Nagkamalay ako sa matinding kirot at sakit  pakiramdam ko hinihiwa ang bawat himaymay ng kalamnan ko ngayon lang ako nagkaganito simula ng pasukin ko ang pagiging mamam@tay tao hindi pa ako nadadaplisan, bwis3t na Rason!

Napa ungol ako ng sinubukan kong gumalaw bigla kasing pumitik ang sugat ko dahilan para kumirot ito ng husto.

“Bwis3t!”  angil ko.

“Pare, buti at nagkamalay ka na.”

Nilingon ko ito.  “Boggs?”

Tumango siya sabay turo sa kung saan kaya sinundan ko ng tingin ang daliri nito.

“C-Caridad.”  mahimbing siyang nakahiga sa single couch malapit lang sa hinihigaan kong couch mukhang pagod na pagod siya pero anong ginagawa niya dito dapat andun siya sa taas ah! Nagtatakang nilingon ko muli si Boggs.

Ngumisi lang si Boggs bago humithit ng sigarilyo.  “Sino sa tingin mo ang gumamot sayo, Pare?”

Hindi ako umimik. Binalingan ko muli ng tingin si Caridad ang payapa kaso ng mukha niya habang tulog.

“Hindi ka naman kasi namin pwedeng dalhin sa Ospital kasi tiyak naman na inaabangan ka na dun ng mga alagad ng Cousin in-law mo kaya dito na lang sa Villa ka namin dineretso no kami ni Chacha kundi kunin sa lungga mo si Caridad ang galing nga niya eh napaka-professional niya nagawa niyang tanggalin sa tagiliran mo yung bumaon na bala saka kitang-kita ko ang pag-aalala niya sayo talagang namutla siya kasi duguan ka pero nakabawi din naman tapos ayun na nga ginamot ka nga niya saka may mga pinabili siya sa amin na mga gamot kaso yung iba kailangan ng reseta kaya ginamitan ko na ng koneksyon kailangan kasi eh.”

Tumango ako.  “Si Chacha?”

“Nagpunta sa Tagaytay kasi darating si Supremo nalaman niya ang nangyari sayo kaya uuwi agad siya ng Pinas mukhang natakot atang magtagal sa Italya alam kasi niya na kapag kumalat ang balita na mahina ka ngayon tagilid ang sitwasyon niya diba ikaw lang naman ang kinatatakutan ng Konseho kaya walang gustong kumalaban sa kanya dahil nasa kanya ang Payaso.”

“Pabayaan mo siya.”

Sabay kaming napalingon sa gawi ng malaking pinto ng bumukas iyon at pumasok ang taong ayaw kong makita.

“Speaking of the Devil, andito na nga si Supremo. Mukhang naninigurado soyang buhay ka pa.”

“Remus!!!”  kaway sa akin ni Marcus.

Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ni Caridad ng bigla itong bumangon at nagsisisigaw.  “ASAN ANG PASYENTE!”

Nagkatinginan kami ni Boggs mukhang nananaginip pa si Caridad kaso uminit ang ulo ko lalo ng makita ko ang suot niya naka suot lamang siya ng red lingerie dress at ang nipis non kaya kita ang underw@re niya.

“Caridad.”  tawag ko agad naman niya akong nilingon bahagya siyang ngumiti.

“Wow ang ganda niya kamukha siya ni Mama! Papa! Kamukha siya ni Mama!” untag ni Marcus.

Lint*k titig na titig si Supremo sa Babae ko ah! Maagap naman si Boggs at agad humarang kay Caridad habang si Chacha naman tinakbo ang kinatatayuan ng dalawa sabay pulot sa kumot na nahulog sa sahig para itakip sa katawan nito. Yari itong dalawang ito mamaya sa akin!

Umigting ang panga ni Supremo mukhang nalint*kan na talaga! Magiging kaagaw ko ba siya kay Caridad? Pwes magsusukatan kami sa oras na hawakan niya ang pag-aari ko.

“Chacha ihatid mo na si Caridad sa kwarto namin.”. sinadya kong lakasan ang boses ko para ipaalam kay Supremo na pag-aari ko na ang Babaeng tinititigan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RemusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon