KABANATA 7

53 3 0
                                        

Caridad’s POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo at heto pa rin ako sa teritoryo ni Remus mistulang ibon na nakakulong sa hawla ni hindi ko magawang makatakas sa dami ng bantay ko konting kibot ko lang maraming mata agad ang nakatingin sa akin.

Nakakabagot ni wala ako halos ginawa kundi ang tumunganga lang dito sa third floor ng Villa ni Remus ni hindi mo akalain na ganito pala siya kayaman mukhang big time hir3d kill3r siya. Hindi ako pwedeng manatili dito sa lugar na ito kailangan kong ipaalam kay Kuya Larry ang lugar na ito para mahuli siya at makulong kaso paano nga.

Pinatay ko ang tv lalo lang akong nababagot sa pinapanood kong movie puro lang kasi landian ang mga bida. Tumayo ako saka ako humakbang palapit sa pinto hindi na ako kinakandado ni Remus tiwala kaso siya na hindi ako makakatakas. Pinihit ko ang doorknob saka ako lumabas ng kwarto malawak ang kabuuan ng third floor at tahimik ang paligid. Naglakad ako palapit ng hagdan. Himala parang wala yatang tao sa baba o baka patibong lang ito ni Remus baka gusto niyang subukan kung tatakas ako o hindi, plano ko talagang tumakas pero hindi pa sa ngayon ni hindi ko pa nga nahahanap ang daan kung paano makakarating ng gate sa lawak ng bakuran niya puro naglalakihang puno at mga halaman lang ang natatanaw ko.

“Nag-umpisa na ba?”

“Oo, tara panoorin natin malaki ang pusta ng kalaban tiyak na dagdag na naman ang yaman ni Boss kapag nanalo siya.”

“Kay Boss ako pupusta. Ikaw?”

“Syempre kay Boss Remus din ang pusta ko.”

Pusta? Ibig sabihin merong nagaganap na laban kaso saan naman kaya saka sino kayang kalaban ni Remus baka pwede akong humingi ng tulong sa kanila para makatakas ako dito sa lugar na ito. Tama. Hihingi ako ng tulong sa kanila, kung kaya niyang labanan si Remus ibig sabihin bigatin din siya.

Tahimik kong sinundan ang dalawang lalaki alam ko naman na may mga matang nakatingin sa akin dahil tiyak na sandamakmak ang mga CCTV sa loob at labas ng Villa ni Remus.

Malayo na ang nalalakad ko kakabuntot sa dalawang tauhan ni Remus, natanawan ko ang malaking warehouse mukhang luma na iyon gaya ng mga napapanood ko sa tv. Sumabay lang ako sa paglalakad ng dalawang sinusundan ko hanggang makapasok ako sa loob buti at hindi nila hinahanapan ng ID ang mga pumapasok para manood ng laban ang ingay ng paligid kanya-kanya silang sigaw wala akong makita sa tangkad ng mga nasa harapan ko hindi rin naman ako makasingit para makapunta sa harapan talagang siksikan sila kaya umatras ako para muling humanap ng pwede kong lusutan.

“Patumbahin mo na ‘yan!” sigaw ng karamihan sa mga nanonood.

“Sige pa padug*in mo pa ang mukha ng isang ‘yan!”

Nakakatakot naman ang mga ito napaka brutal naman nila. Abala ako sa paghahanap ng pwede kong lusutan ng mabangga ako sa kung sino. Alerto akong lumayo sa lalaking nabangga ko.

“Bakit nandito ka? Magagalit si Rem—.”

“Chacha ikaw lang pala akala ko na kung sinong unggoy ang nabangga ko kamuntik pa akong atakihin sa puso!” Sigaw ko na halos hindi ko marinig sa lakas ng mga hiyawan ng mga tao sa loob ng Warehouse mukhang meron na yatang nanalo.

“Wow ang gwapong unggoy ko naman. Teka bakit ka nandito? Bawal ka dito—.”

“Tatakas ako kaya hinahanap ko ang kalaban ng Remus na iyon para sabihin kong bugbugin niya ang unggoy na iyon tapos sasama ako sa kanila paalis sa lugar na ito!”

Nabigla si Chacha sabay tawa ng malakas.

“Anong nakakatawa?”

“Wala. Halika sumama ka sa akin doon tayo.” hila nito sa kamay ko.

RemusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon