Tinalo ko pa si Kuya Lawrence sa pagtakbo sa tuwing hinahabol kami ng palo ni Kuya Larry dahil sa kakulitan namin dalawa kaso sa sitwasyon ko ngayon hindi si Kuya Larry ang humahabol sa akin kundi si Remus! Pagkamalas ko nga naman bakit ba naman kasi naisipan kong ibato ang tsinelas ko ang sakit sa paa ng mga bato na natapakan ko kaso bawal huminto.
“Caridad! Kahit anong bilis mong tumakbo sa ilalim ko pa rin ang bagsak mo. Lalo mo lang akong ginigigil kaya sa oras na mahawakan kita pasensyahan na lang tayo!” sigaw ng g@go.
Ang lawak naman ng nasasakupan ng lupain ng sir@ulong ito hindi ko makita ang gate kung nasaan. Pumasok ako sa kakahuyan tiyak na mahihirapan siyang makita ako nilingon ko pa ang likuran ko para maka sigurado kung nasundan ba niya ako o hindi. Napangiti ako ng hindi ko naaninag ang bulto ni Remus napagod na ata ang g@go—.
Una ang pwet ko sa pagbagsak sa madamong bahagi ng kakahuyan napapikit pa ako sa sakit ng balakang ko ang t@nga ko hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
“A-araaay…” daing ko habang hinahaplos-haplos ang tagiliran ko pababa sa pwet ko mukhang nabalian yata ako ng buto.
“Huli ka balbon.”
Nanlaki ang mga mata ko kilala ko ang boses na iyon pero imposible naman na nasa harap ko siya ano yun magic. Hindi ako kumibo kailangan maka isip ako ng paraan para hindi niya ako magalaw at hindi niya magawa sa akin ang bagay na ayoko ng maulit pa!
“Why are you running huh?”
Wow inienglish pa ako ng g@gong ito ah!
“Hey kinakausap kita kaya dapat sumagot ka diba baka nakakalimutan mo na sinapol mo ako ng tsinelas mo ang lakas din naman ng loob mong gawin iyon sa harap ng mga tauhan ko. Alam mo bang wala pang gumawa ng ganon sa akin dahil alam nilang—.”
“A-ang sakit ng balakang ko…” putol ko sa pagsasalita niya na mukhang umepekto naman.
“F*ck! Saan ang masakit?” agad siyang lumuhod sa harapan ko saka ako inalalayan kaya sinamantala ko na ang pagkakataon kinuha ko ang natitira kong tsinelas saka ko iyon sinampal sa pisngi niya. “F*ck!”
Naku mukhang na galit kailangan umisip ulit ng palusot.
Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa mga mata niya sana naman umepekto ulit. “K-kasalanan mo ito lahat talagang gustong-gusto mong nasasaktan ako. Bakit ano bang ginawa ko sayo ha diba ginamot kita noong nag-aagaw buhay ka tapos ako sasaktan mo lang ganyan ka ba talaga kapag may gusto kang babae ha!”
Bahala na kung kagatin niya ang drama ko pero sana naman umobra nakakatakot na kaso ang aura niya mukhang hindi siya sanay na natatamaan ng tsinelas sa mukha.
“Wow ikaw itong bumangga sa akin diba tapos ako ang masama, saka sino ba naman kasing nagsabi sayo na tumakbo ka ha dapat ako ang magalit dahil pinahiya mo ako sa harap lang naman ng mga tauhan ko ano na lang ang sasabihin nila sa akin ha na under ako—.”
“O di pakawalan mo ako!” Tili ko.
Ngumisi si Remus. “Ayoko nga ang hirap mong dukutin tapos pakakawalan lang kita basta-basta saka akin ka na nga diba meaning bibigyan mo ako ng Anak at magkakaroon tayo ng masayang pamilya—.”
Hindi niya natapos ang sasabihin ng muli ko siyang hampasin ng hawak kong tsinelas.
“Ano ba Caridad kanina ka pa ha!” marahas niyang hinuli ang kamay ko saka kinuha ang tsinelas at binato sa kung saan. “Pasalamat ka at mahal kita kaya hindi kita kayang saktan pero paungulin kayang-kaya ko kaso hindi naman ako ganon kal!b*g para gamitin ka kahit masakit ‘yang balakang mo. Ano takbo pa more?”
“Ewan ko sayo! Ayoko sayo! Hindi kita gusto!”
“Alam ko kaya nga dinukot kita diba. May sasabihin ka pa ba?”
“G@go ka!” inis kong sigaw.
“Ngayon mo lang nalaman?” talagang pinagmamalaki pa niya ha.
“Remus!” Tili ko ng bigla niya akong buhatin. “Ibaba mo ako!”
“Sabi mo masakit ang balakang mo diba ang gulo mo namang kausap.”
“Nakakainis ka na!”
“Bakit kaya mo bang maglakad?”
Natigilan ako sa tanong niyang iyon.
“O see silent means no.”
“Anong ‘no’ ka diyan. Yes ‘yon!”
Huminto siya sa paghakbang saka ako binaba sabay bitaw sa akin kaya natumba na naman ako sa damuhan. Napapikit ako sa sakit ng pagkakabagsak ko parang mas tumindi ang kirot ng balakang ko dahil sa giniwa niya.
Tinapunan ko siya ng nakamamatay na tingin.
“Sabi mo kasi silent means ‘yes’ kaya binaba kita tapos galit ka pa, ang gulo mo.”
Muling tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya na masayang nakangisi pa. Bw*sit talaga siya!
“A-ang sakit na lalo ng balakang ko… p-pakawalan mo na lang ako kung sasaktan mo rin lang pala ako ng ganito sabi mo mahal mo ako pero nasikmura mong saktan ako anong klaseng tao ka ha…” sige ang punas ko sa mukha ko talagang tumulo ang luha ko sa sakit pati uhog ko nakiisa na rin.
Muling lumuhod si Remus saka ako binuhat. “Sorry na. Ikaw naman kasi ang sungit mo nawawala ang tuloy ang image ko sa kasungitan mo next time wag mo akong binabato ng tsinelas kapag may ibang nakakakita. Payag naman akong saktan mo ako masgusto ko nga iyon cariño brut@l he he.”
Yuck ha talagang naisip niya ang bagay na iyon ano siya masukist@?
Narating namin ang Villa sa hiya ko tinakpan ko ang mukha ko hindi ko kayang tagalan ang tingin ng mga tauhan ni Remus idagdag mo pa sila Boggs at Chacha na naninigarilyo pa habang naglalaro ng billiards.
“Rem, napaano ang Reyna mo?”
Tumawa si Remus. “Hindi kinaya ng tuhod eh kaya kinalong ko na lang.”
Nagtawanan lahat kaya sobrang kahihiyan ang dinanas ko baka kung ano pa ang isipin nila sa sinabing iyon ng lalaking na ito.
Dumeretso sa third floor si Remus kung nasaan ang kwarto namin.
Maingat niya akong nilapag sa ibabaw ng malambot na kama. Napapikit ako ng muling kumirot ang balakang ko.
“Masakit pa rin ba?”
Tumango ako.
“Okay maliligo lang muna ako saka ko hihilutin yang balakang mo.”
“Salamat na lang kaya ko pa naman.”
Pinisil niya ang magkabila kong pisngi hindi naman masakit kaya hindi ko na tinabig ang kamay niya. “Mahal kita Caridad kaya hihilutin ko yang balakang mo mamaya kaso ligo muna ako para fresh.”
“Pakawalan mo na lang kasi ako.”
Bumitaw siya sa pisngi ko saka humakbang paatras para maghubad ng suot na damit. Ang kapal talaga ng mukha talagang sa mismong harapan ko pa siya ng hub@d! Mabilis kong kinuha ang unan para itakip sa mukha ko.
“In your dreams hanggat humihinga ako dito ka lang sa poder ko.”
“B@stos!”
Tumawa lang siya sunod kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo. Ano ng gagawin ko paano na ako tatakas nito kung ganito ako?
Sana mahanap ako ni Kuya Larry.
BINABASA MO ANG
Remus
RomanceHindi ko napigilan ang sarili ng mahawakan ko ang pinsan ng pinakamahigpit kong kalaban. "Bitiwan mo ako!" Singhal nito. "Sorry pero akin ka ngayong gabi!" Marahas kong pinunit ang suot nitong uniform at naganap ang dapat mangyari. Isang mahinang...
