KABANATA 13

21 3 1
                                        

Caridad’s POV

Nakakailang kasama si Supremo napaka tahimik lang niya habang nagkakape. Nilingon ko si Jeth na kampanteng nakatayo sa gilid ng balkonahe saka ako alanganing ngumiti, nakuha naman niya agad ang mensahe ko. Tumango lamang siya bilang sagot.

“Caridad maganda ba?” tanong ni Marcus habang nakangiting hawak ang mamahalin niyang sketch pad, nakakamangha ang talent niya ang galing niyang magdrawing.

“Oo ang ganda, magaling ka pa lang magdrawing.”

Parang batang tumango-tango si Marcus ang layo sa itsura niya ng kapasidad ng pag-iisip niya. Ano kayang nangyari sa kanya? Kadalasan kasi ang mga gaya niya ay meron trauma o depression na tinatakasan o maaari rin na ipinanganak na siyang merong espesyal na kalagayan sa pag-iisip.

Napaka inosente ng aura ni Marcus na kabaliktaran ng Papa niya, kulang na lang ay kainin ako ng buo kung makatitig sa akin. Nasaan na ba kasi ang Lalaking iyon gusto ko ng umuwi kumpara sa Villa niya mas okay na ako doon kesa dito na parang halos lahat ng kilos at galaw ko ay naka record.

“Oo namana ko kay Mama kahit itanong mo pa kay Papa saka alam mo Caridad magkamukha kayo ni Mama pareho talaga kayong maganda… alam mo ba na mahal na mahal ko si Mama,” masayang turan niya pero hindi ko ramdam na sincere siya sa pinapakita niyang ‘masayang aura’ mukhang may malalim na dahilan ang pagbabago ng mood niya.

“Enough, Marcus—.”

“No!” Nagulat ako ng biglang nagbeast mode itong si Marcus sabay hagis ng mga drawing materials niya sa sahig.

Agad na lumapit sa akin si Jeth para harangin ang mga bagay na hinahagis ni Marcus.

“Marcus! Enough!” Saway ni Supremo sa Anak.

“No! I said no! You killed her!” Paulit-ulit na sigaw ni Marcus habang walang tigil sa pagwawala ni walang naglakas loob na lumapit para pigilan siya kahit si Supremo hindi nag-abalang pakalmahin ang Anak mukhang hahayaan lang niya ito hanggang mapagod.

“Jeth,” bulong ko.

Nilingon niya ako habang sinasalag lahat ng binabato ni Marcus sa direksyon namin para protektahan ako.

“Mahabang kwento. Mabait naman siya medyo sinumpong lang—.”

“Marcus!” Tawag ng pamilyar ng boses mula sa likuran namin.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko bakit pakiramdam ko safe na ako.

Natigilan si Marcus saka sinipat ang bagong dating.

“Remus… si Mama pat@y na siya wala na akong Mama…” isa-isang nalaglag ang mga hawak niyang pencil color na ibabato pa sana niya mabuti na lamang at dumating si g@go.

Humakbang si Remus palapit saglit siyang tumigil sa kinatatayuan namin ni Jeth saka ako binigyan ng matalim na tingin. Hala siya talagang may ganong drama ang g@gong ito parang kasalanan ko talaga kung bakit ako andito ngayon ah!

“Jeth,”

“Boss?”

“Diba sinabihan ko kayong bawal lumabas ang Babaeng yan sa lungga ko,” hasik ni g@go sa mababang tono aba at nananakot pa yata well as if naman matatakot ako sa kanya, mukha niya!

“B-Boss kasi si Supremo—.”

Natigilan sa pagsasalita si Jeth ng bumaling si Remus kay Supremo.

“Hindi na parte ng Konseho si Caridad, Supremo.”

Ngumisi si Supremo kahit may edad na siya bakas pa rin sa postura niya kung gaano siya kakisig noong kabataan niya.

“Alam ko.”

“Bakit siya andito Supremo? Hindi siya dadalhin dito ng tauhan ko kung hindi mo inutos,” wow napaka seryoso ni Remus ah talaga bang kaya niyang kalabanin ang pinuno nila.

Bumuntong-hininga si Supremo saka ako tinapunan ng tingin.

“Akin lang si Caridad,” usal ni Remus binalingan siya ni Supremo sabay tawa.

“Remus. Remus Silva. Hinahamon mo ba ako?”

Hala naloko na kanina si Marcus lang ang nagwawala ngayon mukhang itong dalawang ito naman ngayon. Ano bang problema nila?

Naging alerto si Jeth saka niya hinugot sa tabiliran ang baril sabay kasa.

“J-Jeth?” nanginginig kong turan.

“Shhh andito na si Boss. Relax ka lang Caridad.”

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon lang ako naipit sa ganitong sitwasyon teka nga pinag-aagawan ba nila ako? Ang haba naman ng hair mo kung saka-sakaling ganun na nga.

“Hmp! Paano kung ‘oo’ ang sagot ko Supremo kakasa ka ba?”

Tumayo si Supremo saka marahang humakbang palapit sa amin. “Isang Babae lang si Caridad at gaya lang siya ng iba, walang espesyal sa kanya kundi ang pagiging magkahawig nila ni Maria. Tingin mo ba pag-aaksayahan ko siya ng oras ko.”

“Magandang na ang malinaw Supremo dahil hindi ako sanay na pinapakialaman ng ibang tao ang mga bagay na pag-aari ko kaya kong hiwain ang leeg mo sa oras hawakan mo si Caridad.”

Wow talaga bang ganito ako kahalaga sa kanya o baka naman obsessed lang siya sa akin kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon kay Supremo.

“Women are the greatest distraction of a man. Baka magising ka na lang isang araw na wala na siya sa tabi what I mean is what if she runaway from your sight. What would you do, Silva?” nanghahamong bigkas ni Supremo at nakipag titigan kay Remus.

Gumalaw ang panga ni Remus mukhang hindi niya nagustuhan ang narinig niya pero yun ang plano ko ang tumakas at lumayo sa paningin niya kaso buking na tiyak na hihigpitan ni g@go ang security system nila sa Villa ang daldal kasi ng Supremo na ito pati plano ko nabasa niya.

“Kapag nangyari iyon, ulo mo ang unang gugulong sa lupa, Supremo.”

“I like that, Silva.” Sabay tapik nito sa pisngi ni Remus bago kami lagpasan para lapitan si Marcus na nakatulala na sa kawalan.

“Seryoso ako Supremo kaya kong pumatay kung nasa gipit na sitwasyon na ako kaya pasensyahan na lang tayo.”

Hindi na sumagot si Supremo. Masuyo niyang niyakap ang Anak na wala ng imik. May sakit ba si Marcus o meron siyang pilit na tinatakasan?

Kapwa kami tahimik na naglakad palabas ng magargong mansyon ni Supremo. Sumakay ako sa Van na dala nila Remus ewan ko pero mas gusto kong nasa malapit lang siya nawawala kasi ang takot ko.

“May nangyari kaya siya nagkaganon.” Sambit ni Remus habang nabyahe na kami pabalik ng Villa

“Ha?”

“Si Marcus ang tinutukoy ko. Mabait siya wag lang sumpungin. Next time ayokong nasa labas ka ng bakuran ko. Maliwanag ba, Caridad?”

“Natakot lang si Jeth.”

“Wala ng next time. Ang sinabi ko lang ang batas na susundin mo Caridad.”

“Rem wag mong tinatakot si Caridad baka nerbyosin yan, ikaw din tiyak magpa-panix ka niyan.”

“Basta ako lang ang susundin mo, Caridad dahil nasa ilalim ka ng pangangalaga ko dahil ikaw ang magbibigay sa akin ng mga cute na version ko.”

Ano raw? Cute na version?

Ewan!

Hindi na ako sumagot. Mamaya pagdating namin sa Villa magbibisi-bisihan na lang ako para iwas sa Lalaking ito. Hmp!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RemusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon