Caridad’s POV
“We’re here,” sambit ni Remus bago niya tanggalin ang blindfold sa mata ko.
Marahan akong dumilat saka ko pinikit-pikit ang mga mata ko para makapag-adjust sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintana ng sasakyan.
“Stay close, don’t try to run,” dagdag pa niya.
Kontodo simangot ako ng lumabas mula sa sasakyan paano ang higpit ng hawak ni Remus sa kamay ko akala mo naman talagang tatakbuhan ko siya, asus mamaya ko pa gagawin ‘yon kapag nakahanap na ako ng magandang tyempo tingnan ko lang kung maabutan niya ako sa ganito karaming tao.
Excited na ako sa plano ko! Ilang minuto na lang at malaya na ulit ako!
“Mukhang malalim ata ang iniisip mo,”
Aba ang lakas ng pakiramdam ng isang ito ah dapat umkto lang ako ng normal para hindi halata.
“Ahm a-ang dami kasing tao saka ang lakas ng tugtog abot hanggang dito sa labas,” pagkukunwari ko.
“First time mo ba sa ganitong lugar, Caridad?” Nakangiting tanong ni Boggs.
“Oo. Ang ingay pala talaga ng music nila noh,” pangangatawanan ko na itong tang@-tang@han ko kahit ang totoo ilang beses na rin akong nakapasok sa ganito lugar hindi nga lang ganito kasosyal ang mga pinupuntahan namin ni Kuya Larry sa tuwing meron akong nirereto sa kanya na kaibigan at kakilala ko may pagkakuripot kasi si Kuya kaya sa mga mumurahing Disco bar niya dinadala ang mga ka-eyeball niya tapos ako ang chaperone nila hay naku nakakaboring samahan si Kuya Larry parang walang ganang magkaroon ng Gf o baka Bf ang hanap niya.
“Talaga first time mo ? Wow tiyak mag-e-enjoy ka sa loob tara bilis nauna na tayo.” hatak ni Chacha sa kanang kamay ko kaya nabitawan ako ni Remus.
Success nakalayo rin ako kay g@go.
“Hoy Chacha wag mong lubayan ng tingin iyan baka biglang gumamit yan ng teleportation technique, sinasabi ko sayo ngayon pa lang talagang puputulin ko ang paa mo!” pahabol na sigaw ni Remus habang patuloy lang sa paghakbang si Chacha habang hatak ako.
Palagay ang loob ko sa kanya dahil lagi silang kasama ni Remus sa tuwing dinadalaw niya ako sa Ospital kung saan ako nagtatrabaho dati madalas ko rin siyang kausap may pagka madaldal din kasi siya kaya talagang madaling kagaanan ng loob.
Umakyat kami sa second floor mas malawak sa taas at mas sosyalin ang mga taong narito kesa sa mga taong nasa baba nagsisiksikan sa pagsasayaw.
“VIP lounge ito kaya hindi ka masisiksik dito. Doon tayo sa banda roon pinareserve talaga yan ni Rem para daw sa first date nyo bilang mag-jowa.” Nilingon niya ako. “Ang romantic ng kaibigan ko noh, sayo lang siya ganyan kasi talagang tinamaan siya sayo. O andyan na pala ang Knight in shining armor mo, alam mo Caridad subukan mong kilalanin si Remus panigurado akong mamahalin mo rin siya.”
Mamahalin ko siya? Kung sakaling hindi ko pa alam ang pambababae niya baka sakaling ‘oo’ kaso nakita ko mismo ng dalawa kong mga mata kung gaano karaming babae ang dinadala niya sa Mot3l tapos nabuking ko pa na isa siyang K!ll3r none other than the enigmatic ‘Payaso’ ni Supremo.
Nawala ang maamong ngiti ni Chacha ng marahan akong umiling.
“Bakit hindi mo siya subukan. Ngayon ko lang nakitang ganito si Rem pagdating sa Babae ang totoo ikaw pa lang ang binahay niya.”
“Dahil lahat ng ayaw ko sa isang Lalaki nasa kanya.”
“Ganun ba,” tanging sagot ni Chacha.
“Mukhang may pinag-uusapan kayong dalawa ah,” sabay akbay nito sa balikat ko kahit ayaw ko ay no choice dahil dapat stick to pabebe epek ang drama ko ngayon para sa plano ko.
BINABASA MO ANG
Remus
RomanceHindi ko napigilan ang sarili ng mahawakan ko ang pinsan ng pinakamahigpit kong kalaban. "Bitiwan mo ako!" Singhal nito. "Sorry pero akin ka ngayong gabi!" Marahas kong pinunit ang suot nitong uniform at naganap ang dapat mangyari. Isang mahinang...
