Caridad’s POV
Nagising ako ng biglang may nagbreak saka nagkagulo ang mga tao inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko sabay takbo ko sa bintana ng kwarto para silipin kung bakit nagkakagulo sa labas may napansin akong truck may mga pumasok ng mga lalaking naka suot ng itim ng damit pagbaba nila buhat na nila si Remus sa tingin ko wala siyang malay tao laglag ang mga kamay niya at mukhang duguan pa ata!
Nagmamadali nilang pinasok sa loob ng Villa si Remus. Napahinto ako kung sakaling mam@tay siya mas maganda dahil makakalaya na ako ang kaso narito ako sa teritoryo niya at paniguradong lahat sila ay mga kriminal na halang ang bituka. Ano ng gagawin ko? Kailangang makatakas ako ngayon kaso paano naman!
Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang kalabog ng pintuan magtatago na sana ako ng magsalita ang taong pumasok sa balwarte ni Remus.
“Caridad! Asan ka?” sigaw nito.
Agad akong sumilip sa labas ng pinto ng kwarto nabungaran ko si Chacha na nakatayo sa Sala akala ko kung sino na kaya nakahinga ako ng maluwag agad siyang tumakbo sa direksyon ko saka ako hinila.
“K-kailangan ni Remus ng tulong mo!”
Halos madapa ako sa bilis ng lakad ni Chacha pababa ng palapag na pinagkulungan sa akin ng kaibigan niya. Natanawan ko ang si Remus ng nasa hagdan na kami namumutla na siya habang nakapalibot naman ang mga tauhan niya na mukhang hindi alam ang gagawin.
“Magsi-tabi kayo!”. sigaw ni Chacha kaya nahawi ang mga nakaharang sa daraanan namin.
Napigil ko ang hininga ko ng makita ko ng harapan ang itsura ni Remus may tama siya sa tagiliran bumubulwak mula roon ang dugo niya kahit na may takip itong tela.
“A-anong nangyari?”
“Nabaril siya, Caridad at hindi namin siya pwedeng dalhin sa Ospital dahil siguradong naitimbre na ni Rason ang tungkol sa Payaso.” sagot ni Boggs.
Si Kuya? Nakasagupa ni Remus si Kuya? Mataman kong tunitigan ang maputlang mukha nito— tama lang sigurong malagutan na siya ng hininga dahil sa ginawa niya sa akin at sa mga taong pinatay niya ng walang kalaban-laban.
“Hindi niya pinatulan si Rason kahit kaya niyang itumba ang lalaking yon gamit lamang ang mga kamay niya dahil sayo.” mahinang bigkas ni Chacha.
Takang napatitig ako sa kanya.
“Dahil magkadugo kayo at ayaw niyang umiyak ka kaya sa unang pagkakataon tinakbuhan niya ang kalaban niya alam mo ba kung gaano yun kahirap para sa kanya bilang isang Payaso na kinatatakutan ng lahat— hindi naman masamang tao si Remus subukan mo man lang siyang kilalanin. Pumap@tay nga kami pero mga salot sa lipunan ang tinitira namin kapalit ng pera.” mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Chacha. Muli kong binaling kay Remus ang pansin ko saka ako lumuhod sa gilid ng couch na hinihigaan niya. Inalis ko ang nakatakip na tela para masuri ang sugat niya.
Kailangang maging mahinahon ako sige tutal hindi niya ginalaw si Kuya kaya abswelto sa langit ang kaluluwa niya.
“Kailangan ko ng mainit na tubig at malinis na tela, Betadine, Forceps bilisan nyo magsi kilos na kayo!” utos ko.
“Okay! Ako ng bahala sa mainit na tubig ilalagay ba sa planggana.” sigaw ng isa sa mga naroon
“Oo please pakibilisan na lang!”
“Meron kaming first aid kit p-pero parang wala ata kaming Forceps, ano ba yun?”. pahabol ni Boggs.
Inayos ko ang telang nakatakip sa sugat ni Remus ng muling tumulo mula roon ang dugo niya kung magpapatuloy pa ito tiyak na matutuluyan siya.
“Pliers o kaya yung Needle nose pliers para makuha ko yung nakabaon na bala sa tagiliran niya para huminto na ang pagdurugonng sugat niya! Kumilos na kayo at alanganin na si Remus!”
“Ako ng bahala sa Pliers! May Long nose ako sa tool box ng kotseng gamit ko kukunin ko lang!” dali-daling tumakbo si Chacha palabas ng Villa.
“Kukuha na ako ng malinis na tela at yung first aid kit.” si Boggs.
“Yung iba magbantay sa labas hindi pwedeng ipaalam sa iba na sugatan ngayon ang Payaso maliwanag ba!” bilin nito sa mga tauhan na agad na nag silabas para magbantay kung may dumating man na kalaban.
“Tabi kayo at mainit ito!”. pinatong nito sa ibabaw ng malapad ng center table ang hawak na planggana saka pikit mata kong nilublob ko doon ang kamay ko para madisinfect.
“M-mainit yan! Bagong kulo pa yan Miss.”. may pag-aalalang saad nito.
“Ayos lang ako sanay na parte po ng trabaho ko ito bilang Nurse.”
Sabay na dumating si Boggs at Chacha.
“Heto na ang mga tela at ang kit!”
“Ito lang ang Long nose pliers ko Caridad.”
Tumango ako kinuha ko ang pliers sa kamay ni Chacha at nilublob iyon sa mainit na tubig. Kinuha ko naman ang malinis na tela at pinalit iyon sa gamit na tela saka ko kinuha mula sa planggana ang pliers at tinuyo iyon bago ko nilagyan ng alcohol para siguradong walang mikrobyo.
“Dudukutin ko ang bala kung pwede pakihawakan si Remus at pakihanda na rin ng Betadine.”
Ginawa ng mga ito ang sinabi ko. Huminga muna ako ng malalim saka ko unti-unting pinasok sa sugat ni Remus ang hawak kong pliers. Umigtag si Remus mabuti na lamang at hawak siya nila siya ni Chacha at Boggs. Hindi ko pa nakakapa ang bala kaya nagpatuloy ako. Muling gumalaw si Remus.
“Konting tiis na lang.” sakto nakapa ng dulo ng pliers na hawak ko ang bala agad ko iyong inipit at sinuguradong hindi iyon dudulas. “Nakuha ko na!”
Nagpalakpakan ang ibang nakapaligid sa amin. Nilabas ko ang bala mula sa katawan ni Remus kasabay non ang pagbulwak ng dugo hinayaan ko muna iyong umagos para makalabas ang mga napundong dugo para iwas inpeksyon. Agad kong nilapag sa sahig ang pliers na hawak ko saka ko pinunasan ng panibagong tela ang sugat no Remus nakailang punas pa ako bago ko iyon lagyan ng Betadine marami naman silang stock nito kaya inubos ko ang laman nito para huminto ang pagdurugo.
Talagang pinagpawisan ako ng malapot non ah! Pasulampak akong napaupo sa marmol na sahig nawala sa isip ko na nakasuot nga lang pala ako ng manipis na bestidang pantulog no choice dahil lahat puro ganito ang binili ni Remus.
“K-kumusta na siya?” kabadong tanong ni Boggs.
“Okay na siya.”
“Salamat, Caridad!”. nayakap ako ni Chacha sa sobrang tuwa kaya nabatukan siya ni Boggs sabay tawa nilang lahat.
“Kami ng ang maglilinis ng mga kalat.”. presinta ng isa sa kanila kaya tumabgo ako.
“Boggs kailangan ko pa ng First aid kit ha saka kung may benda mas maganda yon para hindi na tayo punit ng punit ng tela sayang din kasi.”
“Noted. Ummm salamat uli pwede ka ng magpahinga sa kawrto kami ng bahalang magbantay kay Remus.”
Umiling ako. “Dito na lang siguro ako matutulog para incase na biglang kailanganin nyo ako hindi na ako tatakbo mula third floor hanggang dito baka madapa pa ako sa hagdan ang taas pa naman.”
Natawa si Boggs.
Pumuwesto na ako sa single couch malambot ang kutson nito at komportable sa katawan kung tutuusin malaking ito para maging single kaya huminga ako patagilid ng mabigyan na ako ni Chacha ng kumot.
“Sige pahinga ka na muna Caridad, dito rin lang muna kami ni Boggs magbabantay din.”
“Sige. Basta gisingin nyo na lang ako sakaling may mangyari ha.”
“Noted.”. parehong turan nilang dalawa.
Binalot ko na ang kumot sa katawan ko saka ko sinulyapan si Remus mukhang naubos ang lakas niya dahil sa sugat na tinamo niya mula kay Kuya. Totoo kaya ang sinabi ni Chacha mabuting tao naman daw si Remus? Hindi ko na napigilan ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko hanggang nahulog ako sa malalim na pagtulog.
BINABASA MO ANG
Remus
RomanceHindi ko napigilan ang sarili ng mahawakan ko ang pinsan ng pinakamahigpit kong kalaban. "Bitiwan mo ako!" Singhal nito. "Sorry pero akin ka ngayong gabi!" Marahas kong pinunit ang suot nitong uniform at naganap ang dapat mangyari. Isang mahinang...