Caridad’s POV
Hinilot nga ni Remus ang balakang ko akala ko gagawa na naman siya ng kababalaghan buti na lang at nasapian siya ng katinuan tahimik lang siya habang sige ang hagod.
“Lalabas kami ngayon nila Boggs at Chacha. Gusto mo bang sumama?”
Napisil ko ng mahigpit ang unan na yakap ko habang nakadapa sa ibabaw ng kama. Ito na ang pagkakataon ko para makatakas kailangang planuhin kong mabuti ang kilos ko at kailangang isipin nitong lalaking ito na hindi ako gagawa ng bagay na salungat sa kanya.
Tama!
Umungol ako bilang parte ng best actress acting ko para lang makuha ang atensyon niya.
Lihim akong natawa ng mahina siyang napamura mukhang tinablan ang g@go.
“M-may masakit pa ba?”
Umiling ako saka ko siya nilingon yung tipong nang-aakit lang para mas convincing. “S-saan naman kayo pupunta?”
Anak ng Dinosaur titig na titig sa akin si Remus kulang na lang ay hub@ran ako naku Caridad mukhang wrong moves ang pag-ungol mo ah baka madali ka na naman sa pinaggagagawa mo! Ano ka ba self umayos ka nga!
Hindi ako bumawi ng tingin para lang kaming timang na nakatitig sa isa't-isa.
Tumaas-baba ang Adam's apple ni Remus sabay lunok mukhang nagpipigil ata siguro dahil alam niyang masakit ang balakang ko, aba may good side pala ang k!ller slash babaerong ito.
“Malagkit— este malaki kasi ang napanalunan ko kanina sa laban kaya naisipan naming magcelebrate habang wala pang pinapatrabaho si Supremo.”
Sabi na nga ba bastos talaga siya hindi pa aminin na nanlalagkit na siya. Bumaba ang tingin ko sa puson niya aba maganda ang abs niya ha as in palong-palo okay sana siya kaso babaero nga lang kung sinu-sinong babae ang kahalikan niya habang ako siya pa lang napaka-unfair ng sitwasyon ko ngayon may Boyfriend nga ako kaso duwag naman ni hindi ako pinagtanggol hinayaan lang niya akong makuha ni Remus.
“Hey, baka kung saan lumanding yang mata mo ha alalahanin mong masakit pa ang balakang mo.” pilyong turan nito.
Bastos talaga sabay irap ko at muming sinubsob sa yakap ko g unan ang mukha ko.
Ang lakas ng tawa ni Remus king pwede ko nga lang siyang sungalngalin ng tsinelas sa mukha e gagawin ko kaso ewan ko ba kung bakit biglang nawala sa shoe rack ang mga cloth slippers kanina lang andun pa yun o baka tinago ng g@go takot atang matsinelas ko ulit.
Busy ako kakaisip king saan niya tinago ang mga tsinelas namin ng muli siyang magsalita.
“Sa Demons Club.”
Demons Club? Aba. Pwede! Club, meaning maraming tao kaya madali akong makakatakas sa kanya! Wow excited much ako talagang isusumbong ko siya kay Kuya Larry sasabihin ko na si Remus at ang matagal na niyang target na Payaso ay iisa para mabigyang hustisya na ang mga kaluluwang binawian niya ng buhay.
“Sama ako!”
“Okay, nga pala baka iniisip mong matatakasan mo ako ha naku Caridad sabi ko sayo sa oras na ginawa mo iyon expect the unexpected,” seryosong turan nito talagang magaling siyang magbanta ah sabagay trabaho niya kasi pwes talagang tatakasan ko siya!
Kailangan kong magpabebe para kumagat ulit ang g@go para walang sagabal sa pagtakas ko mamaya!
“I hate you Remus, aalukin mo akong sumama sa inyo tapos tatakutin mo naman ako talaga bang ugali mo na ang mang blackmail ng tao lalo ng babaeng gaya ko na mahina na—.”
“Mahina? Ikaw? Sa lakas mong manghampas ng tsinelas sa mukha ko you still consider yourself weak? Wow naman ikaw lang kaya yung nakagawa non sa akin kaya dapat—.”
“Ewan ko sayo! Ano ba talaga isasama mo ako o hindi?!” singhal ko.
“Isasama syempre baka kasi isipin mong masyado kitang kinukulong dito sa magandang hawla mo basta ba wag ka lang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan para wala tayong pagtatalunan.”
Hindi ko siya tinapunan ng tingin nanatili lang akong nakasubsob sa unan ko talagang nabubwisit ako sa kanya.
***
Tinali ko muna ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto at dahil sa Club kami pupunta hindi pumayag si Remus na magsuot ako ng miniskirt o cropped tops hindi daw niya ako isasama kapag nakipag matigasan ako kaya simpleng t-shirt at pa talon na lang ang sinuot ko na tinernuhan ko ng rubber shoes para komportable sa pagtakbo.
Tahimik akong naglakad pababa ng hagdan naroon na si Remus na feeling gwapo sa suot niyang black long sleeves na nakatupi ang magkabilang manggas hanggang siko. Infairness bagay naman sa kanya pati ang suot niyang pantalon bagay din naman uniform sa kulay ng long sleeves niya gamon din ang suot niyang sapatos. Aba at monochromatic din pala itong isang ito ayaw niya ng makulay na kasuotan ha. Ngumisi siya kaya sumimangot ako.
“Wow more like it,”
“Parang mamamalengke lang ang beauty ko diba,” sarkastikong turan ko ng makalapit na ako sa kanya sabay ikot ko pa para maasar man lang siya kaso mukhang ako ata ang tinamaan ng asar ko dahil ngumisi lang siya sabay tango.
“Let's go inaantay na tayo ng dalawa.” he offer his arms ayaw ko sanang tanggapin kaso naisip ko na kailangan mapaniwala ko siya na ‘wala akong balak na tumakas’ kaya lulunukin ko na lang muna ang pride ko dahil mamaya kapag nalingat siya goodbye na kaming dalawa!
Sinikap kong kontrolin ang excitement ko kunwari medyo natatakot ako sa kanya para convincing bago ako umangkla sa braso niya saka kami sabay na naglakad palabas ng Villa sana matandaan ko ang lugar na madadaanan namin para hindi ako mahirapan mamaya kapag naisakatuparan ko na ang plano ko.
Nakatayo si Chacha sa labas ng itim na sasakyan ganon din si Boggs. Huminto si Remus ng malapit na kami sa dalawang kaibigan niya saka siya dumukot sa bulsa.
“P-para saan ‘yan?” Kabadong tanong ko.
“Para saan ba ang blindfold?” Balik tanong sa akin ng g@go.
Inirapa ko siya. “Sa mata natural. Ang ibig kong sabihin ay kung bakit may ganyan kang hawak para saan kako iyan.”
He smirks and shrugs his shoulders. “Para sayo lang naman isuot mo para makapunta na tayo sa dapat nating puntahan at maumpisahan na ang selebrasyon.”
Nalihis ang tingin ko kina Boggs at Chacha hindi naman sila mga mukhang r@pist kaya confident akong hindi nila ako pagsasamantalahan isa pa kung totoong obsessed sa akin ang Remus na ito hi di niya hahayaan na mahawakan ako ng kahit na sino kahit mga kaibigan pa niya.
Remus snaps his fingers. “Just put it on and I will be your guide,” he said in his hoarse tone. Is he trying to seduce me?
Naku, talagang kailangan ko ng tumakas baka masundan pa gabing iyon kung saan winasak niya ang perlas ng silangan ko.
Lunok laway kong kinuha ang blindfold saka ko sinuot sa ulo ko para takpan ang mga mata ko. Mautak rin pala ang lalaking ito talagang sigurista well mamaya lang siya dahil maglalaho ako ng tuluyan sa paningin niya. Hmp!
BINABASA MO ANG
Remus
Roman d'amourHindi ko napigilan ang sarili ng mahawakan ko ang pinsan ng pinakamahigpit kong kalaban. "Bitiwan mo ako!" Singhal nito. "Sorry pero akin ka ngayong gabi!" Marahas kong pinunit ang suot nitong uniform at naganap ang dapat mangyari. Isang mahinang...
