TUMATAWA si Ezekiel habang pababa kami sa hagdan. Ang loko tuwang tuwa nang makitang titig na titig ako sa kaniya, ano tingin niya sa akin uhaw? I've seen different body of a man, may payat, mataba at may sexy. Sanay na ako sa katawan ng lalaki, pero syempre iba pa rin impact kapag si Arturo na.
"Pwede ba, Ezekiel? I was just looking!" Hinampas ko ang braso niya na kinatawa niya lalo. Bwisit talaga.
"You're drooling, princess. Gusto mo ba hubad na lang ako?" Pang aasar ni Ezekiel. Sinamaan ko na siya ng tingin. Gusto ko na siyang sapakin sa mukha o kaya ay sipain sa where-it-blanks-your-mind.
Inunahan ko na siya sa malawak nilang dining room. Umupo ako sa bandang gitna kung saan ako palagi umuupo kapag nandito ako, malayo sa kanila. Hinahanda na ng mga katulong ang pagkain habang ako ay panakaw-nakaw ng ulam para tikman at alamin kung ano ang kakainin ko. Tumabi sa akin si Ezekiel. Nakangisi pa siya nang lingunin ko.
"Ezekiel, may alam kang club dito?" Pinagkrus ko ang mga hita ko at bahagyang humarap sa kaniya. He look at me from head to toe.
"Hindi ka bagay sa mga club dito, hindi katulad sa Manila ang club dito."
"Gusto ko mag inom, may alak kayo? Miss ko na ang lasa ng alak." I bite my lower lips, trying to remember the taste of the liquor on my tongue, the expensive taste of different alcohol and the way it burn my throat and made my head spin and forget who I am, for the meantime.
"Gusto mo? Pwede naman tayo mag inom, umiinom ka ba ng gin?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gin? Ano 'yun? 'Yung blue ghost-like sa loob ng teapot?
"Ano 'yun?"
"Alcohol, but different from you usually drink." Bigla akong na-curious sa sinasabi niya. Ano naman kaya 'yun at iba sa alak sa Manila? Or maybe meron naman sa Manila at nasanay lang ako sa mga club beverage na high-end liquor.
"Can we try it later? Hindi ba ako mamamatay?" Tumawa si Ezekiel. Dumating na sila Jacob na bagong ligo. Si Arturo lang ang maliwanag ang mukah sa kanila, the rest mga menopause face na.
"Sige, mamaya inom tayo."
"Oh? Iinom kayo? Sama ako!" Tumabi sa kabilang side ko si Arturo kaya bahagya akong nagulat. He don't sit beside me. Naamoy ko ang mabango niyang pabango kaya bahagya akong pinamulahan ng mukha, ang bango niya hindi tulad ng pabango ni Ezekiel na mint. 'Yung kaniya mild lang ang amoy, parang sweet scent.
Tahimik kaming kumain. Lalo na ako, kanina pa ako gutom e kaya ang dami ko tuloy nakain. Napatigil ako sa pagsubo nang mapansin na may nakatingin sa akin. The crab's leg got stuck between my lips, I was sucking it's flavor. Umangat ang tingin ko at lahat sila ay nakatingin sa akin.
"What?" I said before sucking the crab leg again. "Don't stare at me like that, babayaran ko 'to." Inirapan ko sila at tinuloy ang pagkain. I didn't realize my right leg getting on the chair as I rest my arm on my knee while concentrating on how to get the crabmeat inside it's shell. Nakakagutom lalo ang kumain ng crab pero ang sarap.
"Atasha, your foot," napatingin ako kay Jacob. He's looking at my leg. Napatingin din tuloy ako. "Manners?"
Asar kong binaba ang paa ko at nilapag na ang crab shell. Suko na ako. I suck all my fingers to get the last taste of the crab. Sayang ang pampalasa. I look up and they're still staring at me.
"Ano ba?!" Sana aware sila na nakakailang silang tumingin? And I'm enjoying my food!
"Nahiya 'yung crab sa takaw mo." Umirap si Gabriel sa akin. Napatingin ako sa pinggan ko at napangiwi nang makita ang malaking crab na naging maliliit na piraso na lang.
BINABASA MO ANG
Captive ✓
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R18+ | EXPLICIT RAW VERSION OF STORY, UNEDITED. 𝘼𝙩𝙖𝙨𝙝𝙖 𝘾𝙡𝙖𝙮 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙞𝙡𝙡𝙤 __________ 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗘𝗻𝗱𝗲𝗱: 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟰