"KUYA! 'Wag mo na kasi akong iwan dito, please? Pwede mo naman akong isama sa 'yo," naiiyak na hinila ko ang braso ni kuya Ethan pero malamig na tingin lang ang pinukol n'ya sa akin. "Kuya!"
Mangiyak-ngiyak akong nag papadyak sa sahig nang alisin n'ya ang kamay ko sa braso n'ya.
"I told you, Atasha Castillo you're not safe to go with me in Manila! Ang kulit mong bata ka, can't you at least spare me some time to keep my cool and save your breath? Because we both know I will not let you come with me." His cold as ice tone gives shiver to my spine but I'm used to his attitude. Sadyang feeling cool kid lang talaga si kuya. Kapag talaga ito nahanap ang katapat n'ya at tumiklop tatawanan ko s'ya ng isang oras sa mukha.
"I know how to handle guns, though." Pangungusap ko. Bumuga ng hangin si kuya Ethan at lumingon sa likod ko. Sumama na lalo ang timpla ng mukha ko dahil alam ko na kung sino ang tinitignan n'ya. Great!
"You're better off without guns, Atasha. Go now, I will be back before sun down."
Sinamaan ko ng tingin ang likod ni kuya Ethan, at lahat ng sumpa na pwede kong sabihin ay inisip ko na. Sana magkatigyawat pwet n'ya. Sana kumati likod n'ya tapos hindi n'ya abot.
"Hindi ka ulit nanalo?" umasim ang mukha ko nang marinig ang boses ni Ezekiel. Alam kong nakangisi s'ya kaya nang humarap ako ay hindi na ako nagulat. Mas lumawak lalo ngisi n'ya nang makita ang mukha ko. "Pupunta kami sa farm, sasama ka." Hindi 'yun tanong. More like he's commanding me, and I hate that!
"Ayaw ko, walang signal doon at ang init. Ang baho rin!" I exclaimed and march towards his car. Ako na mismo ang sumakay sa passenger seat at bumulong ng mga sama ng loob. "Bwisit talaga! Sana makaapak kayo ng tae."
"Bakit sumakay ka? Akala ko ayaw mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Ezekiel nang makasakay s'ya sa driver's seat. Tumawa lang s'ya at minaneho na ang sasakyan.
"Dito lang ako sa kotse may aircon. Do whatever you're going to do, don't pester me."
"Hindi dadalhin ang sasakyan, Atasha. Papalitan ang oil nito, hinihintay lang tayo ni Mang Narding." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi n'ya.
I hate this place! Kahit kailan hindi ko ginusto ang tumira rito. But I don't have any other options!
"Doon na lang ako sa hacienda n'yo."
"We can't leave you alone, the last time we did you runaway and you're almost r—"
"Okay! Fine! Argh!"
Humalukipkip na lang ako hanggang makarating sa kanilang hacienda. Mayaman sila, gusto ko naman dito sa kanilang hacienda dahil aircon ang mga kwarto nila ang kaso wala silang tiwala sa akin para iwanan akong mag isa dahil sa ginawa kong pagtakas last time.
"Wait," pigil ko kay Ezekiel nang may maalala. "Walang kotse? Saan tayo sasakay?" Nanlaki ang mga mata kong tanong.
"Sa kabayo, Atasha." Nakangising sagot ni Ezekiel at pumasok sa loob ng bahay nang maabot kay Mang Narding ang susi ng kotse.
"What?! I can't ride horse! Kadiri, baka may kuto sila!"
"Wear something long, ang arte." Napatingin ako sa nag salita, it was Gabriel with his usual frowned face. Mukhang hindi maganda ang gising dahil nang makita ako ay mas lalong sumama ang mukha. He's older than Ezekiel. Among them, si Ezekiel at Arturo lang talaga bet ko. Silang dalawang bunso lang trip ko, maliban sa malapit sa edad ko ay madaling kausap.
Dinilaan ko na lang si Gabriel nang tumalikod s'ya. Narinig ko ang tawa ni Arturo na pababa ng hagdan.
"Ang prinsesa nandito na pala," pagbaba ni Arturo ay lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Umalis na naman si Ethan?" he don't address him as 'kuya' kasi tropa sila. And I don't care whatever their relationship is.
BINABASA MO ANG
Captive ✓
Storie d'amoreWARNING: MATURED CONTENT | R18+ | EXPLICIT RAW VERSION OF STORY, UNEDITED. 𝘼𝙩𝙖𝙨𝙝𝙖 𝘾𝙡𝙖𝙮 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙞𝙡𝙡𝙤 __________ 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗘𝗻𝗱𝗲𝗱: 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟰