Chapter 6

2K 27 0
                                    

AKALA ko makakatulog ako pero ito at nakatulala pa rin ako sa kisame. Sa guest room nila ako natutulog kapag na hinahabilin ako sa kakila. May damit din ako rito na spare pantulog.

I was thinking of what happened earlier. Why did I let them do that to me? I can't reason out I'm drunk because I know what we were doing. I am wide awake when they freaking did that! Kahit naman malasing ako alam ko nangyayari sa paligid ko. Kahit sino, kalokohan lang nag sasabi na nakakalimutan ang lahat kapag lasing, unless someone drugged you.

Napaupo ako sa kama at sinapo ang ulo. I can't sleep! Sinubukan kong tawagan si kuya pero hindi siya sumasagot. Even dad and mom. No one answer. Napabuga ako ng hangin.

Bakit ba sila sasagot? They don't even care about me. Kaya nga nila ako pinadala rito, kaya nga kaya akong iwan ni kuya Ethan dito because they don't care. I feel pain in my heart from the thought. Tumayo na ako ng tuluyan at lumabas ng kwarto ko. Tahimik kong tinahak ang pasilyo pababa. I use my phone's flashlight as my light outside the house. Nakarating ako sa barn. May ilaw sa loob na madilaw para hindi gano'n masakit sa mata ng mga alagang kabayo.

I want to leave this place. So bad. Ayaw kong malayo kila mom and dad, natatakot ako. Humanap ako ng kabayo na kaya kong sakyan. I put on it's saddle before pulling it out from the barn. Gumawa pa ito ng ingay pero natahimik din naman agad. Nakahanap ako ng matutuntungan pasakay sa kabayo. I'm wearing a lingerie and robe outside. Pinatay ko na ang flashlight ng cellphone ko nang makasakay ako sa kabayo. I don't care if it touches my skin. Umaarte lang naman ako.

I pull the rein of the horse to signal it to move. Sa umpisa ay mabagal lang at nang makalayo-layo na ako sa mansion ay pinatakbo ko na ang kabayo. I don't know where I was going, I just want to escape and go back to my home.

I tried calling them again but they're out of reach. Nagawi ang mata ko sa isang contact number na nakasave pero never ko pang natawagan. I was trembling but I still manage to call. It's almost 11 in the night. The wind is strong and cold but I didn't budge.

"Miss Atasha?" A voice of a man spoke from the other line.

"Kuya Seb," I sob. Narinig ko ang paggalaw nito sa kabilang linya at pagtunog ng kung ano. "Can you come for me?"

"You know I can't, Miss Atasha." Napahikbi nanaman ako.

"Stop calling me that! Nakakainis na!"

Bumuntonghininga ito sa kabilang linya bago mahinang nag mura.

"I'm sorry, baby. I have to keep my distance, you know we can't meet for the meantime." Mabibigat ang bawat salitang binitawan niya sa akin. Tumigil ang kabayo sa tabing kalsada kaya bumaba ako at itinali ito sa puno. "Where are you, Atasha?"

"They send me to a province, I don't know where. I want to go home, kuya. It's scary here." Umupo ako sa isang gilid at niyakap ang mga tuhod. I was sobbing so hard.

"Hey," narinig ko nanaman ang paggalaw niya. "I will call mom and dad. I will try to convince them to get you back, hmm?"

"They still hate me, even kuya Ethan. They don't want me near."

"That's not true, Atasha. They're just scared to lose you. I'm scared to lose you, listen to me, baby. When I'm out and done with my work, I will be the one who will get you there. Okay?" Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"When is that, kuya?" A long silence filled our conversation. Natawa ako ng pagak. Walang kasiguraduhan 'yung sinabi niya.

"You hate me, too right?" I broke down. Hindi ko na hinintay ang sagot ni kuya Seb. I block the number too. Why are they torturing me like this? Silent treatment, the distance, the approach. I hate all of this. Sana ako na lang ang nawala e, dapat ako na lang ang namatay at hindi ang kapatid ko.

Captive ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon