Chapter 10

1.8K 19 0
                                    

NAGISING ako dahil sa labi na humahalik sa dibdib ko. Halik lang naman.

"Fuck!" Napamulat ako nang kagatin ng kung sino ang utong ko. "Nathaniel!"

"Sorry, nanggigigil ako." He look up to me as he lick my nipple, which he just bit. "Good morning, Atasha."

"Gosh! May byahe pa nga pala kami. Anong oras na?" Bahagya kong tinulak si Nathaniel para bumangon. Tinaas ko ang strap ng aking nighties.

"Ang aga pa, Atasha. Tulog pa si Ethan, hindi niyo naman kailangan mag madali."

Napatingin ako kay Nathan na nasa kaliwa ko. Ang sarap pa ng tulog hindi manlang nilalamig, hindi rin nagising sa sigaw ko.

"Nathaniel, 'yung mga papel—" naputol ang ibang sasabihin ni Jacob pagpasok sa kwarto ni Nathaniel nang makita kami. Kumunot ang noo nito. He closed the door behind him. "Anong ginagawa niyo rito?"

"Nathaniel invite me to sleep here."

"We talked about this, Nathaniel."

"I don't like that girl, Jacob."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nathaniel. Sino naman babae?

"She needs us, Nathaniel."

"Don't start my morning, Jacob. May kailangan ka ba?" Balewala ni Nathaniel sa sinabi ni Jacob. Kung makaasta si Nathaniel ay parang hindi matanda si Jacob sa kaniya.

"Aalis na ako, Nathaniel." I whispered to him. Tumingin sa akin si Nathaniel bago tumango. "Padaan." Bahagya ko siyang tinulak dahil hindi siya gumalaw.

"Where's my good morning kiss?"

"Nathaniel," nahihiya kong nilingon si Jacob na salubong na ang kilay sa amin.

"Don't mind him, kiss me, Atasha." Nawawala angas ko sa mga ito. Bwisit!

Umiwas ako ng tingin kay Jacob at hinalikan si Nathaniel sa labi. Bahagya itong ngumisi dahil nag wagi sa gusto niya. Umalis sa kama si Nathaniel kaya malaya akong nakaalis sa pwesto ko. Inayos ko ang aking suot bago nag paalam sa kanila.

Nagulat pa ako nang sabay sa bukas ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Ezekiel. Katabi lang nito ang kwarto ni Ezekiel sa kaliwa. I didn't look at him for too long. Hindi ko pinansin ang tingin niya at nag lakad na papunta sa kwarto na ukopado ko.

Naligo ako at nag bihis ng vestido polo na kulay puti at ang lining ay kulay asul, pinaresan ko ng sneakers ang suot ko. Mag papaalam pala ako kay Nay Nancy.

"Balita ko ay uuwi na raw kayo ng kuya mo?" Pagpasok ko sa kusina ay iyon agad ang bungad ni Nay Nancy.

"Opo, Nay. Good news nga e, buhay ang kambal ko! Ang hirap paniwalaan pero iyon ang totoo. Mamimiss ko luto mo, Nay." Lumapit ako kay Nay Nancy at yumakap sa matanda. Kahit maiksi lang ang panahon na nakilala ko siya ay naging mabuti naman siya sa akin. Mukhang wala talaga siyang ideya sa pagkatao ko, dahil hindi nag babago ang pakikitungo niya sa akin, which I prefer.

"Hindi ka na ba uuwi rito?"

Napatigil ako at naisip bigla iyon. Malayo ito sa Manila pero may sarili naman akong kotse, at iyon ay kung papayagan din ako nila mom and dad. Sigurado na may mga bodyguard akong kasama kung sakali.

"Susubukan ko po, Nay."

"Babalik ka sigurado ako." Natatawang tinapik ni Nay Nancy ang aking likod.

"Manghuhula ka ba, Nay? Pahula nga ano tatama sa lotto?"

Nagtawanan kaming dalawa sa kusina at natigil lang nang pumasok si Jacob at Ezekiel. Parehas nakasimangot. Ganda naman ng umaga nila, halatang pang buong araw na 'yung mukha.

Captive ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon