HINDI ko alam kung bakit ako umiiyak. Nag kukwento kasi si Ezekiel ng story tungkol sa favorite niyang kabayo na namatay last year. The alcohol really got me so bad.
"Ako rin ang nag hukay ng libingan niya," lalo akong naiyak sa sinabi niya. "What the hell, Atasha? Bakit ka ba umiiyak?"
"Sad 'yung story mo, alangan tumawa ako?"
Ilang oras na rin ang lumipas. Nakahubad na si Gabriel at Nathan pati si Ezekiel, siguro ay binabanas na. Kahit ako iniinit na rin pero hindi ako pwedeng mag hubad sa harap nila, kung sa harap ni Arturo pwede pa.
Hapon na kaya hindi na gano'n katirik ang araw. Pakiramdam ko ay ako ang nalalasing sa ginagawa kong kalokohan.
"Kaya pa?" Nilingon ko si Arturo. Salubong ang kilay niya habang nakaharap sa akin. Tumango lang ako at nag thumbs up.
"Namumula ka na, Atasha kaya mo pa ba?"
"Mainit kasi, sanay ako sa mga malalamig."
"Sino ba kasi may sabing mag suot ka ng ganyan e iinom ka?" Nag iwas ako ng tingin kay Nathan at tinakpan ang mukha ko. Baka makita nila sa mukha ko na may binabalak ako.
"You're planning to escape, right?" May panunuya sa boses ni Jacob nang mapagtanto ang ginagawa ko. Sinilip ko siya sa siwang ng mga daliri ko pero pumikit agad ako kasi ang sama niyang tumingin.
"Atasha?"
"Hindi! Wala 'no, grabe kayo mapanghusga." Pagtanggi ko.
"You're not good at lying, Atasha."
Napasimangot ako. Inalis ko ang mga palad ko sa mukha at tinuro ang mga bote ng alak na wala nang laman, Alfonso naman ang iniinom namin.
"Ano ba 'yang pinapainom niyo sa akin? Bakit parang ako lang ang nalalasing?"
"Taasan mo ba naman ang tagay mo hindi ka malasing, tanga." Sinamaan ko ng tingin si Gabriel. Akala niya siguro hindi ako nasasaktan kapag nag sasalita siya ng gano'n sa akin. Dinadaan ko na lang sa pagtataray pero dinaramdam ko pa rin naman iyon.
"Ang sama ng ugali mo, Gabi alam mo 'yun?"
"Like you, you mean?"
"No. I never cuss on you or swear to you, pero ikaw ang talas ng dila mo. Minsan iniisip ko na putulin 'yang dila mo at ipalunok sa 'yo para bumara sa lalamunan mo." Sinamaan ko siya ng tingin kahit medyo nahihilo na ako. Pinantayan niya ang tingin ko at hindi nag patalo.
"Kasi totoo naman." He spat. I bite my lower lip to stop my emotion from exploding. Lasing ako kaya malakas ang loob ko pero ayaw kong mag bitaw ng salita dahil alam ko pa rin naman ang ginagawa at sinasabi ko.
"Gabriel," it was Nathaniel. "Stop."
"Totoo naman talaga. That woman is a spoiled brat who doesn't know her place, she thinks she can always boss around everyone. Hinahabilin lang naman 'yan ni Ethan."
Bumaba ang tingin ko sa lamesa. Nalunok ko ang dila ko dahil totoo naman mga sinabi niya. If only I'm in the right mind baka natarayan ko na siya pero kasi may tama na ako ng alak at ang emosyon ko ay hindi ko na kontrolado.
"See? Hindi makasalita kasi totoo. Next time know your place, Atasha. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang bida, pati kami nadadamay sa kalokohan mo."
Tumayo si Gabriel at marahas na dinampot ang damit niya. Tumayo na rin ako at bahagyang yumuko sa kanila.
"Banyo lang ako," mahina kong usal. Mabilis akong umalis sa taas. "Fuck." Pinahid ko ang luha sa pisngi ko habang tinatahak ang kahabaan ng pasilyo.
Nakakabwisit. Tinamaan ako sobra, tinamaan na ng alak tinamaan pa ng salita ni Gabriel. Ang sakit niya talagang mag salita, tatagos sa puso mo. Alam ko naman na galit siya sa akin, sila, dahil sa ugali ko. But, I'm only doing that to hide my real self. The fragile Atasha. My attitude is a facade to my broken soul.
BINABASA MO ANG
Captive ✓
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R18+ | EXPLICIT RAW VERSION OF STORY, UNEDITED. 𝘼𝙩𝙖𝙨𝙝𝙖 𝘾𝙡𝙖𝙮 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙞𝙡𝙡𝙤 __________ 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗘𝗻𝗱𝗲𝗱: 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟰