Chapter 17

1.6K 22 0
                                    

WEEKS passed by like a haste. I've been with my babies. Nasa bahay kami at doon nag papahinga. Nasa ilalim pa rin sila ng madilaw na ilaw, iyon ang bilin ng private doctor, hangga't hindi pa fully developed ang kanilang internal organs ay doon lang sila.

I watched them paddle their little hands and feets. Natawa ako. I use my fingers to touch them but I immediately pull it out. Nakakatakot hawakan ang balat nila, parang mabubutas ano mang oras. 

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas iyon. Mom look inside.

"Atasha," when she saw me she slowly went inside and closed the door behind her. "Can we talk?" Malumanay niyang tanong.

Nilingon ko ang kambal bago tumango. Lumakad ako sa terrace ng kwarto at naramdaman ang pagsunod ni mommy sa akin.

"Ano pong pag-uusapan, mommy?"

"I'm sorry, anak."

I pressed my lips together. Nilingon ko si mommy at ngumiti sa kaniya ng tipid. We never talked after we arrived here. Alam ko naman na dadating ang araw na kailangan namin mag usap, pero hindi pa ako handa e. Ang sakit pa rin ng puso ko.

"Okay lang po."

"No. We're sorry, we're really sorry for everything. We never asked you how are you or even checked on you. We were so focused on Camille, because of her illness." Mahinang wika ni mommy.

"Naiintindihan ko naman," labag sa loob kong sagot. Sa totoo lang, hindi ko talaga maintindihan kung bakit napaka unfair nila sa akin. "Camille needs you most."

"We're very sorry, anak. Hindi kami naging mabuting magulang sa 'yo, pinagkaitan ka namin ng kalinga ng magulang. Dahil sa amin kaya ka napahamak. Sorry. I know sorry isn't enough to mend your wound, babawi kami, anak. Babawi kami ng daddy."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang bigat na ng dibdib ko, ayaw kong ipunin lahat at hintayin nanaman na sumabog ako. I don't want to burst all my anger on her. Malaki ang sama ng loob ko sa kanila.

"Kailangan ko rin kayo e, hindi lang si Camille ang nangangailangan kundi ako rin. You are so unfair, kahit wala na si Camille wala pa rin kayong pakialam sa akin. Mas nabalewala ako noong mawala si Camille. You made me this way, you all thought I can handle all the pain I face but I can't. Tao lang ako, mommy. Tao lang ako at nakakaramdam din ng pagod at sakit, pero may pake ba kayo?" Pinahid ko ang luha ko pero napalitan lang iyon ng bago.

"Hindi niyo manlang ako tinanong kahit minsan kung kumusta na ako? Kung kaya ko pa ba? I blame myself everyday because of what happened to Camille, pero nando'n din naman ako e! Nasaktan din ako! Dinanas ko rin ang impyerno na dinanas ni Camille, pero siya lang ang inalala niyo! You never care for me. Everyone see me as the black sheep of the family, but I am not! You paint me black, you're the one who made me rebel force me to live the life I never wanted. I'm just like Camille, fragile and needs saving. No one saved me from drowning in pit of hell."

Napalingon ako sa kambal ko nang umiyak sila, lalo akong naluha.

"Now, I'm a mother. I've learned a lot from you, I will never let my kids experience the life I've gone through. I can't forgive you now, mom. I can't. Sobrang lalim ng sugat na ginawa niyo sa buong pagkatao ko at hindi ko alam kung hanggang kailan o hanggang saan ako titigil sa paglunas nito. If you're eager to please me, then let me be, set me free. I will find myself and try to seek for the better, and maybe one day I will realize that I can forgive you."

Napayuko si mommy habang lumuluha. Sobrang ganda niyang babae, maganda ang hubog ng katawan at perpekto sa paningin ng lahat. Pero hindi nila alam na sa likod ng perpekto at matapang niyang mukha ay isang magulang na naging makasarili, naging pabaya at naging masama sa anak. I'm the evidence of her unfairly mother love. The child she gave birth, the child she create with full of hatred for her.

Captive ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon