Chapter 23

1.7K 28 0
                                    

NAKASIMANGOT ako habang sinusubuan ni Nathan ng pagkain. Nasa fireplace kami at ako’y kumakain. Nathan laugh hard when he feed me again.

"Fuck, you're so cute, mama." Napasimangot lalo ako. Bakit ba mama siya nang mama? Inire ko ba siya?

"Manahimik ka nga!" I buried my face on the throw pillow. Ang apoy lang ang nag bibigay ng liwanag sa amin. They're here too, laughing at me. Syempre, sino ba naman hindi matatawa kung makita nila akong nanginginig sa gutom dahil matigas ang ulo ko.

"I told you, kumain ka na e." Natatawang saad ni Ezekiel. Sinamaan ko lang siya nang tingin.

"You're just exhausted and hungry, it'll go away." Sabi ni Jacob at lumapit sa akin. Umupo siya sa carpeted floor sa tapat ko bago abutin ang aking mga hita. He starts massaging my feet and it felt good.

"Ikaw kaya tirahin ng dalawa malamang mapapagod ka." I whispered, which I suppose they hear because they start laughing again. Natawa na lang din ako habang naiiling.

"I love you, mama." Napatigil ako sa pagtawa nang marinig si Nathan. He feed me again so I couldn't speak. He smile to me.

I can still feel my hands and thighs trembling. 'Yung kamay ko sigurado dahil sa gutom, pero 'yung hita ko for sure dahil sa ginawa nila Nathaniel.

"Nathaniel told me you want to hire Nico and get Minerva," napatingin ako kay Jacob nang mag salita siya. "You really want to hire Nico?" Umangat ang tingin niya sa akin.

Ngumiti ako bago tumango. "I really want to help him. Not in romantic way, okay? I see him as my brother. Please stop threatening him, wala siyang ginagawang masama."

"I understand. We'll call him tomorrow morning, and also Minerva." Ani Jacob.

I pressed my lips together. "About what kuya Seb said earlier."

"That's true," bumuntonghininga si Jacob. "But what we have right now is different, Atasha. I know you doubt us, you're not ready—"

"No, Jacob." Napalunok ako ng laway. "I actually feel the same... Seriously, I'm not a romantic person, I'm not affectionate or whatever clingy names you could use. Can I just say I love you, too?"

"Really?" Napaingos ako nang lumapit sa akin si Arturo at yumakap.

"Ano ba? Ang bigat mo!" Asik ko rito. He chuckle before moving away.

"Baka may sakit ka lang?" Tanong ni Nathan at kinapa pa ang noo ko, mabilis ko naman tinapik 'yun palayo.

"Ayaw niyo? I can take it back. Hindi naman kasi ako lumaki sa pamilyang mapagmahal, palaging nakay Camille ang atensyon, she gets all the love while me? Nothing. Si kuya Seb lang ang meron ako noon, siguro mahal niya nga ako pero hindi naman sapat 'yun 'di ba? I still need my mom and dad affection." Binaba ni Nathan ang hawak niyang pinanggan at lumapit sa akin. Hinawi niya ang buhok ko sa gilid ng aking mukha at inipit iyon sa aking tenga.

"You have us now, Atasha." Malamlam niyang saad.

"Thank you. Maybe I was harsh to you before, but that's just how I approach people that's maybe my way of showing affection?" Hindi ko siguradong usal.

"You weren't harsh to Nico." Nakakunot ang noo ni Gabriel sa sinabi.

"Because he helped me clean the dog poop, right Nathaniel?" Inirapan ko si Nathaniel na nginisian lang ako.

"I can do that, too." Proud na saad ni Gabriel.

"Ano naman gusto mo, tapakan ko ulit poop ni Kopiko para gawin mo ginawa ni Nico? Hindi papatalo, e." I rolled my eyes.

Captive ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon