Chapter 13

1.7K 28 1
                                    

NAG insist ako na tulungan ipa-hospital ang Tatay ni Nico. Kinausap ko ang Mama niya at sinabi ko na tutulong ako na hindi humihingi ng kapalit, pero ayaw ni Nico, kaya pinilit ko siya na maging bodyguard ko.

Inadmit sa isang hospital ang Tatay niya sa kanilang probinsya. I told kuya Ethan about it, he help me. Gusto ko makausap si kuya Ethan, I know he knows about Fernandez brothers and Camille but he didn't told me. Did he plan that?

Bumalik ako sa bahay na pansamantalang tinutuluyan namin. Napataas naman ang kilay ko nang makita ang dalawang kotse sa tapat. 'Yung isa alam kong kay Ezekiel pero 'yung isa hindi ko alam, hindi ko pa nakikita.

Bumaba na ako sa van. Ang mga guard ang unang pumasok sa bahay para alamin kung sino ang tao, paglabas nila ay nag go signal lang sila.

Alam ko naman si Ezekiel ang nasa loob. Pagpasok ko hindi na ako nagulat, si Ezekiel kasama si Nathaniel at Nathan.

"Anong ginagawa niyo rito?" Nataas ang kilay na tanong ko.

"Gusto ka sana namin makausap." Si Nathaniel.

"About what? Sinabi ko na kanina, wala akong kailangan sa inyo," lumingon si Nathaniel sa likod ko, kay Minerva. Lumabas naman agad si Minerva nang maintindihan ang gustong iparating ni Nathaniel. "Umalis na kayo, baka hanapin kayo ni Camille."

"I'm sorry, Atasha." It was Ezekiel. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin.

"Okay. Pwede na kayong umalis." Bahagya akong tumabi sa daan at tinuro ang pinto.

"Atasha..."

"Please, my OB-gyne told me not to stress myself and you're not helping. Umalis na kayo." Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mata ko. I bite my lower lips to stop myself from crying.

Napabuntonghininga si Nathaniel at lumakad na patungo sa pinto. Akala ko lalabas na siya pero sinara niya iyon bago bumalik at tumayo sa harap ko.

"Nathaniel, please." I couldn't stop my tears from falling. Why are they making this hard for me?

Nathaniel held my chin and lift it a little. Umawang bahagya ang labi ko at hindi ko na talaga napigilan na mapaiyak. His jaw clenched before claiming my lips. I tug on to his shirt, gripping it hard.

I can't. Naaalala ko ang mukha ng kambal ko. I pushed Nathaniel hard to stop him. I wipe my lips to remove the feeling of his lips on mine but I can't.

"Umalis na kayo," I sob. "Okay lang ako." I pant.

"Babalikan ka namin, Atasha. We will settle this." Nathaniel spoke with his deep and commanding voice. Hindi ko na lang pinansin. Aalis na ako rito, ayaw ko na tumagal dito baka hindi ko na kayanin at magkasala pa ako sa kapatid ko.

They left me there. Nang pumasok si Minerva ay inalo niya agad ako.

"Ma'am, ang anak mo po isipin mo." Sa sinabi ni Minerva ay napatigil ako. She care for me and my unborn children. This is the first time someone care for me and it's not even my family, this is the first time someone show care for me. A genuine care.

"Thank you, Minerva. Salamat."

Kinabukasan ng umaga ay umalis na rin kami. I contact Nico and tell him that I will keep in touch to him. Binigyan ko siya ng palugit para makasama muna ang kaniyang pamilya bago ko siya paluluwasin sa Manila at masimulan niya ang trabaho.

"Atasha,"

"Kuya pagod ako."

"You're pregnant?"

Napatigil ako sa paghakbang sa hagdan. Humigpit ang hawak ko sa railings ng hagdan.

Captive ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon