Epilogue

2.6K 48 1
                                    

ALL my life I never felt so love before I met these Fernandez. People aren't born to be perfect but you live everyday to make amends. They may lie to me, hide something but in the end they will tell me everything and make me feel better. They will be sorry. It's always me who they run to.

How long was it? I can't even recall. I've lost count of how many days, weeks, months and years I spend with them. Everyday is always memorable.

"Ma! Si Topaz, sasapakin ko na 'to, kanina pa ako ginagalit!"

Napabangon ako sa hinihigaan kong malapad na kahoy sa likod ng mansion. Tumatakbo palapit sa akin si Gabrielle, anak ko kay Nathaniel, nakasimangot habang inaayos ang buhok niya na tinali ko kanina dahil sasakay sila sa kabayo ng kaniyang dad. Napangisi ako.

"Topaz," I look behind Gabrielle and saw Topaz grinning from ear to ear. Sa magkakapatid ito talaga ang laging magkababag, si Gabrielle kasi ang unang babae kong anak, nasanay sa mga kuya kaya siga kung umasta, kaya ito palaging inaatig ni Topaz na tomboy raw. "Anong sabi ko sa 'yo?" Tinaasan ko ng kilay ang anak kong lalaki, Topaz is Gabriel's son.

Umingos ito at nameywang.

"Mom, she's literally wearing boy’s clothes, she's definitely tomboy!" He exclaimed, pointing Gabrielle’s outfit. Nakasuot kasi ito ng jeans at white polo, naka boots at cowgirl hat. Napabuntonghininga ako.

"I'm not! This is how women wore when they ride horses!" Sigaw ni Gabrielle. Napahilot ako sa sentido ko. I never stand a chance between them when they fight.

"What's happening here, lady?" Napalingon kami nang marinig ang boses ni Jacob. Napangiti ako nang makita ang asawa ko na napakatikas pa rin kahit 48 years old na.

Biglang umayos ng tayo si Topaz at umiwas ng tingin kay Gabrielle. Napangisi ako. Takot pala e.

"Dada, si Topaz! Inaasar nanaman ako!" Sumbong ni Gabrielle kay Jacob at lumapit dito, yumapos ito sa braso ni Jacob at nilabas ang dila para asarin si Topaz.

Maluha-luha naman lumapit sa akin si Topaz at yumakap.

"Mommy!" Napalingon ako nang marinig ang matinis na boses ng bunso namin. It's Fairy, Nathan's child, nasa braso ito ni Nathan at prenteng nakaupo roon habang naka fairy dress at may hawak pang wand. Napailing na lang ako. Talagang kina-career ang pangalan.

Pagbaba ni Fairy sa braso ni Nathan ay tumakbo ito sa harap ko at umikot.

"Wow! Parang bago nanaman 'yan ah, ano?" Nilingon ko si Nathan at pinanlakihan ng mata. Umiwas lang ito ng tingin at tila may napakagandang tanawin sa malayo.

"Yes, mommy! Kasi birthday ni kuya Brix, daddy told me I should wear something cute and shiny." Ngumiti ako ng peke sa anak ko na nauwi sa ngiwi. Hindi ko alam kung ilang fairy dress na ang meron siya sa kaniyang wardrobe, pero kapag binuksan ko 'yun puro iyon lang talaga nakikita ko.

"Baby," bumaba ako sa kinauupuan ko para mag pantay kami ng anim na taong gulang na si Fairy. "You can't always buy dresses like that, dapat nag susuot ka rin ng ibang dress, like mine." Pinakita ko ang suot kong dress.

"Daddy said I could wear anything I like." Sinamaan ko ulit ng tingin si Nathan. Kung ano-anong sinasabi sa bata!

"Of course, but you can't always wear that. Lalo kapag papasok ka na sa school."

Tumango-tango si Fairy na tila naiintindihan niya na ang sinasabi ko. Napahinga ako ng malalim bago tumayo.

Nalingon kami sa malapad na kalsada papasok sa hacienda nang dumating ang sunod-sunod na kotse. The first car is Ezekiel together with his twin, the second one is Nathaniel with Lorde and Brixton. The last one is Arturo with Gabriel. Napataas ang kilay ko dahil hindi nakasakay si Lorde sa kotse ng kaniyang daddy. Nag away ba ito?

Captive ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon