AUTHOR'S NOTE: Hello. Kung nag tataka kayo kung anong nangyari sa loob ng event. Sa POV ni NICHOLAS AND KOLE natin sya mababasa😊. And all some events that are not mentioned in other chapters.
______________________
"Buhay ka pa pala?".
Lahat kami ay nakatingin sa pintuan ng kwarto namin ng makita si Clark doon. Halos lahat kami ay nasa kanya kanyang kama sa hospital room,Nag papahinga. Pero sya, Naka shades habang may hawak na bulaklak at basket ng pagkain.
Mahina syang tumawa. "Ang hihina nyo. Tumulad naman kayo sakin na naka survive na, gwapo parin".
"Ang kapal mo!" Duro ni terry. Naka upo sya sa sahig ngayon habang nag lalaro sila nina nine at milan ng tong-it's. Walang pang itaas na damit, naka short lang ang mga loko at hindi daw sapat ang lamig ng aircon. "Ano bang tinulong mo e nasa chopper ka lang naman nina kole! Nanonood! Tumawag ka lang kung kelan patapos na!".
"Atleast tumawag ako". Banat ni Clark.
"Wala bang masakit sayo?". Tanong ko parin. Baka kasi tamang pa astig lang sya tapos may masakit pala.
"Naku zen!Wag kang mag alala dyan!. Matapang pa sa aso yan!". Sigaw ni nicko, sinusubuan sya ni jane ngayon ng dala nitong sopas, Halos lahat kami binigyan nya.
Sana all.
Natawa ako sa sinabi nya. Tumingin ako sa buong kwarto. Nag lalaro ang iba ngayon, ang iba naman natutulog sa kama nila, nag gigitara sina Jacob. Kasama naman nina nicko at benick ang mga girlfriend nila. Yung iba nag lalaro sa sahig. Kapag hindi chess, tong-it's. Malala pa ang nag lalaro ng talking tom sa gilid.
Matapos ang nangyari. Sa hospital kami bumagsak. Si kuya naman ay sa bahay nag pahinga, Gusto ko din sana kaso ayaw kong iwan ang mga kasama ko, Saka hindi ako maaalagaan ni kuya dahil may kailangan din daw syang asikasuhin. Pero walang palya ang pag bisita nya dito sa hospital tuwing gabi.
Sina Kole at Nicholas naman. Nasa ibang room. Nakahiwalay sila dahil sa utos ni kuya. Hindi ko alam kung bakit.
"Kamusta?". Lumapit sakin si Clark. May dala na syang mangkok ng pagkain. Umupo sya sa gilid ng kama ko. "Kumain kana, Ako nag luto nan".
Ngumiti ako. "Salamat!". Kinuha ko iyun at nag simulang kumain. Tumingin ako sa kanya. "Kamusta? Buti naman walang masamang nangyari sayo".
Pinisil nya ang pisngi ko. "Ayus lang ako. Mas magandang unahin mo ang sarili mo at mag pagaling."
Ngumuso ako. "Sabi ng Doctor samin, Dalawang araw pa bago kami makalabas, Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa amin". Paliwanag ko sa kanya.
"E sina Nicholas?". Tanong nya.
Umiling ako. "Simula ng makarating sa hospital, Isang araw lang silang pumunta dito, Tapos hindi nasundan..". Nag aalala nga ako dahil wala akong balita, Bawal kami lumabas. Bawal kaming pumunta sa kwarto nila.
YOU ARE READING
Queen of Section A |✓ (Part two: The battle)
Storie d'amoreMasaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa araw araw ang mga Taga section A lalo na ang dalawang presidente nang mga ito. Sa buong pagsubok na lahat ng mag taguan nang sekreto, Storya a...