"The wound is not too severe anymore, so you can also go home now. We’ve provided you with the necessary medicines to take to prevent your head from hurting."
Hindi ko kayang tumango sa sinabi ni ng Doctor kaya naman sina kuya Ace at Milan ang taga tango ko. Busy ako kumain ng lugaw na niluto ng mga loko at wag ka!.. Napaka sarap! Naka ilang mangkok ata ako pero hanggang ngayon ay kumakain pa rin ako.
"Eat slowly, Baka mabilaukan ka" sabi sakin ni Kole sabay patong ng tubig sa gilid ko. "Gusto mo pa? Meron pa sa kaldero, papalagyan ko ulit kay Nicko" Dagdag nya pa.
"Mmyaa naa--" Hindi ko masabi ng maayos! Puno pa ang bibig ko ng itlog! Kainin ba naman ng buo e!.
"Thank you, doc" rinig kong sabi ni kuya. "We will just call you if we need anything"
Dumighaw ako ng maubos ko ulit ang isang mangkok. Agad akong ngumiti at itinaas ang mangkok ko. "Isa pa!"
"Huy! Baka naman mabigla ka, sumakit tiyan mo dyan ha!" kinuha ni Terry ang mangkok ko. "Hinay hinay lang, mataba na pisngi mo, aber!" komento nya pa sabay pisil sa pisngi ko.
Agad akong napanguso. "Sinasabi mo bang mataba na ako?" siningkitan ko sya ng mata. "Hoy! Mataba na ba ako?" tanong ko sa kanilang lahat.
Mataba na ba ako? Sapat lang naman kain ko ha. Six times a day, hindi pa kasama yung pag nanakaw ko ng pagkain sa kanila. Kakain ng patago, kakain habang nanonood, kakain habang tulala at kakain habang nakahiga. Kung kaya nyo yan...edi kaya nyo!.
Lahat sila ay napatingin sakin dahil sa tanong ko. "You look..normal" parang alinlangan pang sabi ni Kole kaya sumingkit ang mata ko. Layu ko boy
"Hindi ka mataba, zen" Sabi ni clark.
"Matakaw ka lang talaga"Wow! Thank you ha!
"Yung pisngi mo tatalbog talbog haha!" Tinuro ako ni Jacob sabay tumawa. "Lalong na lobo pisngi mo kapag nakanguso!"
"Mataba kana talaga"
"Basta cute ka zen!"
"Pisngi lang naman!"
"You still look so beautiful-" ngumiti si Kole sakin. "Don't worry about getting fat, it's normal." Dagdag nya pa bago inabot sakin ang panibagong mangkok.
Ngumiti ako. "Thank you!" sumubo ulit ako ng lugaw. "Sarap ha! Sino ulit nag luto ng mabigyan ng kiss-"
"Ako!" agad na nag taas ng kamay si Milan. "Ako ang nag luto! Wala silang ibambag sa totoo lang! Ako lang talaga--aray!"
YOU ARE READING
Queen of Section A |✓ (Part two: The battle)
RomanceMasaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa araw araw ang mga Taga section A lalo na ang dalawang presidente nang mga ito. Sa buong pagsubok na lahat ng mag taguan nang sekreto, Storya a...