CHAPTER 136

425 12 1
                                    

A/N: SORRY!! LATE UPDATE:) LUB U ALL:)

WARNING: Graphic depictions of violence; including but not limited to:verbal, emotional, and physical abuse.

-FLASHBACK PART 03-

Nang makauwi ako mula sa school nina kuya, Nakilala ko ang mga kaibigan nya, Yung masungit, yung lalaking naka salamin,Yung lalaking iyakin saka yung kasama ni kuya na bumili sa canteen, Ang gaganda nang suot nila, Halos gusto ko din nun,Kaso Masyado pa akong bata.

Sabi ni dada, mas iniintindihin ko daw dapat si teddy  at kuya, Ngumuso naman ako nang maisip na may pasok na si kuya, Minsan nalang kami mag kikita at mag sasama.

"Zen anak, Ito ang iyong tito at tita" pinakilala sakin ni papa ang dalawang taong nasa harap ko, Nakangiti sila sakin nang sobrang todo pero parang hindi ako natutuwa. Mas Iniintay ko si kuya.

"Sa kanila ka muna dahil wala kami nang mama mo nang ilang linggo, meron kasi kaming trabaho anak kaya maiiwan ka muna sa kanilang dalawa" paliwanag ni dada sakin habang nakangiti."Kailangan kasi namin isama ang kuya mo dahil mag sisimula nang pumasok ang kuya ko sa Private school malapit sa Trabaho namin.... Wag kang mag alala, Uuwi din kami"

Wala akong maintindihan, Wala akong masabi, Nakaupo kami ngayon sa sofa habang nakatabi ko si papa, nasa harap ko naman ang dalawang taong nakangiti sakin. Hindi ako nag sasalita dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nila, Mas iniisip ko na unang Dumating si kuya.

Pero hindi.....


Nag tataka ako kung bakit hawak hawak ako ngayon nang sinasabi tito at tita ko papasok sa kotse, Huling nakita ko si dada na kumakaway sakin hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Tahimik akong nakatingin sa kanila.


Umandar ang kotse at tahimik ako sa likod habang katabi ang mga bagahe ko. "Lintik!Kung hindi ko lang kailangan nang pera nila hindi ako mag uuwi nang palamunin sa bahay eh!" Rinig kong sabi nung babae..

Ano daw.


"Kumalma ka nga mahal ko, Magagamit natin yang batang yan, ikaw ba naman mag alaga nang Wesley, Madaming pakinabang dyan" Mahina ang boses nung lalaking nag drive pero parang naririnig kong nag aaway sila.

hindi ko mapigilang mag tanong. "Saan po tayo punta?...N-nasan po si kuya---"


"Che!Tumigil ka!!Ang ingay mo!!"

Hindi ako makapag salita nang putulin nya ang sinabi ko. Nanlaki ang mata ko at mahigpit na humawak kay teddy, Naiiyak na sana ako dahil wala naman akong ginawang masama. Hindi ko din alam kung paano ako napunta dito, Bakit ako nandito? Nasan ang kuya ko?.


"Ang kapal nang mukha! Namatay na nga asawa nya nag palit pa nang bago!Hindi na nahiya! Palibhasa ang daming kaaway! Tapos gagawin pa tayong taga alaga nang anak nya!"

"Tumigil ka nga! May bata sa likod mo! Baka kung anong marinig nan!"

"Wala akong pake!"

Kuya. Si kuya agad ang bumunggo sa isip ko nang oras na to, Tahimik akong umiyak at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa huminto ang kotse at napatingin ako sa labas.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now