CHAPTER 175

371 9 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello! Hope you all doing ok and fine✨🌼











Mulat na mulat ako (0_0)

Adik na ba ako?... Hindi naman ako sumisinghot ng mik-mik pero bakit para akong high na ewan?


Gutom ako...Gusto ko kumain ng kanin na may ulam na may konting sama ng loob.



🎶When you look me in the eyes
And tell me that you love me
Everything's alright
When you're right here by my side

When you look me in the eyes
I catch a glimpse of heaven
I find my paradise
When you look me in the eyes🎶



Nakahiga ako sa kama habang nag papatugtog ng 'Jonas brother song' Favorite ni Clark na kanta kaya sinubukan ko pakinggan. Ninakaw ko pa nga sa bag ni Terry yung headset nya para magamit.




Nakatingin ako sa kisame. Hindi ako makatulog kahit alas dose na ng madaling araw. Nanood na ako ng Harry potter at Twilight saga kasama sila pero wala talaga akong nararamdaman na pagod.



Nababagabag ako sa sinabi ni kuya David.




Tumayo ako mula sa pag kakahiga at una ko agad naramdaman ang pagtunog at pagkirot ng likod at tuhod ko, umunat unat pa ako sa sobrang sakit. Tamad na nga patay gutom pa! tingnan pa natin kung makaunat pa ako sa gawain ko araw araw.




Hagok agad ng mga kasama ko ang narinig ko ng alisin ko ang headset, Nag sisi ako. Nangunguna si Milan na halatang nananaginip pa at natatawa mag isa. Matindi.




Bumuntong hininga ako. Akmang tatayo na ako para kumuha ng pagkain ng dahan dahang bumukas ang pinto at pumasok si.... Nicholas?.



Seryoso? Alas dose ng gabi? pag kakamalan tong mag durukot e!



"Hi" nagawa nya pang bumati habang dahan dahang sinara ang pinto. "Bakit gising kapa?" mahina nyang tanong habang papalapit sakin.


Kumunot ang noo ko sa kanya. "Ikaw, bakit gising kapa?.. at anong ginagawa mo dito ng dis oras ng gabi ha?" balik ko sa kanya.


Umupo sya sa gilid ng kama kaya umayos ako ng upo. Naka pang hospital na damit sya, may benda ang braso at band aid sa gilid ng noo. Anong nangyari? Ang dami na nilang sugat pero gwapo parin? tapos ako itong mukhang losyang at tocino sa sitwasyon ko.





Iba talaga kapag natural beauty.



"I just want to check you" Tumingin sya sa akin. "Bakit gising kapa? It's already midnight, Zen"




"Nagugutom ako e, Anong magagawa ko?.. Matulog ng gutom?" ngumuso ako. Gutom na talaga ako, Mag wawala talaga ako dito.





"Do you want me to cook? or buy?"
tanong nya sakin habang inaayos ang magulo, amusin kong buhok. "What do you want to eat, hmm?"





Ano nga ba? "May cup noodles dyan sa lamesa, yun nalang kakainin ko. meron din namang tirang kanin at imbotido kanina e" sabi ko sabay turo sa lamesa. nandun ang patong na cup noodles at naka taklob na ulam at kanin. "Samahan mo ako, Dalawang cup noodles ang lagyan mo ng mainit"




Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now