AUTHOR'S NOTE: Hello everyone! I hope you all doing great✨❤️
“Papatayin kita.."
"Mag sisisi ka!.."
Hingal na hingal akong napaupo sa kama,pawisan at halos manginig ako sa kaba. Panaginip ba iyon?.
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko, tumingin ako sa paligid para humingi ng tubig pero ganun nalang ang gulat ko ng makitang wala ang mga kasamahan ko. Ako lang mag isa sa kwarto namin ngayon.
"M-milan" Tawag ko, unti unti akong tumayo. Kahit nanghihina ay pumunta ako sa lamesa at agad na uminom ng tubig. Ang kaba ko kanina ay nawala ng makainom ako ng tubig.
Tumingin ako sa orasan at nakitang madaling araw parin. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong wala ang Section A. Nasaan sila? Dis oras ng gabi tapos wala sila sa kwarto? Akala ko ba bawal kami lumabas?.
Nag lakad nalang ako pabalik sa kama ko, hindi bukas ang ilaw pero medyo maliwanag narin dahil sa buwan. Hindi nga lang totally makikita ang buong kwarto. Umupo ako sa kama ko, akmang hihiga na ako ng marinig ang pag ikot ng doorknob ng kwarto, sign na may papasok.
Pumasok ang isang nurse na naka facemask. May dalang tray na may pang inject, gamot saka tubig. Dumeretso sya sa lamesa ko sa gilid.
"Ma'am, need mo na uminom ng gamot" sabi nya habang nakayuko.
"Nakainom na ako ng gamot kanina ate, iinom ba ulit daw?" tanong ko.
"Need ma'am--" sabi ng nurse. Habang nag aayos sya ay nakita ko ang pamilyar nyang mata. "Anong oras ka uminom kanina?" tanong nya sakin.
Pamilyar sya sakin. "Nakalimutan ko na, basta uminom ako" sagot ko sa kanya, pinag mamasdan ko sya habang nag aayos ng gamot. "Need ba talaga? Pang tatlo ko na yan kapag uminom ako ng gamot, sabi ng doctor kanina ay dalawa sa isang araw daw" paliwanag ko sa kanya.
Hindi parin sya tumingin sakin. "Nakita mo ba miss kung nasaan ang mga kasama ko?, nandito lang sila kanina pero pag--"
"Huwag ng maraming tanong!"
Nanlaki ang mata ko ng sigawan nya ako. Masama ang tingin nya sakin na para bang ang laki ng kasalanan ko.
"Nag tatanong lang po ak--"
"Tangina! Huwag kang mag salita na para bang wala kang kasalanan!" sigaw nya ulit sakin. Ng tingnan ko ang kamay nya, nanginginig ito habang mahigpit na hawak ang pag tusok. Agad akong kinabahan.
Agad akong naalarma at tumayo. "S-sino ka?" hindi ito nurse, hindi ito ang nurse na nag aalaga samin.
"H-hayup ka. Bakit hindi ka nalang namatay para wala ang problema na to?! Dahil sayo.. D-dahil syo! Nag kakagulo kami!" sigaw nya sakin. Agad syang sumugod sakin at akmang itutusok sakin ang hawak nya.
YOU ARE READING
Queen of Section A |✓ (Part two: The battle)
Storie d'amoreMasaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa araw araw ang mga Taga section A lalo na ang dalawang presidente nang mga ito. Sa buong pagsubok na lahat ng mag taguan nang sekreto, Storya a...