CHAPTER 143

778 14 0
                                        

Hindi ako mapakali!.... Charot, Kanina pa ako dito sa upuan kong aligaga, Bakit ba kasi ang tagal tagal nang Oras para matapos na ang klase?, 10:30 palang nang umaga, Mamaya pang 12:00 nang tanghali ang tapos!.


Patingin tingin ako sa cellphone ko at orasan sa room para i-check ang oras, Wala naman akong pake sa mga lokong Nakatingin na sakin, pati ata teacher namin nag tataka na din sa ginagawa ko...



"Zen? Stop what you're doing!,Nakakahilo ka" Reklamo sakin ni Nicholas na nasa kaliwa ko lamang, Naka cross arm pa ang loko habang nakatingin sakin.


Ningusuan ko naman sya."Bakit ka kasi nandyan? Hindi naman dyan pwesto mo!..Dun ka nga!" Pang raratrat ko sa kanya.


"Tsk"


O diba,Ang magic word by Nicholas davin Arrington (--__--)... Lumipat na kaya ako nang upuan?, Wag nalang kaya? Paano kapag nangongopya ako?, kina kole at Nicholas kasi ako nangongopya kapag hindi ko talaga alam eh, Paano kapag lumipat ako? Adi si milan naman ang katabi ko!, Eh mas lutang pa utak nun sakin eh.


"Makikipag kita ka ba sa mommy mo?" Tanong sakin ni nicholas kaya napatingin ako sa kanya. "Why don't you go? what are you waiting for?"
Dagdag pa nya habang nakataas ang kilay sakin. Umayos ka, pasalamat ka at gwapo ka.


Hindi na ako mag tataka kung bakit alam nya, Syempre nakikinig kanina yan eh, manang manang sa mga ka angkang loko nya.


"Hindi pa tapos ang klase eh" Paliwanag ko sa kanya bago bumuntong hininga. "Mag iintay pa ako nang Dalawang oras bago umalis" sabi kopa sa kanya. Totoo naman, Kaso hindi talaga ako mapakali, para akong bulate dito.


"Do you want to see your mom?" Tanong pa nya sakin. Tumango naman ako at sa unahan nalang binaling ang atensyon ko, Need ko lang talaga mag intay, Intay lang katapat nan, Kingina mag intay ka zen.



"You just need to multiply before dividing the two Answers, then you will get the value of X--- Yes, Nicholas, You have something to say?"



Lahat kami ay napatingin kay nicholas nang tawagin sya ni sir sa unahan, Nang tingnan ko ang Aliparot ay nakatingin pa din sakin ito habang naka cross arm pa din. Problema nito? Tusukin ko kaya sa mata to nang mag tino?.


"I have a headache, can i go to the clinic?" Tanong nya habang sakin nakatingin, Masakit ulo?, Kaka singhot mo nang katol yan!, Magaling nga!

"Of course, Pumunta ka na" sagot naman si sir sa kanya.


Hindi na nag salita si nicholas at tumayo sa pwesto nya, Pero hindi pa ako nakakatingin sa unahan ay hinawakan nya agad ako sa kamay na ikinabigla ko. Aba't!.


"Hoy!, Ano na naman ba?" Sita ko agad sa kanya, Hihilahin pa nya sana ako palakad pero hinila ko agad ang kamay ko dahilan para mapahinto kami sa gitna, Napag titinginan tuloy kami.

"Masakit ulo ko"

"Oh, anong gagawin ko?"


"Alagaan mo ako"



(--__--) ayun, Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin na nya talaga ako palabas nang room.Hindi.sya nag salita at dere-deretso lang sa pag lalakad,Pero nag tataka ako nang sa iba kaming pwesto dumeretso.



"Nicholas, Sa kanan ang clinic, Bakit sa kaliwa ka dumaan?" Tanong ko sa kanya habang hawak pa rin nya ang kamay ko. "Uy, Hindi nga dyan ang clinic" Sabi ko bago hinila ang kamay nya dahilan para huminto kami sa kalagitnaan nang hallway.


Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now