AUTHOR'S NOTE: Hello everyone. Good day to all😊❤️😍.
"Grabe, Ginawa nyo talaga yun?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Kole habang malakas na natawa sa kwento ni Milan."Oo!, Halos lahat ng laman ko manginig sa kakatakbo!, Paano itong si Terry parang gag*, Makatili akala mo babae sa kanto!" Sigaw ni Milan sabay turo kay Terry na tahimik na kumakagat ng ubas sa lamesa.
"Wow ha--" Sarcastic na sagot ni Terry. "Bakit, Sino ba nasigaw dito ng 'Mamaaaa!', Diba ikaw?, Kulang ka kasi sa Tuli kaya ka ganyan!"
"Tuli na ako!"
"Edi ikaw na Tuli!"
"Tumigil na nga kayo" Awat ko sa kanilang dalawa. "Dalawang oras lang tayo pwede dito kaya manahimik muna kayo, Babalik tayo mamaya sa kwarto" Sabi ko sa ka kanilang lahat. Ngumuso naman sila sakin.
Kanina, Nag sorry kami kay Ateng Guard, Pag kamalan ba naman naming multo!, Humingi din kami sa Doctor ng kahit saglit na pag bisita sa kwarto nina Nicholas at Kole, Kinausap na din ni Nicholas ang kuya ko kaya pinag bigyan kami ng Dalawang oras para makapag usap-usap.
Lagot nga lang kami mamaya!.
"I have a news--" Singit ni Clark habang seryosong nakatingin sa Cellphone. Tumingin sya samin. "Nahuli na ang ilang sangkot sa Event nung nakaraang araw, Kahit mga Sindikato at Drug Lord na kasosyo ni Oliver ay nahuli din" Anunsyo nya samin.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Nasaan na sila ngayon?" Tanong ni Nicholas na nasa tabi ko lang ngayon."Hawak na sila ng mga Private investigator at High Group of Police, Iniimbistigahan din sila ng grupo nina Ace" Sagot nya ulit.
"Paano sina Cloud? Sina Xavier at Sky?" Tanong ko naman. Ilang araw na din ang nakalipas, Ano ang nangyari sa kanila.
"Hawak sila ng mga Special Investigator ko, Don't think about them. Ako ang bahala sa kanila, Zen" Komento ni Nicholas bago ako abutan ng isang Plato ng pagkain.
"Uminom ka na ba ng gamot mo?"Umiling ako bago kinuha ang plato.
"Hindi pa..""Nako Nicholas! Iyang si zen? Hindi nainom ng gamot yan! Kailangan pa naming suyuin para lang Uminom!"
Masama kong tiningnan si Benick ng walang hiyang sabihin nya iyun ng sobrang lakas. Agad namang nag Komento ang mga loko.
"Oo nga! Hirap mag alaga!"
"Nako nako nako! Si Zen pa!"
"Ge! Mag sumbong kayo kay nicholas!"
YOU ARE READING
Queen of Section A |✓ (Part two: The battle)
RomanceMasaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa araw araw ang mga Taga section A lalo na ang dalawang presidente nang mga ito. Sa buong pagsubok na lahat ng mag taguan nang sekreto, Storya a...