CHAPTER 154

460 12 1
                                    

"Hehe....Oo kuya,Pwedeng dito muna ako?... Promise!Uuwi din ako bukas!."

[Uuwi?,Kayo lang dalawa dyan?!,Zendaya!Hindi ako payag!Umuwi kana dito ---].

Huhuhu!. Kuya naman ih!,Hindi ba nakakaintindi si kuya nang salitang Uuwi din!. Grabe! Hindi naman ako nag rereklamo kapag dalawang araw sya bago umuwi!, Tapos!Ako itong bukas lang ang uwi,Ready na agad sila mag pa tulfo!.

Kesa naman iwan ko si Aliparot dito.
Gusto ko sanang sabihin kina kole kaso naisip ko kapag magaling na lang si nicholas. Mukha kasing pagod eh!.

"Kuya--" napanguso ako habang nakasandal sa pader. "--Mahal kita,Alam mo yan" pabebeng sabi ko sa kanya.


[Uwi!]. Maotoridad na utos ni kuya sa kabilang linya. Lintik, Nanginginig brain cells ko kay kuya!. Sa cellphone palang alam nang hindi kaya!.

"Kuya naman ih!" Iiyak na ako!,Pigilan nyo ako!.


[Umuwi ka dito o ako pupunta dyan--]

Tooooooooooot!.


Ayaw ko na!. Mabilis kong pinatay ang tawag!. Nag chat ako kay kuya na uuwi din ako at mahal na mahal ko sya!  Syempre! Hindi makakatiis sakin yan!,Mag karoon ka ba naman nang kapatid na maganda! Diba?!DIBA!.


Alam kong busy si kuya kaya naman hindi na nya ako mapupuntahan dito!Bwahahaha!.Ako lang to men! Advance ako mag isip!.


Bumalik nalang ulit ako sa itaas para tingnan si nicholas. Bumaba lang talaga ako para tawagan si kuya, Kasi mag hahapon na, Baka mag pa pulis pa yun nang hindi ko alam kaya inunahan kona! Alam nyo kasi, Medyo OA mga kuya sa panahon ngayon!---Charot!.


Sa kabilang kwarto nag pahinga si nicholas. Meron din syang mababang lagnat kaya naman nag padala ako nang tubig at bimpo para punasan sya. Nasa gilid din nang kama nya ang sopas na ngayon ay mainit pa, Hindi kasi nakakain dahil nakatulog agad.


Pagpasok ko sa kwarto ay hindi kona binuksan ang ilaw. Maliwanag naman sa labas dahil sa buwan kaya kita ko si Nicholas na nakakumot habang mahimbing na natutulog.

Parang ako yata ang mapupuyat dito ah?.


Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid nang kama. Hinapo ko ang noo nya at mainit pa din, Hindi normal..
Dahan-dahan ko syang kinalabit para magising.


"Nicholas" mahinang tawag ko dito.
"Nicholas.....kumain ka na muna"
Sabi ko pa dito.


Unti unti syang nag mulat nang mata bago bumaling sakin. "Hmm?" Tanging lumabas sa bibig nya.


"Kumain kana muna, Tapos uminom ka nang gamot...Para diretso pahinga ka na" paliwanag ko sa kanya.

"Hmm"


Tumango lang naman sya kaya tumayo ako sa kama at inalalayan syang makaupo, sumadal din sya sa pader nang kama habang ang kumot ay hanggang bewang nalang nya.


Mabilis kong kinuha ang sopas at hinalo iyun. Nang silipin ko si nicholas ay nag pupungay pa ang mga mata nito at halatang antok pa, Nilalabanan naman nya yun tapos titingin sakin.


Hinipan ko ang sabaw nang sopas bago tinapat sa bibig nya. Dahan dahan naman nyang sinubo bago sumandal ulit...Ilang beses ko syang sinubuan hanggang sa maubos ang isang mangkok nang sopas, Natutuwa naman ako dahil malakas sya kumain, Madaling mawawala ang sakit nya nan.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now